Chapter 30: Encounter

8.2K 207 0
                                    

Nakarating na kami sa Dojo pero wala dun si Master Takishima. Ang sabi ni Kisune ay nagtungo daw si aster sa bundok para humanap ng peace of mind.

Eto namang si Lance ay di mapakali. Kinakabahan siguro sya na mameet si Master. Siguro akala nya masunget ito at Strikto. Well, nagkakamali sya. Dahil si Master ay parang si Joyce. Mas seryoso nga lang sya kaysa kay Joyce.

Sabi ni Kisune baka mamayang gabi or bukas pa ang uwi ni Master. Ang weird talaga. Pwede namang dun nalang syang magkulong sa kwarto para sa peace of mind. Dibale na nga. Mas gusto din kasi nun ang maghanap ng peace of mind sa kagubatan at kabundukan. Ang dahilan nya, dinadama daw nya ang kalikasan.

May limang kwarto dito sa Dojo. At dahil nga nakapagtraining na ako dito dati nagtungo na ako sa kwarto ko. Si Lance naman ay nagtungo sa kwarto na katabi nitong sa akin. Hindi naman siguro magagalit si master dahil dun.

Inayos ko na ang gamit ko at nilabas ang teddy bear. Bago ako lumabas ay yinakap ko muna yun ng mahigpit. Ang lambot talaga!

Lumabas na ako at sakto namang lumabas din si Lance, bakit namumutla sya? Kinakabahan ba talaga sya makilala si master? Ang weird nya.

Niyaya ko sya sa gitna ng Dojo kung nasaan ang malawak na Training Hall. Sa isang sulok ng training Hall ay may mga pictures si master ng mukha nya. Tsk.

Nang mapatingin ako kay Lance ay namutla lalo sya ng makita nya ang pictures. Bakit ba sya nagkakaganyan? Sobrang takot o kaba? Grabe.

Niyaya ko syang makipag one on one. Pero ilang minuto na kaming naglalaban ay wala pa ring nananalo sa amin. Magaling talaga sya ah. Hiningal pati ako dun. I sighed.

Maya maya pa ay tinawag na kami ni Kisune para maghapunan. Buti nalang din marunong magtagalog etong si Kisune.

Di gaya sa Pilipinas at US ay walang upuan dito. May mababang lamesa lang sila at sa sahig ka talaga uupo. Nang matapos na akong kumain ay agad akong nagtungo sa kwarto at nagpahinga. Ganun din naman si Lance.

Nagising ako dahil sa marahas at malakas na pagkatok sa pinto ko. Sinabi ng ayokong ginigising ako eh!! Padabog akong tumayo at binuksan ang pinto. At bumulaga sa akin si Lance na namumutla.

"Ano bang pinaggagawa mo at binubulabog mo pa ako?!" Pero imbis na sumagot ay pumasok sya sa kwarto at agad yung nilock.

"Shea! Anjan na sya! Anjan na si master!" Sabi nya.

"Oh eh ano naman? Maganda nga yun eh. Tabi nga jan!" Hinawi ko sya at pilit binuksan ang pinto pero nakaharang talaga sya.

"Huwag mo munang buksan! Ayoko pang mamatay!" pag iinarte nya.

Inirapan ko lang sya. Ano bang problema nitong lalaking to? Pinilit kong buksan ang kwarto ko, goodnews at nagawa ko syang buksan! Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Master. Si Lance naman ay nagtago sa likod ng pinto.

"Oh Iha. Tamang tama haha! Tumawag na sa akin ang tatay mo na babalik ka nga! Sinabi din nyang may kasama ka. Asan pala sya?" Wika nya at ginulo ang buhok ko.

"Master naman! Lagi nyo nalang ginugulo buhok ko. Tss! Hinahanap nyo yung kasama ko? Anjan sya sa likod ng pinto! Nagtatago sa inyo. Takot na takot. Ewan ko ba sa lalaking yan!" Sabi ko.

"Natatakot sa akin? Grabe naman! Di naman ako nangangain ng tao haha. Ano bang pangalan nyan?"

"Lance" sagot ko.

Nang marinig nya ang pangalang yun ay dali dali nyang hinubad ang suot nyang sapatos sa kaliwang paa at pumasok sa kwarto. Nakita nya nga si Lance sa likod ng pinto.

"Waahh!! Master!!" Tumakbo bigla si Lance palayo kay Master.

"Bwiset kang bata ka! Diba sabi ko wag na wag ka ng babalik dito?! Bakit nandito kana naman?!" Sabi ni Master habang hinahabol si Lance. Kasalukuyan silang naghahabulan sa kwarto ko hanggang sa nawala sa paningin ko si Master at nakita ko nalang sya sa harapan ni Lance. Huminto si Lance sa pagtakbo at hinarap si Master.

"Ahh.. Ehh.. Master.. Ano kasi" wika nya habang kumakamot pa sa ulo.

Hinampas naman ni master si Lance nung sapatos na hawak nya.

"Pasaway ka talagang bata ka! Di kana nagbago!" Sabi ni master.

Okay naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari

"Wait nga! Do you know each other? How?" Tanong ko.

"Naging estudyante ko tong batang to bago kita maging estudyante. Etong batang to ang pinaka-pasaway sa lahat ng naging estudyante ko!" Paliwanag ni master.

"Master naman. Good boy kaya ako nun" sabi ni Lance.

"Buti kamo at may face blindness si Kisune kung hindi paniguradong nalintikan kana din dun" sabi ni Master.

"Eh kung ganun. Bakit di mo sinabi na kilala mo pala si Master?" Tanong ko.

"Aba malay ko bang eto palang si Nanjiro ang sinasabi mong Master Takishima" binatukan naman sya ni Master.

"Aray naman. Ang brutal mong matanda ka!" Si Lance.

"Wala kang galang! Hindi kana nagbago. Ang panget mo na nga. Ang panget pa ng ugali mo!" Si Master.

"Master! Di ako panget!" Sabi ni Lance. Tss ang ingay nila.

"Tsk. Lumabas na nga kayo sa kwarto ko. Agang aga nambubulabog!" Sabi ko kaya umalis na silang pareho

Para silang mga aso't pusa! Tss. Di man lang nabanggit sa akin ni master about dun sa Lance na yun dati. Dibale na nga lang. Matutulog nalang ulit ako.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at yinakap ang teddy bear ko. Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok kaya natulog na ako.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon