Kinabukasan, deadline ng submission ng presentation na ipinagawa sa kanya ay ipinasya niyang mag-overtime. Hindi pa kasi nangangalahati ang ginawa niyang presentation kahapon. Kaya dapat na niyang matapos iyon ngayon.
Tutok na tutok siya sa monitor ng laptop. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.
“Miss Guillen, ‘di ka pa ba uuwi? Gabi na.”-sabi ng mga empleyado sa kanya at nakahanda nang umuwi.
“Ah, eh. Mago-overtime ako ngayon, eh. Kailangang tapusin ko ‘to agad ngayon.”-sabi niya habang nagiiinat ng katawan.
“Wow. Sipag naman ni Miss Guillen. Sige, mauuna na kami sa ‘yo.”-sabi ng isa pang empleyado doon.
“Okay sige. Ingat kayo.”-paalam niya rito at kumaway pa.
Biglang tumunog ang tiyan niya. Tiningnan niya ang kanyang relo.
7:30pm na. Ang bilis ng oras. Napahikab siya. Namimigat na ang mga talukap niya. Napapagod na rin siya kakatype sa keyboard.
Tiis muna. Kailangan mong tapusin ‘yan ngayon.
Nagsimula na naman siyang magtype. Halos malapit na siyang matapos sa ginagawa niya nang may pumasok na delivery man ng isang pizza station.
“Delivery po, ma’am… kayo po ba si Miss Guillen?”-sabi nito.
“Ako nga. Sino nagpadeliver niyan?”-nagtataka siya ‘di naman siya nagpadeliver ng kahit ano. Pero natatakam siya sa amoy ng pizza. Parang nagwawala ang mga bulate niya sa kanyang tiyan.
“Ah, si Mr. Gomez po ang nagpadeliver nito. Pero ang sabi po niya kanina ay iabot ko po daw sa inyo.”-magalang na sabi nito.
“Ah, okay. Iwan mo na lang muna diyan.”-utos niya rito. Napansin niyang basing-basa ito. “Umuulan ba sa labas?”-tanong niya rito.
“Opo ma’am. Ang lakas nga, ho.”-sabi nito.
“Eh, paano mo nadeliver ‘tong pizza?”-nagtatakang tanong niya.
“Ah, hindi naman po kailangang bumiyahe. Nasa tabi lang ang station namin ng kompanyang ‘to.”-paliwanag nito.
“Ah, ganun ba. Sige. Pwede ka ng umalis baka hinahanap ka na.”-sabi naman niya at umalis na rin ito. Tumayo siya at dumungaw sa bintan. Tama nga ang sabi nito ang lakas ng ulan sa labas. Bumabaha na sa mga daan.
Sana naman tumigil na ang ulan. Baka ‘di ako makauwi.
Bumalik siya sa table niya at kinuha ang pizza na ipinadeliver ni John. Kumatok muna siya at narinig ang sinabi nitong pinapapasok siya.
Pagpasok niya ay nakita niyang tutok din ito sa sariling Laptop nito. Seryosong-seryoso ito habang nakatingin sa monitor. Maya-maya ay itinigil nito ang ginagawa at tumingin sa kanya. Napapitlag naman siya. May kung ano sa mga tingin nito na parang lulusawin siya.
“Ah, sir. ‘eto na po ‘yong ipinadeliver niyong pizza.”-sabi niya at inilagay sa mesa nito ang pizza. Tumango lamang ito. “kung wala na po kayong sasabihin lalabas na po ako.”-sabi niya. Matagal itong nagsalita kaya ipinasiya niyang talikuran na ito.
“Wait…”-matagal siyang nagpasyang lumingon. Baka naman kasi paglingon niya ay nasa harap na naman niya ito. Dahan-dahan siyang lumingon.
“Ano po, ‘yon, Sir?”-tanong niya.
“Sit down. Kumain na muna tayo. At saka ‘wag mo na akong tawaging ‘Sir’. Wala namang ibang tao dito tayo lang dalawa.”-sabi nito. Napatingin siya sa pizza. Naglalaway na talaga siya. Pero ‘pag pinaunlakan niya ang paanyaya nito baka sabihin pa nitong PG siya. tiningnan niya si John. tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Akmang hahawakan siya nito pero iniiwas niya ang kanyang braso.
Ano na naman ba. Hahalikan niya ulit ako? Ang ambisyosa ko na ata?!
Muli nitong inabot ang braso niya at hinila siya at pilit na pinaupo sa sofang nandoon. Pumasok ito sa parang pintuang tago na nadoon at nang bumalik ay may dalang dalawang baso at softdrinks.
Ano kayang nandoon?
Inilapag nito sa mesa ang softdrinks at pagkain. Dalawang large size ng pizza ang binili nito. Binuksan nito ang pizza at kumuha ng isang slice at inabot sa kanya.
“Kain ka.”-Hindi na siya tumanggi. Grasya na nga ang lumalapit sa kanya. Baka maya-may ‘pag tumanggi pa siya bigla na lang titirik ang mga mata niya sa gutom.
Tinanggap niya ang pizza. At kinain kaagad. Nang maubos ang slice na ‘yon ay kumuha ulit siya ng isa pa. ‘Di na siya nahiya.
Bahala siya kung ano isipin niya ano?
Pagkatapos ng dalawang slice na ‘yon ay nabusog na siya.
“Ayoko na busog na ako. Salamat.”-sabi niya habang ngumunguya pa at inabot ang softdrinks.
“What? ‘yon lang busog ka na?!”-gulat na sabi nito.
As if naman kasing takaw kita ano?!
“Oo, eh, salamat, Sir –este John pala.”-sabi niya.
Tumingin lang ito sa kanya. At maya-maya ay tumabi sa kanya. Hinawakan ang dalawang binti niya. “Hoy! Ano ba ginagawa mo?!”-kinabahan siya. Pinagkrus nito ang mga paa niya. Pinag- Indian sit siya at inilapag sa kandungan niya ang isang buong Large pizza.
“Ubusin mo ‘yan. You’re too skinny. Magpataba ka naman.”-sabi nito at umupo ulit sa sofang katapat ng kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Teen FictionJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...