chapter 12

61 1 2
                                    

Nagtoothbrush siya at naghilamos at maya-maya’y nagdesisyon ng matulog. Pero bago ‘yun ay nagtext siya kay John.

|goodnightJ|

Nagreply si John. Ngiti-ngiting binasa niya ang message nito.

|goodnight din. Dream of me.|

Dream of me?

|hahaha. cge tulog na ko. ikaw rin.|reply niya.

‘di na ito nagreply. Kaya nagpasya siyang matulog na nang may kumatok.

Bumangon siya at binuksan ang pinto.

“oh, kuya? May kailangan ka ba?”-tanong niya nakita niyang may hawak itong envelope. Parang ito ‘yung napulot niya kanina sa sahig ng kwarto nito.

“Sa’yo yata ‘to, eh.”-sabi nito at inabot sa kanya ang envelope.

“Huh? Akala ko nga kuya sa’yo ‘to, eh.”-sagot naman niya.

“Haha. Imposibleng may magbibigay sa’kin ng Love letter.”- nakangiting sabi nito.”Sige, goodnight, dear.”-at umalis na.

Love Letter? Kanino galing? At saka ba’t nasa kwarto ni kuya?

Bumalik siya sa kama niya at umupo. Kinuha niya ang papel sa loob ng envelope at binasa. Tiningnan niya muna kung kanino galing.

From,

John

OHHHMEEEGAAAASSS !!! Sa kanya galing?! al al al al al al.

T_________________________T

Excited na binasa niya ang sulat.

Dear Sab,

                I’m sorry kung dinadaan ko ‘to sa sulat. Nahihiya kasi akong sabihin sa’yo ng harapan. Hindi ko kasi alam kung saan at papaano ko sisimulan. Ewan ko pero parang nara-rattle ako at lumalabas ang katangahan ko ‘pag kaharap kita. Siguro dahil gusto nga kita. Sab, I don’t know when I started liking you. Napakabait mo sa’kin, napakasayahin mong tao, you’re so perfect to me. Sana payagan mo akong maging nobyo mo. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Pero kung ayaw mo naman talaga sa’kin, okay lang, tatanggapin ko. Pero I still hope na maging tayo.

                Sorry kung cheap ang letter. ‘di ako marunong, eh! Pero from the heart ‘to.

                                                                                                                                                From,

                                                                                                                                                John

WAAAAHHHH… bakit ‘di ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Kinikilig talaga ‘ko.

Totoo bang nililigawan niya ako?

Gosh! ‘di ko feel matulog!

Nakatingin siya sa kisame, habang hawak-hawak sa may dibdib ang sulat ni John.

Paano ko siya sasagutin?

At kelan?

One-week?

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon