chapter 6

39 2 0
                                    

Sab’s POV

=============

Hay! Naku, bakit Dance Revo pa ang naisip nitong laruin. Hindi ako marunong nu’n. Naaliw lang ako ‘pag may nakikita akong naglalaro nito. Pero kahit kalian hindi ko pa nasubukang laruin ito.

“Ako muna ang mauuna, ha? Tapos tuturuan na kita.”-sabi nito.

“Okay. “-sabi niya at pumwesto sa gilid. May ilang kabataan na rin ang nanonood kay John.

Nagsimula na ang music. Nagsimula narin ito sa pagsunod kung ano ang nasa monitor.

Woah! Ang galling! Ang bilis ng music pero nasasabayan pa rin niya.

Perfect! Walang missed!

Paano kaya niya nape-perfect yun. Ang hirap nu’n , ah.

Ako nga na nanonood lang, eh, nahihirapan din, siya pa kaya.

Kakaiba powers nitong lalaking ‘to, ah.

Sa itsura nito may tinatago pala ‘tong ganitong talent?

Hindi niya namalayang tapos na pala ang music.

Nagpalakpakan ang mga nanonood dito. Pati na rin siya. 

Ang galing talaga. Paano kaya niya nagawa yun?

“Oh, halika na. tuturuan na kita.”-sabi nito sa kanya.

Pero parang ayaw niya. Lalo pa kasing dumami ang nanonood ditto, eh. Baka mapahiya siya.

“Ayoko, nahihiya ako, eh, ang daming tao.”-sabi ko.

“’wag mo silang intindihin… halika na.”-sabi nito at hinatak siya.

“Eh, John, slow learner ako,eh. Wag mo na lang akong turuan.”-palusot niya.

Pero di umubra ang palusot niya kay John.

Wag ka ng magdahilan. Basta tuturuan kita.” May pinipindot-pindot ito sa monitor.

Maloloka na talaga ako ‘te!

Eh, kasi…”-nagaalinlangan pa ring sabi niya.

Okay, sige, sasabihin ko kung ano ang dapat mong tapakan, ha. Susundin mo lang ang sinasabi ko. Tumingin ka rin sa monitor para masanay ka. Okay?”-sabi nito sa kanya.

Okay.”-sabi niya. At nagsimula na ang music.

Nagsimula na rin ito sa pagdikta sa kanya.

Okay. Start. Up…. Right…. Up…. Right…. Left…. Right…. Up…. Down ….. Down…. Left…. “-nagpatuloy ito sa pagdikta kanya.

Sa kalaunan ay nageenjoy narin siya.

Marami siyang missed pero okay lang naman daw yun kasi beginner pa siya sabi ni John. Pinagpapawisan sa siya. pero gusto pa niya ng isang round.

Tumingin siya sa mga tao. Kakaunti na lang ang mga nanonood sa kanila.

Ayos! Makakapag-concentrate ako nito.

John, isa pang round….”-sabi ko sa kanya.

Haha. Sige pero, hindi na kita didiktahan. Papanuorin na muna kita…”-sabi nito.

Okay!”-sabi ko. At hinanap ko ang panyo ko para punasan ang pawis ko. Pero asan na? bakit wala sa bag ko?

Kainis naman, oh.

Mamaya na nga lang.

sige. Okay na. galingan mo, ah.”-sabi ni John at pumwesto sa may gilid.

Right. Left. Left. Down. Down. Up. Right. Left. Down.

Maya-maya namalayan niyang bumilis ang tugtog. Kaya napabilis rin ang kilos niya.

Pero dahil hindi pa nga siya sanay sa mabilis ay bigla siyang natalisod. Bigla siyang sinalo ni

John. Pero hindi niya alam kung gaano na ba talaga siya kabigat at nahulog silang dalawa

sahig. Siya ang pumaibabaw dito, at aksidenteng nahalikan niya ito sa may gilid ng labi nito.

Oh, my Gosh!

Tiningnan niya ito at nasa mukha nito ang pagkagulat.

Nakipagtitigan muna siya dito.

Ngayon lang niya natitigan ng ganito ang mukha nito.

Ang gwapo niya sa malapitan.

At ganda ng mga mata nito. Kahit na may malaking eyeglasses na nakatakip dito.

UUUUUUYYYYYY, ikiss mo na ‘te.”-sigaw ng isang babae na nagpabalik sa kanya sa sarili.

Tumayo agad siya at nagkunwaring nag-aayos ng buhok. Bumalikwas na rin ito.

Ah… Balik na tayo ng campus… sa susunod na araw na ulit kita tuturuan.”-sabi nito sa kanya.

Sa susunod? No! wala ng susunod. Baka kung ano na naman ang magawa kong katangahan.

Ah, okay.. sa library na lang tayo, Magsa-study din ako. Baka magbigay ng quiz si ma’am mamaya.”pagdadahilan niya.

Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Hoy! Lintek na puso ko? Bakit ngayon ka pa naging abnormal?

 JD’s POV

=============

Hindi pa rin siya makapaniwala na muntik na siyang mahalikan ni Sab sa lips. Gulat na gulat talaga siya kanina.

How he wish na sa labi niya talaga siya nahalikan ni Sab.

Tiningnan niya si Sab na nasa unahan niya. Nakasakay sila ngayon sa escalator. Nakita niyang basa na ng pawis ang damit nito.

Sab, oh.”inabot niya ang kanyang panyo dito.

Tumingin ito sa kanya.

Ah… eh, para sa’an ‘yan?”-tanong nito.

Pinagpapawisan ka na kasi, eh. Punasan mo. ‘wag mong hayaang matuyuan ng pawis baka mapulmonya ka pa.”-sabi ko.

Napaka-caring ko talaga ‘no ?

Kinuha naman nito ang panyo niya at pinunasan ang pawis.

Salamat…”-sabi nito sabay ngiti sa kanya.

Ngumiti din siya.

Hay!

May pako at martilyo ba kayo? Ipapako ko kasi itong puso ko, eh. Pakiramdam ko kasi mahuhulog na ito sa kanya.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon