Shea's Pov.
Sa wakas!! Nakarating din!! Umupo ako sa ilalim ng puno at nagpahinga. Pinikit ko din ang mga mata ko. Damn nakakapagod!! Eto namang kasama ko parang balewala lang.
"Oy kayo'y magsi ayos na!" Sabi ni Master. Nakakagulat naman! Tss.
"Umupo na kayo jan at umpisahan nyo ng mag-meditate!" Dagdag nya. Kaya naman umupo na ako sa nakalatag na tela na nag Indian seat.
Inumpisahan kong alisin lahat ng laman ng utak ko at pakiramdaman ang paligid.
But sh*t. Di ako makapag-focus!! Feeling ko may nakatingin sa akin!! Tss.
Minulat ko ang mga mata ko at napatingin ako kay Lance. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin. Problema neto?
Fuck!! Bakit di ko maialis ang paningin ko sa kanya?!
"Hoy!! Ang sabi mag-meditate kayo!! Hindi magtitigan!!" Sigaw ni Master.
At sa wakas! Nagawa ko ding iiwas ang paningin ko sa kanya.
Muli kong pinikit ang mga mata ko at nag-concentrate. Pero Shit. Di ko maalis sa utak ko yung mukha nya kanina. Sa totoo lang gwapo sya. Tss. Erase... Erase...
Huminga ako ng malalim at muling nag-concentrate.
Fastforward...
Pauwi na kami ngayon. At kagaya kanina, maglalakad lang kami. Natapilok pa ako. How clumsy.
Nasa unahan ko sila kaya di nila nakikita yung pagkakatapilok mo at ang pagod na ako. Nagulat nalang ako nang biglang umupo si Lance habang nakatalikod kaya napahinto ako.
"Sakay" si Lance.
"What? Kaya ko maglakad no." Sagot ko.
"I know you're tired. Sumakay kana lang" sabi nya.
At dahil pagod na rin naman ako pumasan na ako sa kanya.
"Anong weight mo? Ang gaan mo. Para kang hangin" sabi nya. Kaya binatukan ko sya.
"Aray naman. Ang brutal mo" sabi nya.
Ramdam ko naman sa paa ko na may masakit. Gawa lang siguro eto nung pagkakatapilok ko kanina.
Niyakap ko ang leeg nya para magsilbing kapitan ko. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng antok kaya pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya hanggang sa nakatulog na ako.
Lance's Pov.
Kakarating lang namin sa Dojo at tulog pa rin sya. Napagod talaga sya ah? Di ko na sya ginising sa halip ay inihiga ko na sya sa higaan nya.
Inalis ko din ang sapatos nya.
"Shit." Namamaga ang isa nyang paa. Natapilok ba sya kanina? Tss.
Kumuha ako ng cold compress at dahan dahang inilagay sa Paa. Napangiwi naman sya, pero nananatili syang tulog. Ganun ba kasakit to?
Nakita ko naman na niyakap nya yung teddy bear na katabi nya. Dinala nya pala yun? Ngayon ko lang napansin. She's so cute.
Patuloy lang ako sa paglalagay ng cold compress sa paa nya hanggang sa napansin kong pinagpapawisan sya pero mukha syang nanginginig sa lamig.
Agad akong tumayo at hinawakan ang noo at leeg nya.
"Damn!! Antaas ng lagnat mo." Agad akong kumuha ng maliit na palanggana at towel.
Pinunasan ko ang braso at mukha nya. Dinamay ko na ang binti nya. Nang matapos ako ay kinumutan ko sya at ipinatong ko sa noo nya ang towel na basa.
Umupo ako sa sahig sa gilid ng kama nya at ipinatong ang ulo ko sa kama dahil pagod na din ako. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako na madilim na sa labas. Tulog pa rin si Shea. Ano bang nangyari sa kanya? Namaga lang paa nya tapos nilagnat na sya. Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Magluluto nalang ako ng lugaw.
Shea's Pov.
Nagising ako nang nandito na ako sa kwarto ko. Damn!! Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Nahihilo din ako at bahagyang masakit ang paa ko.
"Aarrgghh!!!" Daing ko.
Pinilit kong tumayo, shit. Pakiramdam ko umiikot ang paligid. Napatingin ako sa bintana. Madilim na at umuulan pa.
Nakatitig lang ako dun hanggang sa di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
Sana di nalang kayo namatay. Sana kasama ko pa kayo ngayon. Mahal na mahal ko kayo. Pinahid ko ang luha ko at iika ika akong lumabas. Kahit masakit at mahirap ang maglakad para sa akin kinaya ko pa din.
Nakalabas ako ng Dojo. At dito ko nakita ng malinaw ang pag ulan.
"Dati kapag umuulan, naglalaro at nagpapakabasa tayo bakit naman kasi kailangan nyo pang mawala? Sabi ko habang umiiyak.
Naglakad ako palabas kahit wala akong payong. Tumingala ako sa kalangitan at pumikit. Dinama ko ang ulan kasabay ng walang tigil na pagtulo ng mga luha ko.
"Mama, Kuya. Bumalik kayo. Please" Humahagulgol pa rin ako.
Sobra na din ang hilo na nararamdaman ko pero tinitiis ko. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan ko dahil maaari yun gamitin ng kalaban.
Ayoko nang may madamay pa, ayoko na ng may mawala pa na malapit sa akin. Di ko na kakayanin.
Patuloy lang ako sa pagHagulgol. Hanggang sa may naramdaman akong yumakap sa likod ko. Hindi ko alam kung bakit pero nagawa nya akong pakalmahin. Ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap nya. Pakiramdam ko safe ako.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganung pwesto. Tumigil na din ako sa pag iyak ko pero bahagya paring malakas ang ulan. Unti unti syang bumitaw at humarap sa akin at niyakap nya ulit ako.
Niyakap ko naman pabalik at muling binuhos ang luha ko.
"Bakit ganun? B-bakit kailangan nilang mawala?" Tanong ko.
"Sshhh... Tumahan kana. Basta nandito ako palagi para sayo. Di kita iiwan" wika nya.
Bumitaw sya at yumuko sa akin, ako naman ay tumingala sa kanya. Kahit basang basa na kami ang gwapo nyang tingnan.
Naramdaman ko ang mga kamay nya sa bewang nya. Unti unti nya namang nilapit ang mukha nya sa mukha ko hanggang sa magdikit ang mga labi namin.
Puno ng pagmamahal ang mga halik na yun, nag respond naman ako sa mga halik nya. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya naman nilagay ko ang mga braso ko sa batok para hindi ako tuluyang bumagsak.
Pareho kaming naghahabol ng hininga nang bumitaw sya. Muli nya akong niyakap. Hanggang sa sobrang nahihilo na talaga ako. Mapapaupo na sana ako pero binuhat nya ako ng bridal style.
Tumingin naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya.
Binaba nya ako sa kama ko. "Magpalit ka muna. Pasaway ka talaga. Nilalagnat kana nga lumabas ka pa" wika nya at iniabot sa akin ang isang towel.
Di ko maiwasan ang mapangiti. "L-lance" pagtawag ko sa kanya.
Lumingon naman sya sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Salamat." Wika ko sabay ngiti.
"Anong salamat? May kapalit yun haha." Wika nya.
"Kapalit? Ano naman yun?" Sagot ko.
Lumapit naman sya sa akin. "Hayaan mo akong alagaan ka, hayaan mo akong protektahan ka at hayaan mo akong Mahalin ka" sabi nya habang nakangiti pa rin.
Mahal nya ako? Namula naman ako dahil sa sinabi nyang yun. Dahan dahan naman akong nag-nod sa kanya.
Lalong lumaki ang ngiti nya at ginulo nya ang buhok ko.
"Magpalit kana. Nagluto ako ng lugaw. Ihahatid ko dito mamaya" sabi nya sabay labas na ng kwarto ko.
Leche. Kanina pa ako nakakaramdam ng weird sa tyan ko. Eto na ba yung 'Butterfly in my stomach?' Tss.
Iika ika akong lumakad papunta sa cr dito sa kwarto ko at naligo.
![](https://img.wattpad.com/cover/99275972-288-k273799.jpg)
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.