Chapter 35: Joyce and Harriss

7.9K 167 3
                                    

Joyce's Pov

"Good Morning Earthlings!!" Wika ko paggising ko.

"Sshh.. Wag ka muna maingay" si James.

"Give us 10 more minutes bago kami magprepare" si Marky

"Psh. Bahala kayo jan!" Nakanguso kong sigaw

2:30 na. 3:00 ang call time namin para sa training nung dalawa. Bakit ko kaya nakayanan na gumising ng ganito kaaga? Haha. Grabe yung training nila kahapon. Ang sakit sa ulo nung mga codes. Eh di na nga kami nakaimik dun eh. Psh.

Nagtungo na ako sa cr at nag umpisa ng maligo. Magkakatabi ulit kaming tatlo matulog dahil nanood kami kagabi ng The conjuring 2. Nakakatakot grabe!

Pagkatapos ko kumain ay nagtungo na ako sa dinning room para mag almusal. Pero nasa hagdan palang ako nang may marinig aking kaluskos.

Hala! Ano yun?! Kinuha ko yung bsseball bat na nakasandal sa pader sa may Hagdanan. Dahan dahan akong nagpunta sa pinanggagalingan ng Kaluskos. At ayun! May lalaki sa may Ref!

Agad kong hinampas yung lalaki kaya napadaing sya at napaupo sa sahig. Ako naman ay binuksan ang Ilaw. Uhh.. Ohh...

"Tang ina mo Joyce!! Ano na naman bang nakain mo?!" Si Harriss lang pala.

"Aba malay ko bang ikaw yan!! Akala ko magnanakaw na eh!" Nakangusong sabi ko at ibinaba na ang hawak kong bat.

"Tss. Sa gwapo kong to? Mukha ba akong magnanakaw?!" Sabi nya habang nakaturo pa sa sarili nya.

"Tss. Lakas ng hangin oh!! Oh baka naman april fools lang ngayon?!" Sabi ko. Gwapo daw sya? Napanguso akong muli.

"Tsk. Joyce duck." Wika nya na ikinagulat ko.

"Ano?! Sinong duck?!" Tanong ko.

"Edi ikaw!! Maya't maya ka ng naka-pout kaya nagmumukha kang duck!" Sabi pa nya.

"Hmmpp!!!" Sabi ko at sinagi ko sya para umalis sya sa tapat ng ref.

Kumuha nalang ako ng cereals at milk para sa breakfast. Sunday pa naman ngayon kaya bukas pa ang pasok namin, kaya nga may training kami ngayon eh.

Napatingin naman ako kay Harriss na ngayon ay nakaupo na sa dinning area. Anong kakainin nya? Wala naman syang dala ah?

Hindi ko nalang sya pinansin at umupo na sa katapat nya. Habang kinakain ko ang cereals ko ay bumaba na din si Gab.

"Ang aga ah." Sabi ni Gab.

"Syempre. Takot ko nalang sayo" sabi ni Harriss.

"Where's the three boys?" Tanong nya.

"Si Charles naliligo na nung bumaba ako" sagot ni Harriss.

"Yung dalawa naman tulog pa" sabi ko sabay subo.

"3:00 na ah. Hmm. Kumuha kayo ng maraming ice cube at ilagay nyo sa timba na may tubig" sabi ni Gab.

"Bakit? Gusto mo ba ng malamig na malamig na tubig? Meron jan sa ref." Sabi ko.

"Tss. Idiot. Just do it!!" Sabi nya.

"Oo eto na nga oh!!" Sabi ko at tumayo na.

Binuksan ko ang ref at kumuha na ng ice cubes. Si Harriss naman ay kumuha ng timba na may lamang tubig. Inilagay ko na din yung yelo dun.

"Oh ayan!! Inom na!" Sabi ko.

"Tss. Ibuhos nyo yan kina James at Marky para magising." Sabi nya at nagtungo na din sa Ref.

"Waahh!! Masaya to!!" Sabi ko.

"Haha Oo nga!!" Si Harriss.

"Tara na!!" Sabi ko at binuhat na ni Harriss yung timba.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon