Chapter 23: Secrets

9.1K 230 0
                                    

Gab's Pov

Walang pasok ngayon dahil mamaya na gaganapin ang acquaintance Party. Kung kailan Party tsaka pa sya mawawala. Sayang tuloy yung gown na binili. Tss. Kamusta na kaya yun? Ano nga kayang nangyayari? Teka. Nahanap na ba nina Charles si Lance? Tsk. Isa pa yun eh. Bullsh*t.

Bumangon na ako dahil malapit na din naman magtanghali. Sa totoo lang nawalan na din ako ng ganang pumunta sa party. Kaso napilitan ako gawa ni Joyce. Sh*t

Naghilamos lang ako at nag-toothbrush bago bumaba sa kusina. Nagugutom na din ako eh. Pagbaba ko wala yung tatlo. Baka nasa mall sila para sa party mamaya. Tss iwan daw ba ako? Nice.

May nakita akong fried rice, bacon at itlog sa mesa kaya yun nalang ang kinain ko. Nang matapos ako ay naligo na ako.

Sakto namang dumating yung tatlo na may kasamang dalawang bakla. The heck?

"Yan na ba si Harriss at Charles?" Tanong ko.

"Hahahaha. Funny!! Psh. Sila yung mag aayos sa atin para mamaya" sabi ni Joyce.

Bigla namang pumasok na pinto sina Harriss at Charles.

"Aray naman. Hahaha mukha ba talaga akong bakla?" Si Charles.

"Tss. Ano namang ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Dito na kami magbibihis para sabay sabay na tayo hahaha" si Harriss.

"Teka, nahanap nyo na ba si Lance?" Si Joyce.

"Yeah. Tinawagan nya ako kahapon, at sabi nya may inutos lang daw daddy nya sa ibang bansa. At ibinilin nya sa atin yung business dito ni Lance" Si Harriss.

"Bait ah? Umalis sya pero sa atin iniwan ang trabaho?" si James.

"Hahaha. Kaya nga eh! Patay talaga sa akin pag uwi yun." sabi ni Harriss

"Anong oras daw ba ang simula ng party?" Si Marky.

"6pm" sagot ko.

"6pm?! 4:30 na oh!! Magpapaayos pa tayo. Halika na sa kwarto!" Hinila na ako ni Joyce paakyat ng kwarto nya. Kasunod namin yung dalawang bakla. Sana naman maging maayos ang lahat tss.

Shea's Pov.

Nang nasa airport na kami at agad dumating si butler John dala dala ang limousine namin. Kaya naman sumakay na kami dun ni Lance. Nang makasakay na kami ay inaabot sa akin ni John ang mask ko. Medyo namumugto din yung mata ko dahil umiyak ako sa eroplano kanina.

Buti naman at naging tahimik si Lance sa buong byahe. Dahil sa totoo lang, wala ako sa mood pakipag usap. Bago ako pumasok ay sinuot ko na ang mask ko.

Pagpasok namin sa mansion namin dito sa US. Nakita ko na agad ang mga ilang mafia Leaders at ilang mafias galing sa iba't ibang organization at clans. Yung iba naman ay mukhang galing pa sa Japan.

Nasa Japan ang pinaka main base namin. Maraming mafia groups ang nandun na pinamumunuan naman ni Dad. Dun namin nilagay ang main base namin para tago.

Nang makita nila ako ay agad silang tumayo at nagbow. Nang mag umpisa naman akong maglakad ay humawi sila sa gitna.

Sumalubong naman sa akin si dad na namumugto na ang mata. So hindi talaga sya nagbibiro? Nag umpisa na din mag init ang gilid ng mga mata ko at mag uumpisa ng tumulo ang mga luha ko.

"S-sino ang may gawa nito?" Mahinahong sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

"B-black mafias" si Dad habang pinipigilan ang luha nya. Pinipilit nyang maging matapang sa harap ng marami pero sa totoo lang. Mahina sya. Lalo na pagdating sa pamilya nya.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Una ang kuya ko, ngayon ang mommy ko naman? Magbabayad kayo!! Hindi ko hahayaan na sumunod naman si Dad sa mga papatayin nyo!

Maglalakad na sana ako nang may biglang nagsalita.

"Sir. Lance, alam po ba ng dad nyo na andito kayo?" Sabi nung isang Mafia Boss.

What the heck? Edi may kinalaman nga sya sa mga Mafias.

"Just don't tell him about this" sagot nya.

"Tss. Sumama ka sa akin Lance. May pag uusapan tayo." Sambit ko. Umakyat na ako sa kwarto at sumunod naman sya. Umupo sya sa Sofa ko sa kwarto. Ako naman ay pinahid ang luha sa mga mata ko.

"Bakit ka nila kilala?" Tanong ko.

"Eh ikaw? Bakit ka nila sinasamba?" Sagot nya naman.

"Tsk. Just answer my fvcking question!" I said.

He sighed. "I'm a mafia boss. Pero sa organization lang ni Dad. Hiwalay ang parents ko, at pareho silang mafia boss ng magkaibang org. Kaya naman nung maghiwalay sila at naghiwalay na din ang org nila. Sa org ng dad ko, ako ang mafia boss. Wala naman akong alam sa org ng mom ko dahil ibang apelyido na ang ginamit nya dun" he said.

"Uhm. Dahil sinabi mo na sa akin yan. Can I share my secrets to you?" I asked.

"Sure." Tanging sagot nya.

"I'm the Mysterious Princess"

"I know" sagot nya.

Nagulat naman ako sa naging sagot nya. How did he know? Alam ba to nung dalawa? Shit"

"You knew? Kailan pa?" Tanong ko.

"Kanina. Bahay to ng Mysterious Princess eh. Tsaka sinamba ka nila kanina kaya malamang, ikaw nga sya"

"Eh paano mo nalaman na bahay namin to?"

"Nandito ako nung namatay ng Kuya mo. Pati nung birthday mo na pinakilala ka ng parents mo as mafia boss."

"The heck? Nandito ka nun?" Tanong ko.

"Yeah. Sinama kasi ako ni Dad dito. Maganda na daw na makilala kita" sabi naman nya

"Tss." Inalis ko na ang mask ko at ang contact lense ko.

"Ikaw nga talaga sya" sabi nya.

"Hell yeah" Sabi ko naman.

Papunta na sana ako sa cr ng kwarto ko nang biglang may kumatok.

"Sino yan?!" Sigaw ko.

"Its me. Your Dad"

Binuksan ko ang pinto at dere derecho lang sya sa sofa at umupo. Katabi nya si Lance.

"Good Day sir" bati ni Lance.

"Oh Lance! Andito ka pala? Sorry kung di kita nabati kanina ha? Masakit kasi masyado eh" sabi nya.

"Eh anong kailangan nyo sa akin?" Tanong ko.

"May party ngayon sa University diba? Nabalitaan ko na pupunta dun ang isa sa mga Gangster's Councils. I want him dead. Tutal andun naman yung apat. Sa kanila ko nalang ibibigay ang Mission na yun" wika nya.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon