Joyce's Pov
Ang talino ni Shea. Pano nya nahulaan na trap lang yun? Astig. Andito kami ngayon sa living room ng mansion.
"So, How did you know that it was just a trap?" Si Gab.
"Simple lang. Dahil yung founder ng Black mafias ang may kaarawan hindi ba dapat maraming bantay ang nandun? Dapat madaming guard at tsaka walang Mafia ang nandun." Si Shea.
"Walang mafia?" Sabi ko.
"Exactly. Ang Black nafias, may tattoo sila na Black Rose diba? Pero yung mga bantay at mga bisita dun, kahit isa walang Tattoo" paliwanag nya.
Tama sya. Akalain mo napansin nya yun? Kung wala sya patay na sana kami ngayon. Tss. Masyado na kaming Seryoso ngayon, kaya naman...
"Mag-celebrate tayo!!" Sabi ko.
Binatukan naman ako ni James at Marky.
"Kailangan sabay? Kainis!!" Nakanguso kong sambit.
"Huwag muna tayo magpakasaya. Mukhang alam na nila ang gagawin natin kaya nagawa nilang I-trap tayo" si Shea.
"What do you think? Sa tingin mo kaya alam na nila kung sino tayo?" Si Gab.
"Hindi pa ako nakakasigurado sa bagay na yan. Lagi nyo nalang isuot ang disguise nyo para safe. Pero dahil alam na nila ang kulay ng mga mata nyo, kahit huwag na kayo maglagay ng contact lense. Tutal Alonzo Mafias lang naman ang nakakaalam ng mata natin diba? Buti nalang lagi kayong nakacontact lense dati" si Shea.
"How about you? Balak mo din bang tanggalin yang contact lense mo?" Si James.
"Hindi. Maraming nakakaalam ng tunay na kulay ng mga mata ko dahil anak ako ng King and Queen. Alam nila ang kulay na mga mata ko pero hindi ang itsura ko" si Shea.
"Tama na nga yan!! Matulog na tayo!! Punyemas!" Singit ko.
Umakyat na ako sa kwarto. Iniwan ko na sila dun. Hmp! Gusto ko mag-celebrate!
Gab's Pov
It's getting more interesting. Ano na kayang sunod na plano ng Black mafias?
"Tama na nga yan! ! Matulog na tayo!! Punyemas!" Si Joyce
Umakyat na sya sa kwarto. Tch. Napaka-childish.
"Magpahinga na muna tayo. Bukas na natin pag usapan to." Si Shea.
"Okay Dokey!!" Si Marky.
Pumunta na ako sa kwarto ko, Kumuha ako ng libro na pwede kong basahin. Ultimate Fan ako ni Nicholas Spark kaya stories nya lagi ang binabasa ko.
Habang nagbabasa ako bumigat na ang talukap ng aking mga mata kaya natulog na ako.
*****
I woke up early so I decided to cook breakfast for them.I'll cook pancakes at bacon. Habang nagluluto ako bumaba na si Shea.
"Himala. Aga mo nagising" sabi ko.
"Tss"
Hindi ko nalang sya pinansin. Sunod sunod namang nagsibabaan ang tatlong reapers na mukhang nagtatalo talo pa.
"Samahan nyo na kasi ako!!" Si Joyce.
"Ayaw! Tinatamad ako!" Si James.
"Dali na!!" nakanguso si Joyce.
"Bukas kana pumunta" si Marky.
"Ano ba kasing gagawin mo dun?" Si James.
"Ano bang ginagawa sa GW? Malamang makikipaglaban at magpaparty party!" Si Joyce.
"Tanungin mo muna sila!" Si Marky.
"Shea! Gab! Tara sa GW mamaya?! Magcecelebrate!" Si Joyce
"No time for celebration" sabi ko.
"Joyce is right. We have to celebrate kasi kahit papaano nakauwi tayo ng buhay kagabi. At di rin masama kung mag sasaya tayo ngayon" si Shea.
"Oh! Pumayag na si Boss! Kaya sasama tayong lahat!! Yehey!!" Si Joyce.
"By the way, we have an acquaintance party this coming Tuesday." Si Shea.
"Punta tayo! Malamang madaming chicks dun!" Si James.
"Oo nga! Sure akong madami dun!" Si Marky.
Nag apir pa talaga silang dalawa.
"Anong theme ng party?" Tanong ko.
"Masquerade" si Shea.
"Masquerade na naman?! Nubayan!" Si Joyce.
Nang matapos akong magluto ay sinerve ko na yun sa kanila.
"Punta na tayong mall para sa damit natin!" Si Joyce.
Tahimik lang kami ni Shea na kumain. Yung tatlo naman ay nagtatalo talo pa din. Tch. Kailan kaya tatahimik to? Tsk. Ang ingay!
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na agad ako sa kwarto ko para maligo at maghanda.
Joyce's Pov
Kakatapos lang namin magprepare nina James. Naka pants at T-shirt lang sila. Ako naman naka-floral dress na hanggang knee naka-doll shoes lang din ako. Si Gab naman Naka-maong shorts at hanging blouse. Si Shea naman ay ripped fitted jeans tapos T-shirt.
Sumakay na kami sa Koenigsegg CCXR Trevita ni Marky. Isang sasakyan lang dinala namin dahil nakakatamad magdrive.
(Nasa taas po yung picture nung Koenigsegg CCXR Trevita Thank you! )
Nakarating na kami ng mall. Pero naiwan si Marky para daw I-park yung sasakyan nya. Naka-nerd Disguise nga pala kami ngayon. Sa totoo lang wala kaming pakialam kapag nalaman nila na mayayaman kami. Kasi naman Duh?? Ano bang pakialam nila?!
Umuna na sa loob sina Gab at Shea. Naiwan naman kami dito sa entrance ni James. Inaantay kasi namin si Marky eh.
"James! Tara mag Aarcade!" Sabi ko.
"Sure sige!! Basketball tayo!" Si James.
"Game! Anong pusta?" Sabi ko.
"Hmm. Kapag ako nanalo, Ililibre mo ako ng 1 gallon na Ice Cream"
"Sige!! Pero kapag ako nanalo, ibibili mo ako ng CD nung complete episodes ng Spongebob!" Sabi ko.
"Deal!!" Sabi nya.
Sakto naman na dumating na si Marky.
"Ang tagal mo!" Nakangusong sabi ko.
"Huwag ka nga ngumuso. Mukha kang aso! Hahaha" si Marky with matching hawak pa sa tiyan.
"Sa ganda kong to?! Mukha ba akong as--ARAY!!!"
"Wag ka managinip ng gising" si James.
"Hmp!! Palibhasa hindi pa kayo nagkakaGirlfriend!!" Sabi ko.
Nagkatinginan naman sila na mukhang nagpipigil ng tawa.
"Hey!! Don't tell me may Girlfriend na kayo?!" Sabi ko.
"Meron nga!! GirlBestfriend!" Si James.
"So ganun?! Pinagpapalit nyo na ako?!"
"Abnoy!! Ikaw yun!! Hahahaha!" Si Marky.
"Hmp!! Tara na nga! Nasa boutique shop na sina Gab." Sabi ko.
Pagpunta namin sa boutique shop. Nakakita kami ng mga tao na di namin akalain na makikita namin dito...
BINABASA MO ANG
Revenge Of A Mafia Boss
AcciónShe is a mafia boss who only wants to revenge for ruining her family.