JD’s POV
=========================================
Nilalagay ngayon ni Sab ang contact lenses sa mga mata niya pakiramdam niya ay maluluha siya pero wala du’n ang konsentrasyon niya. Ang lapit kasi ng mukha ni Sab sa mukha niya. Kaya namamasdan niya ang bawat angulo ng mukha nito.
Ang ganda mo talaga.
Gusto niya sanang sabihin iyon kay Sab. Pero wala siyang lakas ng loob.
“Okay na! Sanayin mo na lang muna sarili mo sa ganyan. Hintayin mo muna ako at magbibihis ako.”-sabi nito.
Pero hindi siya sumagot. Kunwaring nagdadamdam pa rin siya.
Umalis na ito. pagbalik nito ay nakapagbihis na ito at may dalang make-up.
Akala niya ay mi-make up-an nito ang sarili, pero nagulat na lang siya ng sabihin nitong mi-make up-an siya nito.
“Halika. Hindi naman natin kakapalan ang make up mo ‘no. konti lang para gumwapo ka sa Camera.”
Gumwapo?
Ako?
‘wag ka na ulit mag-ilusyon.
Sabi niya, para daw gumwapo ka sa camera.
Sa camera lang! Okay!
Pumayag na rin siyang make up-an ni Sab. Kung anong bagay ang pinapangguhit nito sa mata niya.
Ano na kaya hitsura ko. Simula kanina, di pa ko nakakaharap sa salamin.
“Okay. It’s done! Ang gwapo mo na.”-sabi nito. At ngumiti.
Oh, ayan na naman.
Wala nang “sa camera”.
“Ganito. Ikaw muna una kong kukuhanan ng pictures. tapos ikaw naman kumuha sa’kin. Okay? Sige start na tayo. Kahit one hour lang tayo ngayon.”-sabi na naman nito.
“Teka, sandali? Anong gagawin ko?”sabi ko. Talagang di ko alam ano ang gagawin ko. Bobo na kung bobo. At isa pa nahihiya siya kay Sab. Ito pa mismo ang nagpi-picture sa kanya.
“Kahit ano lang. ‘wag ka munang tumingin sa camera. Sa kabilang side ka tumingin.”-dikta nito sa kanya.
Tinuturuan muna siya nito kung paano niya gagawin ang pagpo-pose.
Hanggang sa hindi na siya naiilang.
Naka-ilang palit din siya ng damit at natapos rin ang pictorial.
“Okay, tama na’to. Oh, tingnan mo ang sarili mo.”-sabi nito at inabot sa kanya ang camera at tiningnan ang kuha nitong pictures sa kanya.
Nagulat siya.
Huh? Ako ba ‘to?
Binabaligtad-baligtad pa niya ang Camera.
“Ikaw talaga ‘yan…”-sabi nito sa kanya. Nakita siguro nito ang pag-aalinlangan niya.
“Sigurado ka?”-parang di parin ako makapaniwala.
“Ay… hindi…. Hindi…. Ako ‘yan.”pamimilosopo na naman nito.
“Oo na. Sige na ikaw naman kukunan ko.”-sabi ko na lang.
Dali-dali itong nagpose. At dali-dali rin niya itong kinunan ng litrato. Ilang minuto lang at natapos rin ang pictorial.
“Patingin.”-sabi nito sa kanya at lumapit sa kanya. Yung malapit na malapit talaga sa kanya.
At dahil siya ang may hawak ng camera. Nakahawak din ito sa kamay niya habang tinitingnan nito ang kuha niya.
Tinitigan niya ito habang patuloy pa rin ito sa pagcheck ng mga litrato.
Di ko muna siya liligawan baka mareject lang ako at masira pa ang mabuting samahan namin.
Sab’s POV
===============================
Hindi niya alam kung bakit siya kinikilig ngayon. Nakasandal siya ngayon sa dibdib nito habang tinitingnan ang mga pictures. Halos magkayakap na sila.
Gusto niyang lumayo rito pero gusto din niyang namnamin ang napakasarap na sandaling ito.
Naisip niyang tanungin ito.
“John, nagka-girlfriend ka na ba?”-sabi niya.
“Ha?”sabi nito. Nagulat yata sa tinanong niya.
“Ah. Wala. Nevermind. Tara pasok na tayo.”-sabi ko na lang.
Ano ba kasi iniisip mo at tinanong mo siya ng ganun?
JD’s POV
====================================
Nagulat siya sa tinanong ni Sab sa kanya. Hindi niya inaasahang tatanungin siya nito tungkol sa bagay na iyon. Kung nakabawi agad siya sa pagka-bigla ay sasagutin talaga niya ito ng “wala, pwedeng ikaw na lang”.
Sayang ang pagkakataon.
“Huy! John, halika na. mainit jan.”-sabi ni Sab sa kanya. Nasa loob na ito ng bahay.
Tumakbo siya papasok ng bahay nito.
“Magbibihis na muna ako Sab.”-sabi niya at umakyat na para magbihis. Nanghilamos na rin siya.
Nagpatulong na rin siya kay Sab na tanggalin ang contact lenses sa mga mata niya.
“Sab, aalis na ako, ah. Tanghali na kasi, eh.”-sabi ko.
“Ha? Dito kana mananghalian.”-sabi nito sa kanya.
“Naku, ‘wag na. sa susunod na lang. susunduin ko pa kapatid ko sa school.”-sabi niya.
“Huh? Wala namang pasok ngayon, ah.”-sabi nito.
Ay! Bolbi! Sabado nga pala ngayon.
“Ah, may piano lesson siya ‘pag Saturday, eh.”-pagsisinungaling niya.
“Ah, okay sige. Next week sa inyo na lang natin ieedit ‘tong mga pictures, ha.”-sabi na lamang nito.
“Okay, sige. Alis na’ko.”-sabi ko at lumabas na.
Hinatid pa niya ako sa labas.
“Bye! Ingat ka!”-sabi nito sa kanya.
Ngumiti ito at ngumiti rin siya.
“Sige ikaw din.”kumaway siya.
Pumara siya ng taxi at umuwi na.
BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Roman pour AdolescentsJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...