chapter 25

50 1 0
                                        

JD’s POV

===============================

Matagal nang nakaalis si Sab. Pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan. It’s unbelievable! Iniisip niyang panaginip lamang o isang play ang nangyari kanina pero ang nararamdaman niyang sakit ay totoong-totoo. Parang sinasaksak ng barbeque sticks ang puso niya. Ang sakit-sakit. Akala niya okay ang lahat sa kanilang dalawa ni Sab. Pero bigla na lamang naging ganito ang sitwasyon. Ni wala man lang signs na magkakaganito sila.

Maybe that guy’s the reason. Umusbong ang panibugho sa puso niya. Bryle Cervantes was perfect, aaminin niya. Mas malaki rin ang pinagsamahan nito at ni Sab. Doon pa lang ay lamang na lamang ito sa kanya. Kilalang-kilala na nito si Sab.

Sa isiping iyon ay nagalit na nanggigigil siya. Kinuha niya ang silyang bakal na nasa may terrace at walang pag-alinlangang inihampas niya iyon sa mesa. Nabasag ang vase na nandoon at tumalsik sa noo niya ang ilang bubog. May pulang likidong tumulo mula sa ulo niya. Ramdam niyang sumasakit iyon. Pero walang kasing sakit ang nararamdaman niya ngayon sa puso niya.

She’s my life!  sa isip niya. ‘di niya mapigilang umiyak. Sabihin na ng ibang iyakin siya. Pero gusto lang niyang pagaanin ang loob niya.

Maya-maya ay pumasok ang mama niya sa terrace.

“John, anong –“-sabi ng mama niya. Hindi niya ito nilingon. Pero lumapit ito at humarap sa kanya.“John, anong nangyari sa’yo?!”-nag-aalalang tanong nito sa kanya. Pero parang wala ito sa harap niya. Tulala pa rin siya. Ramdam niyang marami ng dugong tumutulo sa noo niya.

Hinila siya ng mama niya papalabas ng terrace at dinala sa kwarto niya. Wala pa rin siyang kibo.

“Denise. Dalhin mo dito ang first-aid kit.”-narinig niyang utos ng mama niya sa kapatid niya.

Maya-maya ay nasa harap na niya ang mama niya at nasa likod nito ang kapatid niya.

“Kuya?! Ano po nangyari sa inyo…?!”-tanong ng kapatid niya sa kanya. Pero ‘di siya sumagot.

“Tumahimik ka muna, Denise. Lagyan mo ‘to ng beta dine.”-sabi ng mama niya at inabot kay Denise ang cotton. Habang pinupunasan naman nito ng basang towel ang noo niya.

“She broke up with me…”-wala sa sariling nasabi niya iyon maya-maya.

“Ano?! Si Sab? Nakipaghiwalay sa’yo? Bakit?”-tanong nito. Tiningnan niya ito. magkahalong pagtataka at pag-aalala ang nasa mukha nito. ‘di na naman niya napigilan ang mga mata niyang lumuha.

Tumawa siya ng mapakla sa gitna ng pag-iyak niya.

“’yun na nga ‘ma, eh. Nakipaghiwalay siya sa’kin, without a valid reason. Sinabi lang niyang hindi na niya ako mahal. Sa tingin niyo ba kapani-paniwala ‘yon ‘ma?”-parang batang sumbong niya sa mama niya.

“Of course, hindi anak. Kailan lang ang sweet-sweet ‘nyo pa.”-sabi nito na tumabi sa kanya.

“Ang lakas pa ng loob nilang pagbantaan ako, ‘pag sinaktan ko si Sab. ‘yun pala siya ang mananakit. I can’t take this ‘ma. Ang sakit-sakit.”-hindi pa rin niya mapigilan ang sariling umiyak.

“pero, anak, kailangan mo na lang tanggapin na hiwalay na kayo. Kahit anong pilit mo sa sarili mong hindi kayo pwedeng maghiwalay. Balewala pa rin iyon. May sarili din siyang damdamin. Kailangan mong magmove-on, anak.

That’s it! The hardest thing to do in all break ups is to move on and let go. And live and love again.

Pero paano niya gagawin iyon. Kung ang taong isa sa nagparamdam sa kanya kung ano ang buhay at pagmamahal ay wala na sa tabi niya. She’s gone. Totally gone! Gusto na niyang mawala sa mundo.

“anak, kung gusto mo talagang makalimot. I would suggest na tanggapin mo ang alok ng daddy mo na doon na manirahan sa Korea?”-sabi nito sa kanya.

Oo nga pala. May isang option pa siya. Pupunta siya sa Korea, sasama sa daddy niya at magsisimula ng panibagong buhay. Papatunayan niya sa sarili niyang kaya niyang mabuhay kahit wala ang taong minamahal niya.

“’wag mo kami alalahanin ni Denise. Magigigng okay lang kami dito at kung may pagkakataon ay bibisita kami sa’yo doon. Ano? Payag ka ba?”-sabi ng mama niya.

Napabuntong-hininga siya. kaya ba talaga niyang kalimutan si Sab? Hindi niya malalaman kung hindi niya susubukan.

“Sasama ako.”-matipid na sagot niya. Mapang-unawang ngumiti naman ang mama niya. Niyakap siya nito at gumanti rin siya ng yakap dito.

Kinabukasan ay nag-empake agad siya. sinundo siya ng daddy niya. At natutuwa naman ito sa desisyon niya. Nang nasa airport na sila ay parang nagdadalawang-isip siyang umalis.

He sighed. ‘Hope things will work out.

Sab’s POV

====================================

Dalawang araw siyang nagmukmok sa kwarto niya. Hindi pa rin niya kinakausap ang kuya niya kahit ito na ang naga-approach sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pinagsisisihan niya ang ginawa niya.

How can I get over with this? Heaven please help me.

Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Hindi niya inexpect na ganito kasakit ang masawi sa pag-ibig. Sumasakit na ang lalamunan niya. Lalo na ang kanyang puso. Totoo nga siguro ang kasabihang. ‘malalaman mo lang kung gaano mo kamahal ang isang tao kung masasaktan ka na’. Pero sabi niya sa sarili niyang she should move on. Kung totoo nga ang destiny, mahahanap pa rin niya ang lalaking nababagay sa kanya. And if one day she’ll find that man, he would surely not let him go. Ayaw na niya ulit mabigo at masawi.

Pero bakit ‘di ko pa ‘rin tanggap na wala kami? Kahit pinaghandaan ko ‘to ng ilang araw. It still hurt, as if, it was killing her, gradually.

Naisip niyang magbabad sa bath tub. Baka sakaling maisipan pa niyang lunurin ang sarili. Sinariwa niya ang mga moment nila ni John. Malungkot na tumatawa siya ng maalala niya ang unang pagkikita niya rito noong enrolment. Hindi niya inakalang ang lalaking kinukutya pa niya dahil sa baduy nitong pananamit ay magiging boyfriend niya. Ipinilig niya ang kanyang  ulo. ‘eto na naman ang pakiramdam na maiiyak siya. inilunod niya ang buong katawan sa Bath tub. Tinigilan na niya ang pag-iisip sa ganoong mga bagay. Dahil lalo lamang siyang nasasaktan. Life must go on. Sabi nga. Pipilitin niyang magmove-on kahit napakahirap. Iyon ang magiging challenge niya simula ngayon.

A Heart-Shaped Love StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon