Chapter 31: Peace of mind

8.5K 209 4
                                    

Tanghali na at kakatapos lang namin magtraining. Assessment daw muna ang gagawin namin sa buong maghapon.

Naging estudyante ako dito nung mamatay si Kuya. Nung sinabi kong maghihiganti ako sa black mafias. Sisiguraduhin ko talagang mamamatay sila sa mga kamay ko. At yung Samantha na yun? Pahihirapan ko muna sya bago patayin.

Pagkatapos namin kumain ay nagtungo ako sa training hall. May lamesa dun, at dun naka-arrange ang iba't ibang weapons gaya ng kunai, daggers, shurikens, Mga baril, katana at marami pang iba. Kinuha ko ang katana at magttraining ako mag isa.

Pumunta ako sa gitna ng hall at iwinasiwas ko ito sa lahat ng parte na maaaring umatake ang kalaban. Nagpaikot ikot, tumalon talon at tumakbo takbo pa ako.

Nang mapagod ako ay napamura nalang ako. "Shit!!" Nababagalan pa rin ako sa kilos ko.

Napaupo ako sa sulok at sumandal sa pader, pinikit ko ang mga mata ko para magpahinga saglit. Maya maya pa ay nakarinig akong may nagsalita kaya napamulat ako.

"Master?" Damn! How can he do that! I can't feel his fucking Presence!

"Nakita ko ang ginawa mo kanina, nag improve kana pero mabagal ka pa din. Isa pa, nabanggit sa akin ng ama mo na nung bata ka may kakaibang lakas ang lumabas sayo. At ang tinutukoy nyang yun ay tinatawag na Chi. Sa ngayon tuturuan kitang makontrol ng maayos yun. Ganyan din si Lance nung bata pa sya, pero hanggang ngayon di pa din nya makontrol ng maayos yun."

Chi? Kakaibang lakas? Ano daw?

"Halika, samahan nyo ako ni Lance sa gubat. Maghahanap tayo ng peace of mind" wika nya. Sumang ayon na lang ako kasi gusto ko pang malaman yung tungkol sa Chi na yun. Ano yun? Parang Kungfu Panda? Parang YinYang? Ganun? Ang weird. Tss. Tanong ko na nga lang mamaya yun kay Google. -_-

Pagkasang ayon ko ay umalis na sya para tawagin si Lance. Ako naman ay nagpunta sa kwarto ko para mag ayos.

Naligo ako at nagbihis. Nang maong shorts lang ako at blouse na checkered. At pinartneran ko ng adidas na rubber shoes. Tinali ko din ang buhok ko into a messy bun.

Paglabas ko ay saktong lumabas na din ng kwarto si Lance. Naka tokong sya at black T-shirt.

"Tara. Nasa gate na si Nanjiro." Wika nya.

"Tss. Wala talagang galang." Bulong ko.

Nagtungo na kami sa gate at nandun nga si Master Takishima.
Akala ko sasakay kami sa kotse nya pero What the fuck?! Maglalakad daw kami papunta sa Gubat?! 2 oras daw ng paglalakad ang layo ng kagubatan na yun?! Tang ina lang.

"Nanjiro naman. Magsasakyan nalang tayo" sabi ni Lance.

"Oo nga master! Argh!" Pagsang ayon ko kay Lance.

"Sshh.. Tumahamik kayo kung hindi puputulin ko yang nga dila nyo!" Sagot naman ni master. Tss.

Hindi na kami umimik ni Lance dahil kapag ganun si master di talaga sya nagbibiro. Naalala ko yung naging estudyante nya din dati.

Sobrang daldal eh nag-memeditate nun si Master. Kaya ayun, binato nya ng Shuriken yung estudyante. Natamaan nya yung kamay nya. Haha. Paano ko nalaman yun? Let's say na ako ang may kasalanan kung bakit dumadal ng dumadal yung batang yun.

Isang oras na ang nakakalipas nung umalis kami. Napapagod na rin kami, buti nalang di masyadong tirik ang araw. Si Lance naman parang easy lang sa kanya. Ano kayang training ang pinagawa ni master sa kanya? Iba ibang estilo kasi ng training ang ginagawa ni master eh.

Lance's Pov.

Nakarating na kami sa gubat, si Shea ay agad na umupo sa ilalim ng puno at sumandal. Pinikit nya rin ang mga mata nya at mabibigat na hininga ang pinapakawalan nya.

Sa aming tatlo sya lang ang pagod na pagod. Endurance kasi ang isa sa mga theme ng training ko dati kaya nasanay na ako sa ganito.

Naalala ko nga noon na pinaglakad nya ako maghapon sa thread mill. Walang hintuan yun. Dahil pag huminto ako sasabog yung thread mill at syempre kasama na ako dun. Nilagyan nya kasi yun ng Self Destruct.

Nabalik ako sa katinuan ng sapakin ako ni Nanjiro.

"Aray!" Sabay hawak sa ulo ko.

"Baka matunaw" sabi ni Master. At ngayon ko lang narealized na nakatitig pala ako kay Shea. Tsk.

"Oy kayo'y magsi ayos na!" Sabi ni Nanjiro. Naglabas sya ng isang malaking tela.

"Umupo na kayo jan at umpisahan nyo ng mag-meditate!"Dagdag nya.

Bumangon na din si Shea at umupo na sa nakalatag na tela. Umupo na din ako sa tabi nya. Pareho kaming naka-Indian seat at inaalis lahat ng laman ng utak namin, pinapakiramdaman din namin ang paligid.

Lalong lumakas ang pakiramdam ko, at dahil ka naka-focus ako ramdam at naririnig ko lahat ng malapit sa akin. Naririnig ko rin ang pag agos ng isang ilog malapit sa amin.

May ilog pala dito. Nagmulat ako ng mata at muli akong napatingin kay Shea. Sobrang seryoso nya. Nabalitaan ko din na may demonyo din sa loob nya na gusto ng kumawala. Kapareho ng demonyo ko sa loob, na ang sabi nila Hades daw ang pangalan.

Kapag lumalabas kasi sa akin si Hades wala akong maalala kung anong pinaggagawa nya. Eto namang kay Shea. Isang beses lang daw lumabas yung kanya pero sobrang brutal ng demonyo nya.

Di ko maiwasang mapangiti habang nakatingin ako sa kanya. Sa unang tingin akala mo wala syang kinatatakutan. Akala mo matapang sya pero kapag nakilala mo na sya. Dun mo malalaman na may takot din sya. At isa sa mga takot na yun ay ang mawala ang mga kaibigan.

Nagmulat sya ng tingin. At napatingin sya sa akin. Fuck! Nakatitig kami sa isa't isa. Tang ina naman oh! Bakit ganito sya makatingin?! Parang ang amo amo nya. Parang ang inosente nya! Damn! Nag iwas ako ng tingin dahil kinakabahan na ako.

Revenge Of A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon