Kyra on the multimedia :D
JD’s POV
======================
Natigilan siya sa pag-inom ng juice nang makita niya ang isang pamilyar na babae may kasama itong lalaki pero ‘di niya napansin ang hitsura nito dahil nkatalikod ito. Halos araw-araw niyang hiniling na magkikita ulit silang dalawa. And as if on cue nagpakita talaga ito sa kanya.
Nagtama ang mga mata nila ni Sabrine. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Pati rin naman siya nagulat. Pero agad siyang nakabawi nang kalibitin siya ng pamangkin niya.
“Daddy. Where’s mommy?”-ang tinutukoy nito ay ang halfsister niya. Daddy ang tawag nito sa kanya dahil ayon dito. Magkamukha daw sila ng totoong daddy nito. Kahit hindi naman.
“Ah, nasa restroom pa.”-sabi niya dito. Pinunasan niya ang kamay nito na puro na ketchup.
Sandaling nilingon niya ang kinaroroonan nila Sab at … Bryle?! Hindi pa rin ba naghihiwalay ang mga ito?! Nakapuwesto ito malapit lamang sa table nila. Nagkatinginan sila ni Bryle. Halatang nagulat din ito. Sandaling lumingon ito kay Sab at nagbalik ulit ang tingin sa kanya. Nginitian siya nito. Siya naman ay simpleng tumango lang at ibinaling na ang atensyon sa pagkain. Maya-maya ay bumalik na sa table nila ang ate niya.
“So, how’s the company, JD?”-tanong nito sa kanya maya-maya.
“It’s doing fine. Marami lang talagang kailangang ayusin. Simula nga nang dumating ako ng pilipinas, eh, hindi pa ako nakapagpahinga. Subsob ako sa trabaho.”-sagot niya at tinapos na ang pagkain.
“Why? You need some rest naman ‘no. Gumimik ka naman minsan.”-sabi nito sa kanya.
“Alam mo namang wala akong hilig sa mga gimik na ‘yan, Kyra.”-sabi niya at saglit na lumingon sa table nina Sab and Bryle. Mukhang aliw na aliw ang mga ito sa isa’t-isa.
“KJ ka kasi, eh. Gumimik ka naman and go out with women.”-suggest pa ulit nito.
“Hoy! Marinig ka ng anak mo. Tularan ka pa.”-sabi na lamang niya.
Natawa naman ito.
Maya-maya ay lumapit sa kinaroroonan nila si Bryle hawak nito sa braso si Sab na halatang umiiwas ng tingin sa kanya.
Guilty!
“Hi… long time no see, John.”-bati sa kanya ni Bryle.
Ngumiti siya dito. Nagtatakang tumingin sa kanya ang ate niya.
“Yes…”-sabi niya at tumayo. “By the way this is Kyra. Kyra meet Bryle and the girl beside her, she’s Sabrine.”-pakilala niya sa dalawa.
“Oh… you’re Sabrine.”-nakangiting sabi nito kay Sabrine at nakipagkamay.
Sab’s POV
===========================
Hindi niya alam kung ano na namang kalokohan ang naisip ni Bryle. Hinila siya nito papunta sa kinaroroonan ni John. Kasama ang isang babae at isang batang lalaki. Nakayuko siya habang naglalakad palapit dito. Ayaw niyang magtama sila ng tingin ni John.
“Hi… long time no see, John.”-bati ni Bryle kina John.
Nakita niyang ngumiti si John kay Bryle.
“Yes…”-sabi nito at tumayo. “By the way this is Kyra. Kyra meet Bryle and the girl beside her, she’s Sabrine.”-pakilala nito sa kanila.
“Oh… you’re Sabrine.”-nagulat siya sa sinabi ng babae. Parang marami itong alam tungkol sa kanya. Nag-angat siya ng tingin. Nakita niyang nakangiti ang napakagandang mukha nito sa kanya. She felt envious. Nakipagkamay ito sa kanya.
“Ah… yes, I am.”-kabadong sagot niya.
“Daddy… mommy… I’m done!”-sabi bigla ng bata na ikinalaki ng mata niya. Napalingon siya kay John. Parang nagulat din ito sa sinabi ng bata. Nag-iwas siya ng tingin.
Daddy? Mommy? May asawa na si John? At ang babaeng ito ang asawa niya?!
Nakita niyang pinunasan ng babae ang bibig at kamay ng bata.
“Ah, if you don’t mind. Aalis na kami.”-sabi ni John. Nakayuko siya pero nagawa niyang tumango. umalis ang mga ito at narinig pa niyang nagpaalam sa kanya ang babae.
Kahit hindi siya tumingin sa salamin ay alam niyang namumula na ang mga mata niya. Parang ‘di niya kayang tanggapin na may asawa na ito. Nagsimula na namang manakit ang lalamunan niya.
“Sabrine? Are you okay?”-tanong ni Bryle sa kanya. Pero hindi siya sumagot.
“Ihahatid na lang kita sa inyo…”-sabi ulit nito at inakay siya palabas ng restaurant.
“Ah, ihatid mo na lang ako sa bahay niyo…”-sabi niya dito. ang tinutukoy niya ay ang dating bahay ng mga ito na tinitirhan ngayon ni Avery.
“Okay.”-pinagbuksan siya nito. At nagdrive na rin ito papunta sa paroroonan nila.
Tahimik lang siyang inaalala ang nangyari kanina.
“You still love him, don’t you?”-tanong sa kanya ni Bryle maya-maya.
She sighed. “Let’s not talk about him, anymore. He’s already married…”-parang ayaw lumabas sa bibig niya ang mga katagang iyon.
“Okay. Sabi mo, eh. By the way. May contact pa rin ba kayo ni Kim?”-pag-iiba nito ng topic na ikinasimangot na naman niya.
“Psshh! Simula nga noong umalis ang babaeng ‘yon, eh hindi na nagparamdam ang bruha.”-inis na sabi niya. Saglit na nawaglit ang sakit sa puso niya.
“Nasabi ko ba sa ‘yo kaninang nagkita kami sa isang event sa Canada?”-sabi nito na ikinagulat niya.
“What?! Nagkita kayo?!”
“Uh-huh! Hindi ko naman talaga siya nakilala ‘no. nakalimutan ko na talaga ang itsura niya. Pero siya ang pumansin sa ‘kin. Nangangamusta sa inyo ni Avery.”-kwento nito.
“Eh, siya? kamusta naman?”
“Okay lang din naman daw siya. nasabi rin niyang uuwi siya ng Pilipinas.”
“Talaga?! Anong eksaktong araw? Para naman masundo namin siya.”
“hindi ko alam. itext o tawagan mo na lang. ibinigay niya sa akin ang number niya.”-sabi nito na ikinatuwa niya. Akala talaga niya na kinalimutan na sila ni Kim. ‘di naman lang kasi nagparamdam.

BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Подростковая литератураJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...