Sab’s POV
============================
Nasa Library sila ngayon ni John at nag-aaral para sa long quiz nila sa Monday. At dalawang araw narin matapos ang insidenteng iyon sa mall. Nakahinga na lang siya ng maluwag dahil wala namang binanggit si John tungkol doon.
“John, punta ka ng bahay bukas, ah? Simulan na natin yung pictorial para sa project natin…”-sabi ko sa kanya sa mahinang boses.
“Pero, Sab, hindi ko naman alam kung saan ka nakatira. Paano ako makakapunta sa inyo?”-sagot ni John.
Oo nga pala! Tsk!
“Ah, ito address ng bahay namin…”-sabi niya at kumuha ng papel at isinulat ang address ng bahay nila.
“Ah,salamat…”-sabi nito at kinuha ang papel.
“Labas na tayo…”-aya ko sa kanya.
“sige. Tara!”-sagot naman nito.
At lumakad na sila. Pero sumaglit muna siya sa restroom para magretouch.
“Hintayin mo na lang ako dito.”-sabi ko sa kanya at tumango lang din ito.
Natutuwa siya kay John dahil kung ano ang gusto niya ay sinusunod nito.
Good boy !!! hehe !!!
JD’s POV
=======================================
Naghihintay siya kay Sab sa girl’s restroom nang makita niya sina Avery at Kim na naglalakad patungong lobby ng school. Sinundan niya ang mga ito at iniwan si Sab.
“AVERY!!! KIM!!!”- tawag niya sa mga ito habang tumatakbo. Buti na lang at lumingon rin ang mga ito sa kanya.
“Oh? Ikaw pala John? May problema ba? Kumusta na kayo ni Sab?”-si Kim.
Kumusta na kami?
“Magka-away ba kayo ni Sab?”-ako.
“No, we’re not!”-si Avery.
“Eh, bakit parang di na kayo nagpapakita sa kanya? Sobrang lungkot na nu’n. akala niya galit kayo sa kanya.”-sabi kong hinihingal pa rin.
“Ano ka ba. ‘wag kang mag-alala. Magpapakita rin kami du’n. binibigyan lang namin kayo ng moment na dalawa.”-si kim.
“Ha?”-nagtataka tanong ko.
“Ano? Effective naman diba?”-si Avery.”May padate-date pa kayo sa Jollibee. At pagala-gala sa mall na kayo lang dalawa.”
Huh? Bakit nila alam ‘yun? Nakita ba nila ‘yung ----?
Aisshhh! Ano bang kalokohan ang ginagawa ng mga babaeng ‘to?
“Ah, bye John mauuna na kami. May klase pa kami, eh. Goodluck!”-si Kim.
Bumalik siya sa restroom. Mabuti na lang at kalalabas lang ni Sab.
“Saan ka galing?”-tanong nito sa kanya.
“Dyan lang…”-sabi ko.”ako na magdadala nyang libro mo.”
Inabot naman nito sa kanya ang mga dala-dala nito.
“Ah… Thank you… nangangalay na rin kasi ang braso ko sa kadadala niyan,eh.”-sabi nito.
Sab’s POV
===============================================
Nasa bahay siya ngayon at hinihintay ang kuya Tyrone niya para manghiram ng Camera para bukas.
Seven thirty na wala pa rin si Kuya.
Nabo-bored na siya.
Naisipan niyang maggroup-message sa mga kaibigan niya.
Maya-maya may magreply.
Binasa niya ito.
From:Avery
|hw r u 2 doing na?|
Nagulat siya.
Huh?! Himala at nagtext ang impaktita!
Pero anong ibig sabihin nito sa text nito?
Hindi muna niya sinagot ang tanong ni Avery. Pero nagreply siya.
|hoy! Himala yata at napatext ka? Ang tagal niyong di nagpaparamdam sa’kin, ah. Kainis kayo.|
Nagreply agad ito.
|relax girl. Wag magwori maxado. Dat’s part of our plan.|
Huh? Ano daw?
Nagreply siya.
|plan? Anong plan? Bakit di niyo sinasali dyan?|
Nagreply ulit ito.
|niligawan ka na ba ni john?
WHAT THE!!! ANONG SINASABI NITO???
Nagreply na naman siya.
|hindi ko kayo maintindihan… ano ba ???|
Pero sa huling text niya ay hindi pa rin ito nagreply.
Nakakainis kayo? Ano bang ginagawa niyo sa akin?
Naisip niya bigla ang tinext nito kanina.
Niligawan ka na ba ni John?
“AAAHHH ! ano ba ‘to.”-sigaw niya. Hindi niya alam na dumating na pala ang kuya Tyrone niya.
“Anong nangyari sa’yo at bigla ka na lang sumisigaw jan?”-tanong nito.
“Kuya! “-nagulat siya.”Ah, wala kuya. Ah, kwan, kuya, hihiramin ko sana yung Cam mo, eh, kasi magpipictorial kami ng classmate ko para sa project namin.”
“Okay, kunin mo na lang bukas sa drawer ko. Aakyat na ako’t nang makapahinga na’ko.”-sabi nito.
“Thanks kuya!”-natutuwang sabi niya.
“No prob’s my dear!”-sabi ng kuya niya at umakyat na. Pero humingi ulit siya ng pabor dito.
“Ah, kuya. Diba may mga damit ka na hindi pa ginagamit galing Korea? Pahiram naman ako, o. ipasusuot ko sa partner ko bukas.”
Naalala kasi niyang marami itong binili noon na mga damit na sigurado siyang babagay kay John.
“Ah, okay sige. Tutal. Hindi ko na rin naman siguro magagamit yun. Medyo lumaki narin kasi katawan ko ngayon, eh.”-sabi nito.
Hay! Salamat naman.
“Thanks ulit kuya. Goodnight!”-sabi niya sa kuya niya.
BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Teen FictionJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...
