chapter 10

59 2 2
                                    

JD’s POV

=========================================

Nakauwi na siya sa bahay nila. Mabuti na lang at nakauwi agad siya. Umuulan na kasi sa labas.

“Where have you been, JD?”- mama niya.

“Ah, ‘ma. Pumunta po ‘ko kina Sab.”-sagot niya at humalik sa pisngi ng mama niya.

“Sab? Sino si Sab? Girlfriend mo? ‘di mo naman lang sinabi sa’kin na may girlfriend ka na pala.”-sabi nito na may himig na pagtatampo.

“Naku naman, si mama talaga. Hindi ko po girlfriend ‘yun. ‘di ko pa nga nililigawan. Classmate ko lang--.”napahawak siya sa likurang bulsa niya.

HALA ! asan na yun. Bakit wala dito?

Aisshhh! Kainis baka naiwan sa bahay nila Sab! ‘di niya pwedeng  mabasa ‘yun. ‘kakahiya!

Pero? Baka naiwan lang ‘din sa taxi. Baka  nahulog habang kinukuha ko ang wallet ko.

Tama! Baka nga!

“oh, anak? Natihimik ka jan bigla.”-mama niya.

“Ah, wala, ho. Si Denise po?”- pagiiba niya sa usapan. Ang tinutukoy niya ay ang nakababatang kapatid niyang babae.

“Ay, naku. Pinatulog ko sa taas. Eh, buong umaga nakatutok sa TV, eh. Batang ‘yun talaga.”-sagot naman ng mama niya habang inaayos ang mga figurine sa sala.

“Ah, ganun po ba. Magpapahinga na rin po ako.”-sabi niya.

“Ah, oo sige, anak. Pero teka, kumain ka na ba?”-tanong ng mama niya.

“Ah, hindi pa po mama, bababa na lang ako ‘pag ginutom ako.”

“Ok, sige.”

Sab’s POV

====================================

Tapos na siyang mag-lunch at nasa kanyang  kwarto siya ngayon. Wala siyang magawa kaya tiningnan niya ulit ang mga pictures nila kanina sa Laptop niya.

Ang ganda ng mga kuha, ah.

Tiningnan niya ang mga pictures niya.

HAHA. Ganda mo talaga ‘te. Pwede ka ng magmodel.

Tiningnan din niya ang mga pictures ni John.

Nagpatuloy siya sa pagtingin sa mga pictures. Nang bigla siyang napatigil sa isang picture ni John. Close-up picture nito.

Ang gwapo pala talaga nito. Ang ganda  ng capture.

Perfect eyes.

Perfect nose.

Perfect lips.

Lips. Lips. Lips.

Parang nag-echo sa kanyang pandinig ang salitang iyon.

Gosh! Ang manyak ko!

Bigla niyang naalala ang muntik na nilang paghahalikan ni John nung nasa mall sila.

Tsk! Kainis! Ba’t ko biglang naalala ‘yun?

Pero ‘di niya maintindihan ang sarili sa tuwing tinitingnan niya ang mga picture ni John, ay napapa-SMS siya. Kinikilig siya. Sinu-zoom pa nga niya ang mga picture nito. HAHA.

(SMS- Slow Motion Smile)

Hay! Mababaliw na talaga siya. In-off na niya ang Laptop niya at nahiga na sa kama.

Ano kaya ginagawa niya ngayon?

Siguradong nagbabasa na naman ‘yun.

Hay! Matext nga.

Nagtype na siya sa cellphone niya.

|John? Nkauwi kna?|

Ay, hindi. Sigurado namang nakauwi na ‘yun ‘no. kanina pa ‘yun umalis.

Delete. Delete. Delete.

Ano ba ite-text ko?

Bahala na nga!

|john? Kumain ka na?| send.

Service Unavailable.

Ay. Takte! Wala na nga pala akong load.

Wrong timing kang load ka!!!

Nag-smartalert siya kay Avery at kay Kim. Tinatamad kasi siyang lumabas ng bahay. Umuulan pa.

5minutes later….

Ang tagal naman. Baka walang ring load ang mga babaeng ‘yun. Makalabas nga.

Pero ‘di pa siya nakakabangon ay may nagtext sa cellphone niya.

Load ‘yun. Sa number ni Avery galing.

Waah!!!!! SAAAALLLLAAAAMMMUUUUCCHHHH !

Nagpaunli agad siya at tinext niya muna si Avery.

|TYSM, girl. LY.|

Tinatamad ata siyang magtype o talagang gusto na niyang itext si John. ‘di niya alam.

Pagkatapos nu’n ay nagtext ulit siya kay John.

|John? Have u eaten?|

Sent.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon