Nagising si Sab na parang komportable sa hinihigaan niya. Parang nasa sariling kwarto siya. But the scent of the room smells different. She squinted. Doon lamang niya napagtanto na wala siya sa sariling kwarto.
Ginala niya ang paningin sa kwarto. Malaki ang kwartong iyon at halos lahat ng gamit ay kulay asul. Tanging blinds lang din ang nakatakip sa bintana.
Ano ba nangyari sa kanya kagabi?
Bakit ‘di niya namalayang napunta na siya sa kwartong iyon?
Nagalaw ba siya? oh, no! Hindi pwede!
Tiningnan niya ang katawan na natatabunan ng makapal na kumot. Kumpleto naman ang saplot niya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala din namang weird siyang naramdaman. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya kung ano nangyari sa kanya.
Sinipat niya ang kanyang relo. 5:30am na.
Bumangon na siya at nilibot ang sarili sa kwartong iyon?
Ang weird, ah! Ang tanging naalala lamang niya ay nakatulog siya sa table niya. At napanginipan din niyang hinahalikan siya ni John!
Hay! Ang lalaking ‘yon. Ini-invade palagi ang isip ko. Pakiramdam ko tuloy mababaliw na ako.
Nakita niyang may kusina doon. May maliit itong mesa at may dalawang silya.
Nakita niyang may pintuan malapit sa banyo. Binuksan niya iyon. At nagulat siya ng makita ang opisina ni John.
So, ‘eto pala ang kwartong pinasukan niya kahapon. Hanep, ah. May secret room pa talaga. Parang confession room lang ng PBB.
Lumabas siya ng kwarto. Natigilan siya ng makita si John sa sofa. Natulog itong nakahalukipkip. Lumagpas na ang mga paa nito sa sofa.
Hindi nagkasya!
Naawa siya dito. Naguilty tuloy siya. Sana ay ito ang natulog sa kwarto nito sa halip na siya.
Nagpasya siyang pumasok ulit sa kwarto. Dumiretso siya sa kusina at tiningnan ang refrigerator. Namangha naman siya dahil punong-puno ang ref nito.
Nagluto siya ng almusal. Bacon at Hotdog ang niluto niya. Nagsaing narin siya ng kanin.
Mga six-ten ay natapos na niyang lutuin ang breakfast nila. Nakahanda na ang mesa. Kaya lumabas siya para tawagin si John.
Ganun pa rin ang ayos nito simula nung nakita niya ito kanina. Lumapit siya kay John na mahimbing na natutulog. Kakalabitin sana niya ito pero nagdesisyon siyang ‘wag muna. Tinitigan niya ito.
Ang cute nito kung matulog. Parang baby. Napangiti siya. Bigla niyang naalala ang mga moment nila noon ni John. Pero nagtaka lamang siya nang hindi siya makaramdam ng sakit sa kanyang puso. Hindi gaya ng dati na parang maiiyak siya kapag naaalala iyon.
Napabuntong-hininga siya. Siguro nakapag-move on na talaga siya.
Ginising niya si John.
“John… gising na.”-kinalabit niya ito. Nagising ito at tiningnan siya. muli itong pumikit.
“John… bangon na.”-gising niya ulit rito. Pero nagulat na lang siya ng bigla siya nitong hinatak at pumaibabaw siya rito.
“John… ano bang—.”-hindi na niya naipagpatuloy ang sinabi nang bigla siya nitong hinalikan. Nalanghap niya ang hininga nito.
Amoy colgate pa rin kahit bagong gising. Ang bango ng hininga. – sa isip niya. ‘di niya maintindihan ang sarili kung bakit tumugon siya sa mga halik nito. Para siyang mababaliw sa mga halik nito.
BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Teen FictionJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...
