chapter 35

40 1 0
                                    

Hindi malaman ni John kung bakit ginawa niya iyon kay Sab. On impulse ay nagawa niya iyon. Gusto niyang matawa sa ginawa niya.

“Eh, paano ko mauubos ‘to, eh ang dami nito.”-maktol nito.

Ang tigas ng ulo. Ito pa ang sobrang payat, ito pa ang ayaw kumain.

“Sab, look at yourself. You’re too skinny. Kaya ubusin mo ‘yan.”-sabi niya rito. Natatawa siya sa ekspresiyon ng mukha nito. Parang bata.

“Eh, kung ayaw ko?! Hindi naman ako ang nag-order nito ‘no!”-mataray na sabi nito.

May naisip siyang kapilyuhan.

“Kung ayaw mong kumain, hahalikan kita!”-sabi niyang nakangisi.

“Bakit mo ako hahalikan, eh, ‘di ba may asawa ka na.”-sabi nitong nakatingin lamang sa pizza.

Asawa?

Biglang sumagi sa alaala niya ang muling pagkikita nila ni Sab sa isang restaurant. Kasama nga pala niya si Kyra at ang anak nito. Kaya siguro nasabi nitong may asawa siya.

Ayos ‘to, ah! Mukhang nagseselos siya. Masakyan nga!

“Basta ‘pag ‘di mo uubusin ‘yan hahalikan kitang talaga. Take my word for it Sab.”-hamon niya rito. Ayos pala ‘to. Parang truth or dare lang.

“Ayoko nga! Sinong niloloko mo?!”-mataray pa ring sabi nito habang inilalapag sa mesa ang pizza.

Inabot niya ang kamay nito at inabot ang ulo nito. At talaga! Hinalikan talaga niya ito. Smack lang ‘yon pero parang naliliyo na siya. Nagulat naman ito sa ginawa niya.

“I’ve warned you. So ano? Papahalik ka pa ba?”-sabi niya sa seductive na boses.

Umiwas ito ng tingin sa kanya. At nagdadalawang isip na abutin ang pizza.

She’s so cute.

“Hindi ko mauubos ‘to. Tulungan mo na lang akong ubusin.”-nagmamaka-awang sabi nito sa kanya. Natawa siya sa inakto nito.

Nilapitan niya ito. At nag-Indian sit din sa sofa. Magkatapat nilang kinain ang pizza. Maya-maya ay naubos nila ito. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na natawa. Ang baliw ng sitwasyon nila.

Tawa pa rin sila nang tawa nang huminto si Sab sa pagtawa.

“Bakit?”-tanong niya ritong ngiting-ngiti pa rin.

“John. ‘di ka na ba galit sakin?”-seryosong tanong nito sa kanya.

Natigilan siya. Kumuha siya ng tissue at ipinunas sa daliri niya.

Gusto niyang sabihin ritong galit siya dito pero nawala na ‘yon dahil muli niya itong nakita at muli niyang minamahal. Pero ayaw lumabas ng mga katagang iyon sa bibig niya.

“Kung ayaw mong sagu—.”

“No. Hindi ako galit sa ‘yo.”-tanging nasabi niya.

“Bakit? Alam kong sobra kitang nasaktan noon.”-sabi nitong nakatingin pa rin sa kanya.

“Sab, wala naman akong mapapala kung maggagalit-galitan ako sa’yo. Let’s forget that incident. Ayoko ng balikan pa ‘yon.”

Tumahimik lang ito habang nakayuko. Nagpasya siyang iligpit ang mga pinagkainan nila.

“Ah, lalabas na ako. Tatapusin ko muna ‘yung presentation.”-paalam nito sa kanya.

“Okay.”-sabi niya.

Nang makalabas na ito ay pasalampak siyang naupo sa sofa. Himinga siyang malalim para kalmahin ang sarili.

Bakit ba nato-torpe ka?!

‘pag ‘di mo sinabi sa kanya ang totoong nararamdaman mo baka sa susunod na araw lang ay kasal na siya sa Bryle na ‘yon!

Kinakausap niya ang sarili na parang baliw. Dapat na talaga niyang aminin dito ang nararamdaman niya. Paano ba kasi, noon, ‘di niya nasubukang ligawan ito ng maayos.

‘Di bale! ‘pag nasa Singapore na kami sasabihin ko na sa kanya.

Bumalik na si Sab sa table niya. Hindi siya makahinga ng maayos.

Alam kong may galit pa rin siya sa akin. Bakit ayaw niyang sabihin?

At saka hindi siya nagreact kanina nang sabihin ko sa kanyang may asawa na siya. Talagang totoo nga. Pero bakit niya ako hinalikan kanina?

My Gosh! Ayokong maging kabit lang.

Ipinilig niya ang kanyang ulo.

Hindi mangyayari ‘yon Sab. That will never happen!

Ipinasiya niyang ibaling ang atensiyon sa pagtapos sa presentation. Nang matapos ay nakaramdam siya ng pagod. Tumayo siya para dumungaw sa bintana pero mas lumakas pa yata ang ulan. Paano siya makakauwi? Bumalik siya sa table niya at umupo sa upuan.

Maya-maya ay nakaramdam na siya ng pamimigat ng talukap niya. Nagpasya siyang isandal ang katawan sa upuan. ‘di niya namalayang nakatulog na pala siya.

Natapos na ni John ang trabaho niya. Iniligpit na niya ang mga gamit at nagpasyang lumabas.  Pero nagulat siya nang makita niyang natutulog si Sab sa upuan nito. Naawa siya rito. Pumasok siya ulit sa opisina niya at iniwan ang mga gamit na dala-dala. Lumabas ulit siya. Nilapitan si Sab at pinangko. Mabuti nalang at ‘di nagising. Dinala niya ito sa secret room ng opisina niya. May kitchen, CR, at bedroom doon.

Inihiga niya ito sa kama. Tulog na tulog pa rin ito. halatang napagod din. Tinitigan niya ito. Naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang pisngi nito at natukso na namang halikan ang mga labi nito.

I love you Sab! – bulong niya.

Lumabas na siya sa kwarto. Nagpasya siyang doon na lamang magpalipas ng gabi. Doon na siya matutulog.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon