chapter 37

36 1 0
                                        

Maagang nagising si Sab at inihanda ang mga gamit na dadalhin niya para sa isang limang araw na business trip nila sa Singapore kasama si John. hindi na siya nagdala ng mga gamit na hiindi na niya masyadong gagamitin doon.

Mga alas nuwebe ng umaga ay nandoon na si John para sunduin siya. Eleven-ten kasi ang flight nila. Kaya maaga silang umalis.

“Pagkadating natin doon, ‘wag kang lalayo sa akin, ah. Medyo delikado doon…”-bilin nito sa kanya.

“Oo.”-sagot niya. Parang weird si John ngayon. Abot tainga ang ngiti.

********

Nakarating sila ni John sa Changi International Airport ng Singapore. Kinuha agad nila ang mga bagahe nila, sasakay na sana sila ng bus papuntang hotel na tutuluyan nila pero pinigilan niya ito.

“May iba pa bang pwedeng masakyan papunta sa hotel? Baka masuka ako ‘pag bus ang sasakyan natin, eh.”-sabi niya.

“Okay mag-MRT na lang tayo. Hindi ka naman siguro masusuka kung doon tayo sasakay ‘di ba?”-sabi nito. Tumango siya.

“O, sige. Halika na.”-sabi nito at kinuha ang bagahe niya.

Nilakad lang muna nila ang daan papuntang MRT. Nang makasakay sila ay napansin niyang walang anumang kable ng kuryente sa Singapore.

“John? bakit walang kable ng kuryente dito sa Singapore?”-tanong niya kay John.

“Wala silang energy resources. They just use natural gases to meet their energy needs. May fuel-generating plants din naman sila.”-sagot nito. Hanga talaga siya sa talino nito. Ang talas ng memorya.

“Ah, ganun ba.”

“Oo… dito na lang siguro tayo. Tara na baba na.”-sabi nito ng huminto ang tren. Sumunod naman siya.

Patingin-tingin ito sa paligid habang tinitingnan din ang mapang hawak nito. Nawawala ba sila?

“John? may problema ba?”-tanong niya rito.

“Wala. Naghahanap lang ako ng magandang makakainan. Gutom ka na ba? Kumain na muna tayo.”-sabi nito. At naglakad na naman sila at naghanap ng makakainan. Nakakita sila ng isang Mexican restaurant.

“Anong gusto mong kainin?”-tanong ni John sa kanya.

Tiningnan niya ang menu.

My gosh! Wala akong nalalamang pagkain dito.

Ibinaba niya ang menu.

“Ikaw na lang mag-order. Palamig na lang siguro.”-sabi niya rito. Ang init kasi.

“Okay.”-umorder ito. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito sa waitress.

Maya-maya ay naihanda na ang order nila. Pareho lang sila ng inorder ni John.

“Ano ‘to?”-tanong niya kay John. pati pagkain weirdo din, eh.

“It’s Guacamole. A Mexican food. Ubusin mo ‘yan.”-nakangiting sabi nito sa kanya.

Huh? Pagkain ba ‘to? Bakit parang may sili? Nakatikim na ba kayo nu’n? Palamig na may sili.

Tinikman niya ito.

In fairness, ah. Masarap.

“So, ano? Masarap ba?”-tanong nito.

“Oo, masarap naman pala kahit weird tingnan.”-sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.

“May mga pagkain talagang weird tingnan pero ‘pag natikman mo na ay napakasarap.”-sabi nito. Tama nga naman.

Nagring ang cellphone nito. Nag-excuse ito sa kanya at sinagot ang tawag. Kinausap nito ang nasa kabilang linya ng ibang lingwahe. Chinese ‘ata sa hinuha niya.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila ng restaurant. Naglakad ulit sila at pumunta na silang hotel na tinatawag na Fragrance Hotel –Emerald. Okay naman ang hotel. Pumasok sila doon. Nakipag-usap si John sa receptionist na naroon. At pagkatapos ay bumaling sa kanya.

“Halika na.”-sabi nito. Sumunod naman siya.

“Dito ang room natin.”-sabi nito. Habang binubuksan ang isang malaking kwarto.

“Natin?! Iisa ang kwarto natin?”-sabi niya.

“Yes. Mahal ang bayad sa hotel na ‘to ‘no kung mag-iisang room pa tayo.”-sabi nito sa kanya na tuluyan ng nakapasok. Binaba niya ang kanyang handbag sa sofa.

“At saka ‘wag kang mag-alala. Dalawa ang bedrooms dito.”-sabi nito. “pero iisa lang ang banyo.”-parang alam na alam nito ang lugar, ah.

“Have you been here, John?”-tanong niya rito.

“Yeah. Six months ago. Sinamahan ko si Kyra.

Kyra?!

Nainis siya sa babaeng ‘yon kahit ayaw niya.

Nagseselos ba siya?

“Ah, ganoon ba.”

“Kung gusto mong magpahinga. Matulog ka na muna. Aalis na muna ako. May ime-meet akong clients, eh.”-sabi nito.

“Huh?! Ba’t ngayon-ngayon na agad?”-tanong niya. Kararating pa lang nila, ah.

“’yon ang kailangan, eh. ‘wag kang mag-alala. Babalik agad ako. Kaya ikaw…”-lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mga balikat niya. “…matulog ka na, okay?”-dinala siya nito sa kwarto.

“Oo na. Matutulog na ako. May jetlag pa naman din ako.”-sabi niya at humarap dito. “Mag-iingat ka.”-sabi niya rito.

“Of course…”-sagot naman nito at hinalikan pa siya. Kahit anong pigil niya sa sarili ay gusto niyang tumugon sa mga halik nito. “Ikaw din mag-iingat ka dito.”-bilin nito sa kanya at lumabas na ng kwarto.

Pasalampak na inihiga niya ang kanyang katawan sa kama.

Bakit ba palagi niyang ginagawa ‘yon sa ‘kin? May asawa na siya. Pero bakit pinapa-ibig pa rin niya ako sa kanya?

Naluha siya sa isiping kahit anong sweetness na ipinapakita nito sa kanya ay may asawa pa rin ito. Hindi na dapat siya pumasok pa sa buhay ni John. Mas lalo lamang siyang masasaktan. Pero gusto niya pa ring makasama ito kaysa tuluyan itong mawala sa kanya.

Hay!  Sometimes, LOVE IS REALLY COMPLICATED!

A Heart-Shaped Love StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon