chapter 27

35 1 0
                                    

Kinabukasan ay pumunta agad si Sab sa kompanyang papasukan niya dala ang kanyang mga requirements. Alas diyes na ng umaga siya nakarating sa SWAIN IMAGE PRODUCTS. Hiling niyang sana ay makuha siya. Kailangang-kailangan niya ang trabaho ngayon hindi dahil sa sahod kundi para may maidahilan na siya sa Kuya Tyrone niya. Plano na kasi nitong patirahin siya sa Korea at ipamahala sa kanya ang ilang branches ng kompanyang itinayo nito. Wala naman siyang kaalam-alam kung paano magpatakbo ng kompanya ano?

Pagkarating niya sa kompanya ay agad niyang nakitang marami ang mga taong nakapila doon halos lahat ang mga ito ay may dalang envelope ang iba’y hindi mapakali sa kinaroroonan. Panay ang buntong-hininga.

“Maga-apply din siguro sila… ang rami naman baka ‘di na ako makuha.”-sabi niya sa sarili. Pumwesto siya sa pinakahuling linya. Relax lamang siyang nakatayo roon.

Mabilis na umusad ang linya. Pero malayo pa rin siya. siya kasi ang pinakahuli at wala nang sumunod sa kanya.

burrggh ! napahimas siya sa tiyan niya. Nagwewelga na ang mga alaga niya sa tiyan. Nagkape at pandesal lang kasi siya kaninang umaga. Hindi siya nag-almusal. Tiningnan niya ang relo niya. Eleven ten na. Ang bilis ng oras.

Hay! Naghintay pa siya ng ilang sandali. Nagtetext muna sila ni Avery. Panay ang goodluck nito sa kanya. Natatawa naman siya dito. Parang ito pa ang mas kinakabahan kaysa sa kanya.

“Guillen…”-tawag ng babae sa kanya.

“Ah, ako po ‘yon.”-sagot niya habang itinaas ang kanang kamay.

“Ikaw na…”-nakangiting sabi nito sa kanya.

“Ah, oho…”-ngumiti rin siya. ngayon pa siya kinabahan. Huminga siya ng malalim bago siya pumasok sa opisina.

Pagpasok niya ay agad siyang bumati sa babae na nandoon.

“Good morning, ma’am…”-magalang na sabi niya.

Akala niya ay dalawa o tatlo ang magi-interview sa kanya. Pero nag-iisa lang ito. ngumiti ito sa kanya. At ngumiti rin siya. Sa tantiya niya ay matanda lamang ito ng ilang taon sa kanya.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon