chapter 31

35 1 0
                                    

Maagang nagising si Sab ng araw na iyon. Magsisimula na siya sa kanyang trabaho. Maaga siyang nagluto at nag-almusal. Naligo na rin siya at nagbihis ng simpleng business attire. Idinunghay lamang niya ang kanyang buhok at naglagay ng konting face powder sa mukha niya at lipstick sa labi niya. Kanina pa niya tinitingnan ang sarili sa salamin.

 

“Okay na ‘to… Sab, galingan mo! Fighting!”-cheer niya sa sarili at umalis na.

Hindi naman siya nalate kahit maagang nagkatraffic. Nakarating siya sa oras. Nakita agad niya si Miss Ramirez na nag-interview sa kanya kahapon. Bumati siya rito.

“Good Morning po, Miss Ramirez.”-nakangiting bati niya rito sabay yuko.

“Oh, good morning, Miss Guillen, tama ba ko?”-sabi nito at natawa.

“Ah, opo, tama po kayo.”-tumawa rin siya. Ang gaan ng pakiramdam niya sa babaing ‘to.

“Ah, oo nga pala. Halika’t ituturo ko sa’yo kung saan ka magta-trabaho.”-sabi nito at tinuro sa kanya ang daan kung saan siya magtatrabaho.

Malinis naman ang area niya at hindi masyadog masikip. May computer doon sa table niya. At ilang mga papel.

“Ito ang table mo. Wala ka namang ibang gagawin kundi sundin ang mga utos ni Sir. Tatawag lang siya sayo gamit ang intercom. At saka ‘wag kang mag-alala mabait naman si Sir.”-nakangiting sabi nito sa kanya.

“Ah, ganun po ba? Kailan ko po mame-meet si Sir? At sino po siya?”-tanong niya dito.

“Ah, maya-maya darating na ‘yon.” Maya-maya lamang ay may pumasok sa pintuan. Hindi agad niya napansin kung sino ‘yon. “Ay, nandito na pala si Sir.”-sabi nito.

Nag-angat siya ng tingin. At halos ihiling na niya sa langit na lamunin na siya ng lupa nang makita ang boss niya.

Oh my goodness! Pastilan ka ‘day! Ano ba ‘tong pinasukan mo.

Bakit siya?! sa lahat-lahat naman ng magiging boss niya. Si John pa.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon