Chapter 29: Arrival

9.5K 206 8
                                    

Ngayong araw ay naatasan kami ni Dad na magtraining daw. Training? Para saan pa ba yun? Tss. Kakatapos lang namin magbreakfast pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatingin ng maayos kay Lance. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit di ko magawang kalimutan yun? Bakit anlakas ng tama ko sa kanya?! Oh come on!

"Mamayang tanghali ang flight nyo papuntang Japan, sinabi ko na din kay Master Takishima ang pagdating nyo, sinabi ko na din na magkakaroon sya ng bagong estudyante" wika ni Dad.

"Okay Dad. I'll just pack up my things" tumayo na ako, pero bago pa ako makaalis ay may sinabi si Dad kay Lance na naging dahilan ng paghinto ko.

"Nako. Iho, ligawan mo na nga anak ko para hindi palaging highblood. Haha" sabi ni dad.

"Dont worry po tito, liligawan ko sya sa tamang panahon" sagot ni Lance.

Nanatili akong nakatayo at nakatalikod sa kanila, bahagya namang namula ang pisngi ko sa sinabi ni Lance. Tsk!

"Dad! Huwag nyo nga akong ireto!" Sabat ko bago tuluyang umalis.

Tss. Nakakainis! Pagtulungan daw ba ako?! Kinuha ko sa ilalim ng kama ko ang isang malaking maleta at inilagay sa ibabaw oara maumpisahan na ang pag iimpake.

Hindi nagkasya sa iisang maleta ang mga gamit ko kasi nilagay ko din dun yung Teddy Bear kong lagi kong kayakap kapag matutulog. Tss Bakit ba?

Actually, may mga gamit naman ako sa Japan dahil tumira na din ako dun kasama ni kuya. Nung mga panahong yun wala pa akong kaalam alam sa mga gangster at mafias. Hanggang sa narinig ko si kuya na may kausap sa phone tungkol sa bagay na yun. Sinabukan kong tanungin sa kanya yun pero ayaw nyang sagutin. Kaya napagDesisyunan ni kuya na dito na kami tumira kasama nina dad.

I sighed. Miss na miss ko na kayo kuya at mom. Sana magkasama at masaya na kayo jan sa langit. Dadating din ang panahon na magkakasama sama tayo jan kahit hindi ko pa sigurado kung sa langit nga ba ako mapupunta.

Natapos na akong mag impake. Nagkasya ang mga gamit ko sa dalawang malaking maleta at isang malaking bagpack. So ngayon, paano ko dadalhin to? Tss.

Umupo muna ako sa kama, teka kung magttraining kami ni Lance dapat sina Joyce din! Dapat nilang Itrain sina Harriss at Charles. Kinuha ko ang phone ko at tumawag kay Gab.

["Hello Shea?"] Panimula nya.

"How's your mission?" Tanong ko.

["Everything was fine"] sagot nya.

"Asan yung tatlong reapers at sina Harriss at Charles?" Tanong ko.

["Nasa baba. Naglalaro ng playstation."] Bored na sagot nya.

"Okay. For the meantime, pupunta ako sa Japan para magtraining muna. Kayo naman ni Joyce I want you to train Harriss at Charles. Got it?"

She sighed. ["Fine"]

I ended the call. I'm sure sumasakit na ang ulo nun sa mga pasaway na kasama nya. Sya lang ang nag iisang matino dun eh. Sa totoo lang miss ko na rin sila dun. Sana makabalik na agad ako sa kanila.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya naman tumayo ako para pagbuksan yun.

"Are you done? Ilalagay ko na tong mga gamit ko sa sasakyan, isasabay ko na sana yang sayo" si Lance.

Napatingin naman ako sa dala nya. Isang maliit ng maleta lang.

"Bakit konti lang dala mo?" Tanong ko.

"Eh hindi naman sa akin yung mga gamit ko dun sa kwarto eh, yung mga gamit lang na binili ko dito ang dinala ko. Besides, pwede naman ako sa Japan na bumili dahil tumira na din naman ako dun" sagot nya.

Isa din syang mafia boss kaya di malabong tumira na din sya. Nag Nod lang ako sa kanya at binuksan ng bahagya ang pintuan para makita nya yung mga gamit ko sa kama.

"Woah. Andami naman nyan. Haha pwede ka namang bumili nalang din sa Japan ng mga gamit diba?" Natatawang wika nya.

Oo nga noh? Tss. Hayaan na, basta anjan yung Teddy Bear ko masaya na ako, naiwan ko kasi yun nung pumunta ako sa Pilipinas eh.

Binitbit na nya yung dalawa kong maleta, at dahil hawak na nya yun pati yung maleta nya ay medyo nahirapan pa sa, kaya naman ako na ang nagbitbit ng maleta nyang maliit.

Isinakay na namin to sa sasakyan namin. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ko para mag ayos. Nang high waist mini skirt lang ako, at naka tuck in ang plain white v neck shirt ko at nagsuot ako ng black blazer na hanggang tuhod.

Nag cknverse na rubber shoes nalang din ako. At syempre palagi akong handa kaya naglagay ako ng ilang shuriken sa blazer ko.

Naglagay din ako ng Dagger sa bulsa ng skirt ko. Nang matapos na ako kay bumaba na ako at nakita ko dun si Lance na mukhang iniintay ako. Mabuti nalang di na ako masyadong naiilang sa kanya. Nang makita nya akong palapit sa kanya ay niyaya na nya akong umalis, nagpaalam na din ako kay Dad na nasa Veranda.

Nasa kotse na si  butler John. Chineck ko din muna sa bag ko kung andun yung mask at contact lenses ko. Good thing at nandun nga.

Magkatabi kami ni Lance pero kapwa kami tahimik. Mas maganda yun para walang maingay. Natural, tahimik nga eh.

Nakarating na kami sa airport, bitbit ni butler John ang mga maleta ko, si Lance naman ay dun sa maleta nya at bagpack ko.

Nakapasok dun si butler John kasi nga kami ang may ari neto, dumeretso kami sa private plane na sasakyan namin. Inayos pa muna nila ang mga gamit namin, nang matapos sila ay umalis na si butler John kaya naiwan kami ni Lance.

Kinuha ko naman ang headphones at cellphone ko para magsoundtrip.

[NP: Whistle by. Blackpink]

Kahit naman Cold ako, fangirl ako noh. Lalo na ng Blackpink, EXO, BTS, Got7 at Infinite. Ang bias ko sa kanila ay si Jennie, Xiumin, Suga, Mark Tuan at Myungsoo. Tss. Okay fine. Enough informations.

At dahil nga sa advanced technologies namin ay agad kaming nakarating sa Japan.

Paglabas namin ng airport ay nandun na yung butler ni Master Takishima. Ang butler na yun ay si Kisune. Buti naman at marunong sya magtagalog at mag english dahil di pa talaga ako fluent sa Japanese.

"Shea!! Welcome back! Haha" Bati nya. Ang ingay na naman nya tss.

"Saglit lang naman kami dito noh. Huwag ka maingay, sya nga pala si Lance" pagpapakilala ko kay Lance na nasa likod ko.

"Lance? Parang may kapangalan ka, nakalimutan ko na ang itsura, panget siguro sya kaya nakalimutan ko haha" sabi naman ni Kisune.

Bigla namang sumama ang tingin ni lance kay Kisune. Hindi nya kasi alam na may Prosopagnosia etong si Kisune. Nakuha nya yun sa isang Mission nya dati. Buti na nga lang at saulo na nya ang boses ko kaya nakilala nya ako agad.

Sa Dojo kami titira para sa training. At para mabilis din kaming makapunta sa training namin. May pagka-weird din kasi si Master kaya nga weird din tong si Kisune eh. I sighed.

Sumakay na kami sa limousine sya at nagtungo na sa Dojo.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon