chapter 30

33 1 0
                                        

Nasa kanyang condo unit siya ngayon. Nakahiga siya sa sofa. Kakahatid lang niya sa kapatid at pamangkin niya sa bahay nito. Inalala niya ang insidente kanina. Sumasagi sa isip niya ang mukha ni Sab. Naging matured na ang mukha nito pero lalo itong gumanda sa paningin niya.

“She’s beautiful…”-nakangiting sabi ng ate niya ng hinatid niya ang mga ito.

Mapait siyang ngumiti. Napakaswerte ng lalaking ‘yon.

Kaninang nagkita sila ay gusto niyang basagin ang mukha ng Bryle na iyon at sugurin ng yakap at halik si Sab. Pero wala naman na siyang karapatan. Wala na sila ni Sab. Hindi na niya maibabalik ang dating samahan nila. Mahal nito si Bryle.

 Bigla niyang naalala ang mga katagang sinabi ni Sab nang makipaghiwalay ito sa kanya.

I love you… but now, as a close friend.

Mariin siyang napapikit. Kung kaya lang niyang iayon sa kanyang mga gusto ang mga pangyayari. Gugustuhin niyang maging sila pa ulit ni Sab.

God knows how he missed her. At kung gaano niya ito kamahal. Kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Natutunan lang niyang pigilan ang emosyon niya. Nung nasa Korea siya. halos isang buwan siyang nagkulong sa kwarto niya. Nagkasakit pa siya dahil hindi siya kumakain. Mabuti na lang at nandoon si Kyra –ang ate niya –para aluin siya.

Nagsimula siya ng panibagong buhay. Sa anim na taon na nandoon siya ay itinuon lang niya ang pansin sa pag-aaral at trabaho. Sandali niyang nakalimutan ang babaeng minamahal niya.

Pero kanina, parang lumabas sa lungga ang pag-ibig niya para dito. Mabuti na lang at naisipan nilang umalis agad. Kung hindi, hindi niya alam kung anong gulo at kahihiyan ang malilikha niya.

Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip dito. tumayo siya at inayos na naman ang sarili. May meeting pa siya ngayon sa ibang mga kliyente.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi maganda ang pakiramdam niya. Dala siguro ng kulang sa pahinga. Binalewala lamang niya iyon. Kailangan kasing madaliin. Dahil ‘pag umalis siya papuntang Singapore for a business trip ay maiiwan na naman niya ang trabaho. Iyon ang ayaw niyang mangyari. Matatambak na naman ang trabaho niya.

Nagring ang cellphone niya.

Sinagot niya iyon.

“Hello Miss Ramirez?”-pormal na bati niya sa head ng Editing Department ng kompanya niya.

“Ah, sir JD, may secretarya na po kayo. She’ll start tomorrow.”-sabi nito na ikinagaan ng loob niya.

Nagpapasalamat siya dahil may makakatulong na sa kanya.

“’Good to hear that.”-sabi niya. “wala ka na bang ibang sasabihin? I’ll hang up the phone. May meeting pa ako.”-sabi niya.

“Ah, sir. Kung wala din po kayong gagawin tomorrow. Bisitahin niyo naman po ang Editing Department. Aalamin lang namin kung may progress ba.”-sabi nito. ‘di niya alam kung bakit po ito nang po sa kanya. Mas matanda pa ito sa kanya ng tatlong taon.

“Okay. Titingnan ko. Bye.”-sabi na lamang niya at in-off na ang cellphone. Hindi pa nga siya nakakabisita sa editing department. Umalis na siya upang mameet ang mga kliyente.

A Heart-Shaped Love StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon