Nakarating na siya sa opisina niya pero napansin niyang wala pa roon si Sab. Tinanong niya sa ibang empleyadong naroon kung dumating naba ito. Sinabi nitong hindi pa raw ito dumarating.
Sinabi ko sa kanyang bumalik agad, eh. Babaing ‘yun talaga. She’s always late.
Pumasok muna siya sa opisina niya. At nagreview ng mga financial reports. Maganda naman ang takbo ng kompanya nila. At tumataas pa lalo ang sales nito.
Seryoso siyang nagbabasa nang may kumatok sa pinto.
“Come in…”-sabi niya. Pumasok si Sab. Nagsimula na namang maging abnormal ang tibok ng puso niya.
Shit! ‘wag muna ngayon, okay.
Hinihimas-himas niya ang dibdib niya.
“I’m sorry, Sir. Nalate po ako. May kailangan po ba kayo?”-tanong nito sa kanya.
“Don’t be late again, Sab. Ayoko nang pinaghihintay ako.”-Naalala niya noong sila pa nito palagi siyang naghihintay dito ‘pag may date sila.
“Sorry po, Sir, ‘di na po mauulit.”-paghingi nito ng paumanhin.
“And, please, drop the formalities, I hate it.”-sabi niya.
“Ho?! Eh, ano namang sasabihin ng ibang empleyado, ‘pag hindi ka tinawag na Sir? Baka kung anong isipin nila.”-tanggi nito.
“Bakit? Anong bang iisipin nila?”-tanong niya dito ng may nakakalokong nigti sa mga labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/1076725-288-k38524.jpg)
BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Novela JuvenilJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...