Sab’s POV
=====================
Buong araw siyang natulog. Paggising niya ay maghahapunan na. Naligo agad siya at nagbihis. Bumaba siya sa kitchen para kumain. Naabutan niyang kumakain ang kuya niya doon.
“Kumain ka na.”-yaya ng kuya niya sa kanya.
Kumain naman siya. Ito ang first time na kumain sila ng sabay ng kuya niya na walang imikan.
Strange.
Natapos ang kuya niyang kumain. Habang siya ay nilalantakan pa ang ulam nilang fried chicken. Napasarap ang kain niya dahil hindi siya nananghalian.
“Pagkatapos mong kumain pumunta ka kaagad sa study room. May pag-uusapan tayo.”-seryosong sabi nito.
Kinabahan naman siya. iiwan na ba siya nito? Hindi pwede. Naluha siya sa isiping iyon.
**********
Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang pumasok ng study room. Nakita niya ang kuya niya na nakatayo sa harap ng bintana. Seryosong-seryoso ito. kinabahan lalo siya.
“Kuya…”-tawag niya rito at agad namang lumingon.
Bumuntong-hininga ito ng marahas.
“Maupo ka.”-utos nito sa kanya tumalima naman siya.
Magkatapat sila ngayon ng kuya niya pero dumaan ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nagsasalita.
“Kuya? May problema ba? Sabihin mo naman sa’kin, oh? Kinakabahan na ‘ko.”-kinakabahan talaga siya.
“Sab, ayokong biglain ka pero…”-sabi nito. Parang kinakabahan din.
“Pero ano kuya? Diretsuhin mo na ako, kuya.”-sabi niya.
“I want you to break up with that guy!”-sabi nito sa kanya sa malakas na boses.
“What?! Hah! Kuya, ano ba naman ang trip mo ngayon?”-sabi niya. Naiinis siya dito. Iniisip niyang binibiro siya nito.
“Sabrine! I’m not joking! You have to break up with him!!! As soon as possible!!!”-galit na sabi nito sa kanya.
Nagulat siya sa inakto nito. Kahit kailan ay hindi pa nagalit ang kuya niya sa kanya ng ganoon.
Pero bakit? Bakit niya kami pinaghihiwalay ni John. Akala ko ba okay na?- napaiyak siya sa isiping iyon.
“Bakit kuya?! Ano bang ginawang kasalanan niya sa’yo?!”-sabi niya sa malakas na boses. Humagulgol siya.
“Not him, Sab! But his damn father! Sinira ng ama niya ang buhay natin. Ang pamilya natin. Kung naaalala mo pa ang nangyari noon.”-galit na sabi pa rin nito.
“What?!”-hindi makapaniwalang sabi niya.
“you heard me right, Sab. Ang ama niya ang pumatay kay papa. At ang dahilan kung bakit nagpakamatay din si mama. Puwes kung mahalaga pa rin sa’yo ang pamilya natin. Hiwalayan mo ang lalaking ‘yun. At kung wala na sa’yo ang nangyari noon at magpapatuloy ka pa rin sa relasyon niyong dalawa. Kalimutan mo na lang na kapatid mo ako.”-sabi nito sa kanya at padabog na lumabas sa study room.
Habang siya. nagpatuloy pa ring umiiyak sa study room.
Bakit ganoon? Bakit kailangan niya akong papiliin.
Napakahirap ng sitwasyon niya ngayon. Mahal niya ang kuya niya at mahalaga pa rin sa kanya ang mama’t papa niya. Pero mahal na mahal din niya si John. Isa na ito sa mga rason kung bakit pinapahalagan niya ang buhay niya.
But why is this kailangan pa niyang mamili sa dalawa?
Umiiyak siyang nakayakap sa tuhod niya. At nakatulugan na niya iyon.
Paggising niya kinabukasan ay nagulat siya na nasa sariling kwarto na siya. Bigla niyang naalala ang nangyari kahapon.
Nanghilamos siya at humarap sa salamin. Pinakatitigan niya ang sarili at kinausap.
Anong gagawin mo ngayon? Hihiwalayan mo ba siya?
Pero parang ‘di ko kaya, eh. Mahal na mahal ko siya. At nangako kami sa isa’t-isa.
Pero paano rin si kuya. Kapatid ko siya. siyempre mas mahalaga siya sa’kin.
Gosh! Ang hirap ng ganito.
Lumabas siya ng banyo at naupo sa sahig –sa may gilid ng kama.
Kinuha niya ang project nila noon ni John na ginawa mismo nila. Napapangiti na nalulungkot siya habang pinagmamasdan ito. Nanginginig ang mga kamay niya.
Ayokong gawin ‘to John. But I have to.
Huminga siya ng malalim.
She made her final decision.
HIHIWALAYAN NA NIYA SI JOHN!
Kahit masakit sa kanya.
Nagpalipas muna siya ng ilang araw. Hinanda niya ang sarili sa pakikipaghiwalay niya kay John. Kailangan niyang panindigan na makikipaghiwalay talaga siya dito.
BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Teen FictionJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...
