chapter 21

56 2 2
                                    

Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to.

dinagdagan ko ng POV ni Tyrone ..

'yung gwapong guy sa multimedia ay si Tyrone.

:)

:)

================================================>

JD’s POV

=======================

Maganda ang ambience ng restaurant kung saan sila naroroon. Very tranquil ang lugar. Pwede sa lahat na pumunta rito. Magkapamilya, magkasintahan o magkaibigan. Umorder sila ng pagkain. At pagkatapos kumain ay nagpasya ang ama ni Avery na mauuna ng umuwi. Nagpaiwan silang apat nina Sab, Avery at Bryle. Pumunta sila sa taas kung saan nandoon ang bar. Maingay dito nakakahilo ang mga ilaw. At isa pa ‘di siya sanay sa mga madidilim na lugar. Pero hindi na niya pinansin iyon. Kasama naman niya si Avery.

Nag-order sila ng Juice. Hindi naman din kasi sila pinayagan ng ama ni Avery na uminom ng kahit na anong alak.

Nagkwentuhan muna sila. Marami siyang nalamang mga kalokohan ni Sab nung bata pa ito mula kay Bryle. Masaya rin pala itong kausap. Pero ‘di pa rin niya gusto ang closeness ng dalawa.

Tiningnan niya ang relo niya. Pasado alas siyete na ng gabi. Ang daling lumipas ng oras kapag kasama itong mga taong ito.

Nilingon niya ang mga tao sa paligid. May iilang tao na ring nagsasayaw sa gitna ng bar. Inaya niya si Sab na sumayaw.

“Shall we dance?”-sabi niya kay Sab.

“Oh, sure. ‘di mo pa kaya ako naisasayaw kahit kalian.”-sabi ntio at pumwesto na sila sa dance floor.

Kumapit ito sa batok niya at siya naman  niyakap ang baywang nito. Napakalapit na ng mukha nila sa isa’t-isa. Nagpapalitan sila ng “I love you” at kung minsan humihirit pa siya rito. Hinahalikan niya ang ilong nito, ang noo, lalo na ang mga labi nito. ‘di siya magsasawang halikan ito.

Nag-ring ang celllphone niya ng hindi niya namamalayan.

“Nagri-ring ang cellphone mo.”-sabi ni Sab sa kanya.

“Ha?”-sino naman kaya ang tumawag sa kanya. Mahal ang tawag, nasa ibang bansa siya.

Kinuha niya ang cellphone niya at nakitang mama niya ang tumatawag.

“Sandali, Sab, ah? Sasagutin ko muna.”-sabi niya at lumabas ng Bar.

Sinagot niya ang tawag ng mama niya.

“Ma? Napatawag kayo?”-sabi niya.

“JD, anak, kamusta ka na jan?”-sabi ng mama niya.

“Ma, okay lang naman po, ako. Pero siguro naman po, ‘di kayo tumawag para kamustahin mo lang ako?”-sabi niya. Halata namang may ibang rason ito kung bakit ito tumawag.

“oo, anak, eh. Kalian ka ba uuwi.”-tanong ng mama niya.

“Ma, mga tatlong araw pa po kami dito, eh. May problema ba jan?”-sagot niya.

“Anak… kailangan mong umuwi agad. ‘wag kang magtatagal. Naghihintay ang daddy mo dito sa bahay. May sadya siya sa’yo.”-sabi ng mama niya.

“What?! Ma? Anong sadya niya sa’kin? At saka bakit siya pa mismo ang pumunta rito?  Nasa Korea siya ‘di ba?”-nagtatakang sabi niya. Madalang lang itong pumunta ng pilipinas. At minsan hindi siya ang sadya o ang mama niya. Madalas pumupunta ito sa pilipinas for business matters. Napakalaki ng galit nito sa mama niya at sa stepfather niya.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon