chapter 32

40 1 0
                                    

Nagkita sila ni Avery sa isang restaurant malapit lamang sa kompanyang pinapasukan niya. Hindi na siya nagulat nang makita itong maraming dala. Halatang kaka-shopping lang nito.

“Hay! ‘di ka ba nagsasawa sa paggasta sa mga pera mo? Grabe, ah… halos araw-araw ka nang nagsa-shopping.”-sita niya agad dito.

“’eto naman. ‘di naman ako araw-araw nagsa-shopping, ‘no. At saka, binilhan din kita girl.”-sabi nito at inabot sa kanya ang dalawang paper bags.

“Ano ‘to?”-tanong niya.

“Perfume ‘yan and dress.”-sabi nito.

“Naku, ‘wag kang mag-alala babayaran ko ito ‘pag sweldo ko.”-sabi niya.

“Ano ka ba! Parang ‘di ka na nasanay sa’kin. Hindi naman ako nagpapabayad ano? Gift ko ‘yan sa’yo kasi natanggap ka sa trabaho mo.”-sabi nito at lumabi.

“Tsshhh! Pero bakit nga ba ang dami mong pinamiling damit? ‘di ka naman dati nagsa-shopping ng ganito kadalas, ah.”-sabi niya habang nakatingin sa menu.

“Oo nga pala. ‘di ko nasabi sa’yo. Pupunta kaming Canada ni Kuya Bryle this sunday. May grand reunion next week, eh. Ewan ko ba kung bakit ngayon pa. ayoko ngang sumama, eh.”-nakasimangot na sabi nito habang nagbabasa rin ng menu.

“Eh, bakit ayaw mo? Ilang araw ka bang mamamalagi doon?”-tanong niya.

“Mga one week lang siguro. Isasabay na rin ang engagement ni Kuya Bryle at Ate Jayne.”-sabi nito.

Lumapit ang waiter sa kanila at nag-order sila.

“Ay, sayang naman. Gusto kong pumunta. Gusto kong makita ang malas na babaeng pumatol doon sa kuya mong baliw.”-sabi niya sabay halakhak. Humalakhak din si Avery.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon