chapter 8

34 2 0
                                    

******

Sabado.

Dala-dala na niya ang sulat na ginawa niya kagabi para kay Sab. Pero itinago muna niya ito sa likurang bulsa ng pantalon niya. Nandito na siya sa harap ng bahay nila Sab. Maganda ang bahay nito at maaliwalas ang paligid.

Nagdoorbell siya. maya-maya naman at lumabas si Sab para pagbuksan siya.

Nakasimpleng pambahay lang ito pero napakaganda nito.

My goodness ! itutuloy ko pa ba?

Halika pasok ka.”-sabi nito sa kanya sabay bukas ng gate.

Aa, okay.”-sabi na lang niya.

Pakiramdam niya ay nanginginig siya.

Sab’s POV

==========================================

Sinsabi na nga ba niya na ito ang susuotin nito. Isang malaking white-blue striped shirt at maong.

Gosh! Okay lang sana kung nakapolo ito. papasa pa sana. Pero hindi.

Tsk! Buti na lang at nakahiram na ako kay kuya ng damit.

 “John, sunod ka sa’kin.”-sabi niya at sumunod naman ito.

Pumunta sila sa kwarto ng kuya niya at doon kinuha ang mga damit na hiniram niya dito.

Oh, pumili ka ng susuotin jan…”sabi niya. Tinutukoy ang mga damit na nasa ibabaw ng kama.

Huh? Magbibihis ako? Eh, hindi ako sanay magsuot ng mga ganyan.”-sabi nito.

Sinasabi na nga ba niya at aangal ito.

Eh, anong gusto mong suotin? Yan lang, na suot mo? Yuck! Ang pangit kaya niyan!”-sabi niya na parang nandidiri. Sinadya niya talagang sabihin yun para mapapayag niya ito. medyo nag-iba naman ang hitsura ng mukha nito. Parang nainsulto sa sinabi niya. Pero wala siyang paki, basta sundin lang nito ang mga sinasabi niya.

Sige! Lumabas ka muna! At magbibihis ako!”-sabi nito na tonong galit.

Katakot, ah! First time kong nakitang nagalit siya.

Talaga nga sigurong nainsulto ko siya.

Pero di ako paaapekto.

Okay! Hintayin kita sa labas.”-yun lang at lumabas na siya.

 JD’s POV

=====================

Nainsulto siya sa sinabi ni Sab kanina. ‘di niya akalaing sasabihin nito sa kanya ng harap-harapan ang mga salitang ‘yun.

Di ka pa nga nanliligaw, nareject ka na!

Eh, sa ganito ako komportable. Anong magagawa niya!

Sumasakit talaga ang damdamin niya.

Naghanap na lang siya ng damit na sa tingin niya ay babagay sa kanya. Pero wala, eh.

Ano ba naman ‘to?

Eto ba ang ipinagmamalaki niya? Punit-punit na damit?

Hay! Bahala na nga!

Hinubad niya ang pantalon niya at hindi namalayang nahulog ang sulat na ginawa niya para kay Sab mula sa maong niya.

Sinuot niya ang damit na napili niya at tinernuhan ng pagkasikip-sikip na maong.

Ano ba naman ‘to. Parang di ako makalakad sa sikip.

‘yun nga at sinuot na lang niya kahit labag sa kalooban. At lumabas na siya. nakita niyang naghihintay si Sab sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At paa hanggang ulo. Pero napahinto ang paningin nito sa kanyang mukha. At dahan-dahang lumapit ito sa kinaroroonan niya.

 Ha? Anong gagawin niya sa’kin?

Kinabahan siya pero nilagpasan lang pala siya nito at pumasok sa kwarto ng kuya nito.

Hay! Akala ko naman kung ano gagawin niya sa’kin.

Ano kaya itsura ko?

Sab’s POV

=============================

Naiinip na siya sa paghihintay kay John. Pero maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at lumabas si John?

Gosh! Nag-overhaul si John.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Pero napahinto ang paningin niya sa mukha nito.

Okay na sana pero napakaloyal talaga ni John sa eyeglasses nito.

Pumasok siya sa kwarto ng kuya niya at humanap ng contact lenses para dito.

Saan kaya inilagay ni kuya ‘yon?

Sa paghahanap niya. May nakita siyang sobre sa sahig.

Ano kaya ito?

Ah. Baka naiwan lang ni Kuya.-sabi niya at inilagay sa drawer nito ang sobre.

At nakita rin niya doon ang contact lenses. Kinuha niya iyon at lumabas na.

John, tanggalin mo yang eyeglasses mo. Ilalagay natin ‘to sa mata mo.”-sabi niya.

Ha? Baka masira mata ko niyan.”-sabi nito na nag-aalinlangan.

Ano ka ba. Ginagamit ito ng kuya ko. ‘di ‘to nakakasira sa mata.”- sabi ko.”Halika, dun tayo sa may garden at ilalagay natin to sa mga mata mo. At nang makapagsimula na rin tayo.”at napagtiuna na ako sa garden.

Wala naman na itong sinabi at sumunod lang.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon