chapter 18

99 2 4
                                    

Mahigit na apat buwan na silang mag-on ni John. Naging mas Masaya ang buhay niya simula ng naging sila. Hindi naman masyadong nag-iba ang trato nito sa kanya. Maliban na lang sa pag-hoholding hands nila at pagbibigay nito sa kanya ng mga Paper Roses na gustong-gusto niya. Unique kasi, eh. Pinagyayabang pa nga niya iyon kina Kim at Avery na kapwa Masaya sa kanilang dalawa ni John.

Pinakilala na rin niya ito sa Kuya Tyrone niya at gusto naman ito ng kuya niya para sa kanya. Minsan ‘pag bumibisita ito ay nag-uusap muna ito habang naghihintay ito sa kanya.

Nasa kwarto niya siya ngayon at nag-aaral para sa finals nila. Maya-maya ay nakaramdam na siya ng pamimigat ng mga talukap niya kaya iniligpit na niya ang kanyang mga libro at nagdesisyon ng mahiga.

Pero bago ‘yun ay nagtext muna siya kay John.

|goodnight, dear! I love you!|

Sa halip na magreply ito ay bigla itong tumawag sa kanya. Sinagot naman niya ito.

“Hello?”-sabi niya. Miss na miss na niya ang boses nito. Tatlong araw kasi silang hindi nagkita dahil susob sila sa pag-aaral.

“Matulog ka ng mahimbing, ha? ‘wag kang masyadong mag-iisip sa’kin.”-biro nito. Natawa naman siya.

“Alright. Goodnight! Matulog ka na rin.”-sabi niya.

“Okay! I love you, my dear!”-sabi nito at akmang io-off na ang cellphone nito.

“Wait!”-pigil niya. “Please, say it, again. It keeps me awake.”-sabi niya at ipinikit ang mata.

“haha. Okay, I Love you, my dear, Sab. Have a good night! Ilove you. I Love you. I love you. Tsup! Tsup! Tsup!”-sabi nito na gumawa pa ng matunog na halik sa cellphone.

“Okay. Magkita na lamang tayo tomorrow. ‘wag mong kakalimutan, ah. Lalabas tayo together with Kim and Avery.”-paalala niya.

“Okay. I love you ulit.”-sabi nito at in-off na ang cellphone.

***********

Kinabukasan, maaga siyang pumasok ng school. Final exam nila ngayon. Nakita niya si John na paakyat ng hagdan. Tinawag niya agad nito.

“John!”-tawag niya rito. Lumingon naman ito. at ngumiti sa kanya.

“Oh, ang aga mo ata?”-sagot nito sa kanya at humalik sa kanya.

Wala siyang paki-alam kung mag-PDA sila. Wala pa namang gaanong estudyante sa eskwelahan. Kumapit siya sa braso nito habang paakyat sila papunta sa room nila.

PDA(Public Display of Affection)

“nagbabaka-sakali lang na maaga ka ring pumasok. Miss na miss na kita, eh.”-sabi niya dito.

“’eto naman. Hehe. Pero ako rin miss na miss ka na. gustuhin ko mang bisitahin ka sa inyo, eh, hindi pwede. Kailangan kong mag-aral, at ikaw rin, hindi ka makakapag-aral kung nandoon din ako ‘di ba?”-sabi nito.

Tumango lamang siya. dumiretso na agad sila sa room. And as usual, tabi pa rin sila.

“Goodluck sa test, ha?”-sabi nito sa kanya.

“Oo, naman! At saka, ikaw? ‘di mo na kailangan mag-aral, ang talino mo na, eh.”-sabi din niya dito.

“ikaw naman. ‘di naman ako makakasagot kung ‘di rin ako mag-aaral ano.”-sagot nito sa kanya.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon