Nasa labas na kami ng condo na tinutuluyan ng target namin. Ang unang plano namin at sa abandonadong underground passage kami dadaan. Pero dahil mukhang mahuna na yun at mukhang guguho na. Sa entrance kami dumaan.
May ilang tauhan din kami na nandito at nagpanggao na mga guards. Tinanguhan nila kami, nagtuloy tuloy lang kami papasok sa loob.
Pagpasok namin, bumungad sa amin ang sandamakmak na guards. Tang ina. Sino ba talaga yung target namin? Presidente ng Japan? Grabe naman.
Agad kaming nilapitan ng isang babae.
"Mister and Misis Kyoumara?" Tanong nung babae.
Tinanguhan lang sya ni Lance.
"Please, follow me" saad nung babae.
T-teka. Tama ba ang rinig ko? M-mister and misis? Ay. Bwiset ah.
Nang makarating na kami sa floor ay lalong dumami ang guards. May mga tauhan din kami na nandito at nagpapanggap na guards. Nang makarating na kami sa Unit namin ay ibinigay na samin ang susi, pagkabukas ni Lance ay agad akong pumasok at dumeretso sa kama.
Patalon akong humiga. "Haayy!" Sabi ko.
"Sino ba ang target natin na yan at ang dami nyang Guards." dagdag ko pa."Prime minister sya dito. Bumagon kana jan para maumpisahan na natin" sabi nya at ipinatong sa kama ang maleta at binuksan yun.
"Baril ang laman nyan? Astig ah. Buti wala silang metal derector" sabi ko.
Tumayo na ako at gumawa ako ng maliit ng butas sa pader. Sa sulok at pinakaibaba ako gumawa ng butas para hindi halata. Buti nalang din may advanced technologies kami kaya naman nakagawa agad ako ng butas ng mabilis at nang walang nagagawang anumang ingay.
May ipinasok ako dung maliit na stick, sa dulo ng stick ay may maliit na naka-connect sa laptop na dala nya.
Kitang kita namin na nakaupo ang target namin, mukhang kasing edad lang namin sya. Nakaupo sya sa sofa at mukhang may pinapanood sa laptop nya.
Maya maya pa ay narinig ko syang umungol. Hindi ko na nakita ang ginawa nya dahil agad na tinakpan ni Lance ang mga mata ko.
"Tss. Ano ba yan? May pagkaLibog din pala yan. Tss" sabi nya.
Buti naman pala tinakpan nya agad mga mata ko. Tsk.
"Dun ka muna Shea. Ayusin mo nalang yung mga gamit natin." Sabi nya. Sumunod naman ako ng walang pag aalinlangan.
Inalis ko yung mga baril sa maleta at nagulat ako ng di lang pala baril ng dala nya. May mga gadgets at technologies pala syang dinala. Maybe for emergency purposes tong mga to.
"Anong oras ba natin papatayin yan? I really wanna go home" I said without looking at him.
"Later at exactly 12am" he said.
Tumingin ako sa wrist watch na suot ko. "11:50 na ah. Kailangan talaga eksakto?" Tanong ko.
"Oo. May mga plano na akong ginawa haha. Kaya relax ka lang jan" sabi nya.
May nakita akong mini ref sa sulok ng unit na tinutuluyan namin. Nilapitan ko yun at binuksan. May beers, chocolates and bread dito. May nakita naman akong cookies sa pinakababa kaya naman yun ang kinuha ko at kinain
Di pa kaya ako kumakain ng dinner. Tss.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagsalita si Lance.
"5..4..3..2..1" saktong pagsabi nya ng '1' at nawalan ng ilaw.
"Nagsisimula na sila sa labas. Lumabas na din tayo" sambit nya at kumuha ng baril. Sumunod naman ako sa kanya at kumuha na din ng baril.
Binuksan nya ang flashlight na hawak nya nang makalabas kami ng unit namin at bumungad sa amin ang madaming taong wala ng buhay. Puro mga tauhan nalang namin ang buhay dito.
"Nilisin nyo to. Siguraduhin nyong walang ebidensyang maiiwan dito" sambit ko.
"Yes Ma'am" sagot nung isa.
Tumingin ako kay Lance. Binaril nya ang doorknob ng pinto ng target namin. Maya maya pa ay nabuksan na nya ito.
Nakita namin ang lalaki na nakatayo sa harapan namin at may hawak na baril.
"Mukhang inaasahan mo na kami ha?" Tanong ko sabay tutok sa kanya ng baril ko.
"Well, hindi naman talaga. Haha" sambit nya.
Agad syang sinugod ni Lance at pinaputukan ng baril pero nakakaiwas sya. Shit, ang bilis nya ah?
"Miss. Mukhang masarap ka. Hahaha" sabi nya.
"Gago ka ah!!" Sabi ko at binato sya ng shuriken.
Dahil nahulaan ko na kung saan sya pupunta ay natamaan ko sya ng shuriken sa binti.
"Argghh" daing nya.
"Ayan kasi. Haha" pang aasar sa kanya ni Lance. Pinaputukan naman sya nung lalaki pero nakaiwas si Lance.
"Tama na ang laro. Gusto ko ng umuwi" sambit ko at tumakbo palapit sa lalaki, naglabas ako ng dagger at itinarak sa dibdib nya.
"Tsk. Akala ko pa naman mahirap kalaban to" sabi ni Lance.
"Sayang ang effort mo. Haha" sambit ko at lumabas na kami ng unit.
May mga tauhan pa din kami paglabas namin. Binilinan ko sila na sila na ang magdala ng gamit namin na nasa kabilang unit.
Dumaan kami sa emergency exit. At dahil wala ngang ilaw ang buong building ay walang nakapansin samin. Napunta kami sa parking lot at agad na nagtungo sa kotseng dala namin.
"Hay. Sa wakas! Nakapagpa-book kana ba ng flight?" Tanong ko.
"Oo. Bukas ang alis natin. Kaya nga mag impake kana pag uwi natinsa dojo" sabi nya.
"Buti naman" sabi ko at sumakay na sa kotse.
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
ActionShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.