Lance's Pov.
Ewan ko ba kung bakit pero masaya ako na isinama ako ng babaeng yun. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
Kakagising ko lang at andito ako sa guest room nila. Buti may mga damit dito kaya nakaligo ako. Magkatabi lang ang kwarto ni Shea at ang guest room. May nakita akong parang maid na nanginginig papunta sa pinto ng kwarto ni Shea.
Haha. Tinatakot nya siguro mga maid nila dito. Nanatili ako sa pwesto ko ng kumatok ang maid at nagsalita.
"Ms. S-shea, p-pinapatawag na po k-kayo ni K-king"
Grabe nauutal pa? Ano ba kasing pinaggagawa ng babaeng yan?
Maya maya pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa loob. Parang may hinagis sya na kung ano sa Pinto.
"Tell him that I'm sleepy!" Sigaw nya.
Agad namang kumaripas ng takbo yung Maid. Grabe lang ha? Haha. Lumapit ako sa Pinto pinihit ko ang Doorknob at hindi Nakalock yun.
Nakita ko syang nakahiga at yakap yakap ang isang malaking teddy bear. Saan nakalagay yun? Parang di ko yun nakita kagabi ah. Pagtingin ko sa sahig, may lampshade dun na sira sira. Mukhang ito yung hinagis nya kanina.
Naramdaman nya ang presensya ko kaya naman napaupo sya agad at tiningnan ako ng masama.
"Why are you here?" Sabi nya
"Hm. Gigisingin ka? Haha. Grabe ka! Tinakot mo pa yung Maid nyo!" Sabi ko.
"Tss. Oo na! Get out! Mag aayos lang ako!" Sabi nya kaya naman lumabas na ako.
Nakarating ako sa kitchen at nakita ko dun yung Dad ni Shea na kumakain. Kaya naman umupo ako sa harapan nya at nakisalo na din. Kinwentuhan nya lang ako tungkol kay Shea.
Shea's Pov.
Nagising ako dahil sa pagkatok at pagtawag sa akin nung Maid.
Ayokong inaabala ang tulog ko kaya naman, binato ko yung lampshade sa pinto at sumigaw."Tell him that I'm Sleepy!!" Sigaw ko at narinig ko naman ang yabag ng paa nya palayo.
Nang makaalis sya ay may naramdaman pa akong ibang presensya sa labas. Hindi ko nalang pinansin dahil inaantok pa talaga ako. Nang mabuksan nya ang pinto at medyo nakalapit na sa sa kama ko ay nakilala ko ang Presensya. Damn!
Napaupo ako agad at tiningnan sya ng masama.
"What are you doing here?" Tanong ko.
Hm. Gigisingin ka? Haha. Grabe ka! Tinakot mo pa yung maid nyo!" Sagot nya. Tss. Eh sa ayokong ginigising ako eh!
"Tss. Oo na! Get out! Mag aayos lang ako!" Sabi ko kaya naman lumabas na sya.
Tsk! Ano ba yan?! Nakita pa nya akong bagong gising?! Paano kung may panis na laway pala ako?! Aarrgghh!! Teka nga! Bakit ba ako nacoconcious?! Tsk.
Bumangon na ako at naghilamos. May cr naman dito sa kwarto ko kaya di ko na kailangang Lumabas. Inipit ko lang ang buhok ko into a messy bun.
Nang matapos na ako ay pumunta ako sa kitchen at nakita ko si Dad at Lance na masayang nag uusap habang kumakain. Umupo naman ako sa tabi ni Dad.
"Oh Baby. Good you're awake. May mission kayong dalawa okay?" Sabi ni Dad.
"I'm not a Baby Dad! Come on!" Sabi ko sabay irap.
"Hahaha. Fine fine. I was saying na may mission kayong dalawa mamaya okay? Your target will be the girl named Lhea. She's 17 years old. Assassin sya at nag aaral sya sa Takeshi Highschool." Paliwanag ni Dad.
"Takeshi Highschool? Can you be more specific? Andami kayang Takeshi Highschool dito. Hindi naman siguro yan sa main school sa Japan Right?" Tanong ko.
"Haha. No, hindi yun dun. Jan lang yun sa kabilang Street. So I want you to kill her" sabi ni Dad.
"Bakit? Ano bang meron sa batang yun?" Tanong ko.
"Assassin sya at sya din ang traydor sa isang clan natin. Pinaimbestigahan ko na din sya. At nalaman ko na member sya ng black mafias."
Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit. I will definitely kill her.
Hindi na ako umimik at nagpatuloy nalang sa pagkain. Nang matapos ako ay kinausap ko na si Lance para sa plano.
Mamayang hapon namin yun gagawin para saktong tapos ng klase nila. Pinakita na din sa amin ni Dad ang picture ni Lhea kaya di na kami mahihirapan.2pm na. Dalawang oras nalang at matatapos na ang klase nya. Nag ayos na din ako at nagsuot ng Black Fitted V neck shirt, black leggings at Boots na black na halos umabot sa tuhod ko. Naglagay din ako ng ilang daggers at shurikens sa boots ko. At kinuha ko ang katana ko at isinukbit sa likod ko.
Pagpunta ko sa living room andun na din si Lance, Naka lants lang sya at Tshirt. Parang di nga sya sasabak sa mission eh. Sinuot ko ang mask ko bago magpunta sa garage. Pinahiram ni Dad si Lance ng motor bike kaya naman motor bike na din ang ginamit ko.
Nasa Parking lot na kami ng eskwelahan at inaantay na namin sya. Mag-gagabi na ng lumabas sya, mabuti nalang at wala ng estudyante dito.
Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya naman ngumisi sya at kumuha ng dagger sa bulsa nya. Agad ko naman syang sinugod gamit ang katana ko pero bawat masiwas ko ay naiiwasan nya. Masyadong mabilis ang galaw nya. Pero sorry sya dahil mas matalino ako,
Akma ko syang susuntukin sa mukha at dahil mabilis ang reflexes nya ay agad nyang tinaas ang mga braso nya para ipansalag. Dahil dun open ang tiyan nya kaya naman sinipa ko sya dun.
Tumalsik sya at napaupo sa sahig. Napatingin naman ako kay Lance na nakatayo lang at parang sinusubaybayan ang bawat pagkilos ko.
Hindi ko na inintay na makatayo si Lhea, tumakbo na ako agad sa direksyon nya at tinutok ang katana ko sa leeg nya.
"What do you want from me? Let me go!!" Sabi nya.
"I knew that you're the traitor in one of my Clan. And I knew that you are a member of Black Mafias. So tell me. Who the fuck is your leader?!" Dinikit ko bahagya ang katana ko sa leeg nya dahilan para magdugo yun.
Lumapit naman sa amin si Lance at umupo sa harap nu Lhea.
"Hi Little Girl. Just tell us about your leader okay?" Sabi ni Lance habang nakangiti ng Mala-demonyo.
Nanatili namang tahimik si Lhea. Kumuha si Lance ng dagger sa bulsa nya at tinarak sa hita ni Lhea. Napa-smirk nalang ako sa ginawa nya. Napasigaw sa sakit ang bata.
"Tell us or else..." Sabi ko.
"Okay Fine!! I'll talk. Our leader's name is Samantha! Samantha Black! So please spare my Life!!" Wika ni Lhea.
Matapos nyang sabihin yun ay ginilitan ko na sya. Si Lance naman ay tila nanlaki ang mata nang marinig ang pangalang Samantha.
"Do you know her?" Tanong ko.
"Di ako sure. Pero yung kapangalan nya si Mom."
Author's Note
Hello po ulit! ☺ sa next chapter nyo po mababasa kung kamusta po yung Mission nina Gab dun sa Acquaintance nila. Thank you. Don't forget to vote and comment. ☺ Lots of love!
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.