chapter 19

81 1 3
                                    

Si Bryle yung nasa multimedia.

Pinilit kasi ako ng friend ko na isali siya sa story,eh.

And kung gusto niyong makita kung saan sila nagvacation. Kindly click the external link. On the right side.

========================================>>>>>>>

“Here we are!”sabi ni Avery na nagpagising sa kanya. Nakasakay sila ngayon sa private plane ng pamilya nito. Tingnan niya ang katabing si John na malapit sa may bintana ng eroplano. Nakatanaw ito sa baba at parang namamangha sa nakikita. Tumingin sa kanya.

[ hindi nakasama si Kim dahil bumihaye na ito papuntang Canada. ]

“’want to see it?”-sabi nito sa kanya. Tumango siya at nagpalit sila ng upuan. Tingnan niya ang ibaba.

“Woah! It’s a paradise!”-manghang-manghang sabi niya. Napakaganda ng nakikita niya ngayon. Parang isa lamang painting. White sand beach iyon. Napakalinaw din ng tubig. It was a very beautiful place. hindi niya inaasahang ganito kaganda ang lugar na ito.

“Beautiful, isn’t it?”-sabi ni Avery.

“Very beautiful…”-sagot niya. Nakatingin pa rin siya sa ibaba.

“’wag kayong mag-alala. Pagkababa at pagkababa natin. Pwede na tayong mag-swimming jan. kung gusto niyo. Pero mas maganda kung ipagpabukas na lang natin.”-sabi ulit nito.

“oo nga naman, para makapagpahinga muna tayo.”-sabi ni John. Sumang-ayon naman siya.

Pagkababa at pagkababa nila ay mas napahanga siya sa lugar.

This was amazing! Parang wala siya sa mundo ngayon.

“Hey, there!”-may biglang nagsalita. Pamilyar sa kanya ang boses na ‘yun. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. At nagulat siya ng makita kung sino ang tumatawag sa kanila.

“Oh my goodness, Bryle it’s you!”-bulalas niya. Sinugod niya ito ng yakap. Unaware na nakakaramdam ng selos si John dito.

“yes, I am. Sino pa ba? I miss you Sabrine.”-niyakap din siya nito.

Si Bryle Cervantes ay kuya ni Avery. Dalawang taon ang agwat nito sa kanya. They were bestfriends before. Simula pa nung mga bata pa sila. Para na silang magkapatid nito. Namiss nga niya ito, eh. Dahil lumipat ito ng eskwelahan simula nung maghigh school ito. hindi niya inaasahang makikita niya ito dito.

Nilingon niya si John. Pero wala na ito doon.

 Hala! Baka nagselos ‘yun. Bigla-bigla ko pa namang niyakap si Bryle.

Tinanong niya kay Avery kung nasaan si John. Ang sabi nito ay nauna na ito kasama ang mga magulang ni Avery dala-dala ang mga gamit nila.

“Girl, tara na. sundan na natin sila.”-dali-daling sabi niya.

“okay, tara na. bye, kuya! Iwan ka na namin dito.”-sabi ni Avery at sumunod siya ditop. Nagpaalam na rin siya kay Bryle.

JD’s POV

=======================

Nakakainis!

Sino ba kasi ang lalaking ‘yun.

Bigla na lang siyang niyakap ni Sab.

Kinukutkot ang puso niya n matinding pagseselos. Ngayon lamang niya naramdaman ito.

Nagtatampo pa rin siya kay Sab. Hindi niya ito pinapansin.

“Oh, John, Sab, magpahinga na rin kayo. Ang room niyo ay room four-o-three. Katabi lang nung sa’min.”-sabi ni Avery.

Iisang room lang kami?

Tiningnan niya si Sab. Nakatingin rin ito sa kanya. Parang nagtataka.

Wala naman siyang magagawa. Umakyat na sila sa kanilang kwarto. Pagkapasok ay nagsalita si Sab.

“John, galit ka ba?”-sabi nito.

“Hindi ako nagagalit. Nagseselos ako.”-prangkang sabi niya.

“Sorry na. nabigla lang talaga ako nang makita ko siya. matagal na panahon rin kaming hindi nagkita.”-paliwanag nito.

“sino ba kasi ‘yun?”-tanong niya.

“Si Bryle ‘yun, kapatid ni Avery. Bestfriend ko ‘yun dati.”-sabi nito.

“hmpf. Bahala ka. ‘di muna kita kikibuin.”-pakipot niya.

“John, naman, eh. Para kang bata. Sorry na, bibigyan kitang kendi.”-sabi nito na may kalakip na biro. B-in-ack hug pa siya nito.

“Candy is sweet. Why don’t you give me your sweetest kiss? Instead of giving me a candy?”-sakay niya sa biro nito. Hinarap niya ito and he smirked.

He kissed her. Tumugon naman ito sa halik niya. They shared a passionate kiss. Hinding-hindi siya magsasawang halikan ito. Tumagal pa iyon hanggang hindi na sila makahinga. Kumalas siya dito.

“Let’s stop this. Baka ‘di mo pa mapigilan ang sarili mo at molestiyahin mo pa ako.”-biro niya dito.

“Hmmpf! Ang kapal… ikaw ang aggressive jan, eh.”-taas-ngusong sabi nito.

“maligo ka na nga. Amoy-araw ka na.”-biro pa rin niya dito.

“Weh? Nagsalita ang amoy lupa!”-pikong sabi nito sa kanya habang kinukuha ang robe na nasa kama.

“’eto naman, napikon agad. ‘wag kang mag-alala. Kahit amoy-araw ka pa. love pa rin kita.”-b-in-ack hug din niya ito at hinalikan sa pisngi.

“Tigilan mo nga paghalik sa’kin! Nakakainis ka. Umaabuso ka na.”-pagalit na sabi nito. Natawa naman siya.

“Kunwari pa, eh gusto naman. Sige na maligo ka na. lalabas muna ako okay.”-sabi ulit niya at humirit pa ng halik dito.

“Ano ba!”-pagalit-galitan ulit na sabi nito. “Umalis ka na kung aalis ka.”-pagtataboy nito sa kanya.

“Sige, aalis na ako. Pero mag-ingat ka, ah. May narinig ako kaninang usap-usapan ng mga magulang ni Avery na may mumu daw dito. Hala ka.”-takot niya dito at tumakbo papuntang pinto.

“Jooohhhnnn!”-sigaw nito. Halatang natakot nga.

Lumabas na siya at gumala lang muna sa hotel. Hindi naman siya lumayo sa room nila ni Avery. Nanatili pa rin siyang nasa 4th floor.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon