chapter 14

39 1 0
                                    

Sab’s POV

==========================================

Kakauwi lamang niya sa bahay nila. Ihahatid nga sana siya John. Pero tumanggi siya baka mahuli pa sila ng kuya niya.

Nagbihis siya at nahiga sa kama niya.

Pffhh ! nakakinis talaga kanina. Napahiya pa ako. Badtrip! Sa harap pa ni John at ng maraming tao.

Pa’no ba umiwas sa malas ? urgh! Palagi na lang kasi akong minamalas, eh.

Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone niya.

Kinuha niya ang cellphone niya mula sa kanyang school bag.

Calling….

John –oppa

Huh? Bakit kaya siya tumawag?

Sinagot niya ang tawag nito.

Oh, napatawag ka?”-nagtataka lang siya. hindi naman ito mahilig tumawag.

Mangangamusta lang. bawal ba?”-sagot nito.

Aba! Hanep sumagot, ah.

Mangangamusta lang pala. Ba’t ‘di mo na lang itext?”

Eh, sa gusto ko? at saka bakit ganyan ka kung magsalita? ‘di mo ba gustong marinig ang boses ko? magtatampo ako niyan.”-biro nito.

Aba! Aba! Sumusobra na talaga ‘tong lalaking ‘to, ah. Magtatampo? Ang OA, ah. Kahit love ko siya, di ko siya palalampasin.

Hindi ko gusto marinig ang boses mo ‘no. ang kapal ng mukha! ‘kala mo!!!!”-sakay niya sa biro nito.

Kunwari ka pa. Eh, sa boses ko pa lang naiinlab kana.”

Hoy! Three-layers din ang kalyo mo sa mukha ‘no! sinong may sabing inlab ako sayo?”-pagalit-galitang sagot niya dito pero sa totoo lang ay natatawa siya. Parang may LQ lang?

“‘wag ka’na kasing magkaila. Mahal mo rin ako, eh.”-sabi nito.

Anong mahal kita? Sinabi ko ba ‘yun? ‘di pa nga kita sinasagot. Ikaw ha, nagsisinungaling ka na. ayaw ko pa naman yun sa lalake.”-sagot niya.

problema ba ‘yun? Eh, ‘di sagutin mo nako ngayon ‘din! And you can freely say na mahal mo ‘ko.”-diin nito.

Hah! Bahala ka sa buhay mo. ‘wag mo ‘kong didiktahan.”-sagot niya.

Okay! Kung ‘di mo ‘ko sasagutin ngayon. Maghahanap na lang ako dito. Marami pa namang magagandang teachers dito.”-parinig nito sa kanya.

Huh? Asan ka ba?”-tanong niya. Curious talaga siya.

Nasa school ng kapatid ko. susunduin ko siya.”-sagot nito.

Hah! ‘di ka makakakita ng IBA jan ‘ano. Takot. Baka ma-child abuse pa sila.”-sagot niya. Pero nagseselos na siya ng kaunti.

Well, let’s see then. Tootootoot”-sabi nito at in-off na nito ang cellphone nito.

Ganun ba talaga ‘yun? Hindi naman siguro siya seryoso dun ‘ano?

Huhuhuhu . pero bakit naiimagine ko siya at isang magandang teacher?

Nakakainis siya! WWWAAAHHH!

JD’s POV

=====================================================

In-off na niya ang cellphone niya nang makita niyang papalapit sa kanyang kinaroroonan ang kapatid niya at may dalang paper roses.

Hi, kuya. Saan po si mama? Bakit ikaw po ang sumundo sa akin?”-tanong ng kapatid niya.

“’di kasi makakarating si mama, eh. May pinuntahan. Kaya si kuya muna ang sumundo sa’yo. Halika na. baka gabihin pa tayo.”-sabi niya sa kapatid.

Sa’yo na lang po ‘to, oh. Ginawa ko ‘yan kanina.”-sabi nito.

Binigyan siya ng kapatid niya ng dalawang paper roses. Tinitigan niya ito.

Hmmm.

Ting!

Alam ko na!

Denise? Pwede mo ba ‘ko turuang gumawa nito?”-sabi niya sa kapatid niya.

Opo. Madali lang po ‘yan.”-sagot ng kapatid niya.

Ayos!

***************

Pagdating sa bahay ay agad siyang nagpaturo sa kapatid niya kung paano gumawa ng paper roses. Madali lang naman pero hindi pa rin niya napeperpekto ang pagkakagawa dito.

Kuya, ang lakas mo mag-blow kaya nasisira, eh. Dahan-dahanin mo lang po pag-blow kuya. Ganito, oh.”-sinample-an na naman siya ng kapatid niya.

Sinsunod rin niya ang turo nito. Pero ‘di pa rin, eh.

pwede mo po ‘yan kulayan, kuya.”-sabi ni Denise sa kanya.

Ang hirap! Ang sakit na ng batok ko. at ang mga mata ko nanghahapdi na.

Denise. Thank you, ha. Akyat na ako. Sabihin mo na lang kay mama, ‘pag dumating siya, nasa kwarto na ako. Gawin mo muna ‘yung assignments mo.”-sabi niya kay Denise.

Opo, kuya.”-sabi ni Denise.

At umakyat na siya at pumasok sa kwarto niya. Pero hindi para magpahinga, kundi ipagpatuloy ang paggawa niya ng paper roses. Gusto sana niyang ipaggawa na lang mismo kay Denise iyon para maganda ang pagkakagawa. Pero iba pa rin ‘yung sariling effort niya. At least, from the heart.

Mahigit isang oras din niyang naperpekto ang paper roses. Sakto namang tinawag siya ng mama niya para kumain. Kaya bumaba na siya. Pero bago ‘yun ay tinext muna niya si Sab.

|I’ll fetch you up tomorrow.|

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon