********
Wala pang alas siyete ng umaga ay nagising na si Sab. Pero namimigat ang ulo niya. Pumikit muna siya. Inaalala kung ano ang nangyari kahapon. Pero wala siyang maalala maliban na lang nung binuhat siya ni John at hiniga sa kama nito at nung kanantahan rin siya nito. Nilingon niya ang katabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog habang nakaharap ang mukha nito sa kanya. He’s has an angelic face, without his heavy eyeglasses. Napangiti siya. Bumangon na siya pero nahilo siya, kaya pabagsak siyang nahiga. Sakto namang nagising si John.
“Is there something wrong, Sab?”-tanong nito sa mahinang boses. Bumangon na rin ito.
“No, wala. Medyo nahilo lang ako.”-sagot niya at bumangon ng dahan-dahan.
“Hindi mo ba naalala ang nangyari kagabi?”-tanong nito sa kanya.
Huh?! Ano daw?! Anong nangyari kagabi?!
Nalilito pa rin siya.
Tiningnan niya ang sarili niya.
No! bakit iba na ang damit ko?!
Nakasuot siya ng malaking polo. Pero naka jeans pa rin siya.
“Anong nangyari kagabi?! Pinagsamantalahan mo ba ‘ko?!”-pasigaw na sabi niya rito. Nanlaki naman ang mata nito. Mukhang nagising sa sinabi niya.
“’wag mong sabihin ‘yan, Sab. Kahit magkatabi tayong natulog may respeto pa rin ako sa’yo. And gusto mo bang ipaalala ko sa’yo ang nangyari kagabi?”-sagot nito. Mukhang hindi naman ito na-offend sa sinabi niya.
“I’m sorry. Ano ba kasing nagyari kagabi?”-tanong na naman niya.
“Nagdedeliryo ka kagabi. Ang taas ng lagnat mo. Basang-basa ka nga ng pawis, eh. Kaya pinabihisan kita kay mama. At ako na nagpakain sa’yo kagabi at nagpainum sayo ng gamot. Naalala mo na ba?”-sabi naman nito. Pero wala talaga siyang maalala.
“Eh, sandali? Si kuya baka nag-alala na sa’kin ‘yun.”-sabi niya at akmang kukunin ang cellphone niya na nakalagay sa tokador.
“You don’t have to inform him. Alam niyang nandito ka. Tumawag siya kahapon sa cellphone mo pinasagot ko kay mama.”-paliwanag nito. She felt relieve. Mabuti na lang. akala ko naman dadakdakan na naman ako ni kuya.
Napansin niyang magkahawak-kamay pa rin sila ni John. Bumitiw siya. Pero ‘di siya hinayaan ni John.
“Bakit?”-nagtatakang tanong niya.
“Naalala mo ang deal natin kahapon?”-sabi nito sa kanya.
Deal? Anong deal ba ‘yun?
“Ano ba ‘yun?”-tanong ulit niya.
“’yung deal. Na ‘pag sinunod ko ang sinabi mo sasagutin mo na ako.”-he said and smirks.
“Ha? Ano naman ang pinagawa ko sa’yo?”
“’eto naman, oh. Nagkakaila pa. ‘yung deal na ‘pag kinantahan kita sasagutin mo na’ko.”
Ha? Siya ba ang kumakanta sa panaginip ko kanina? Totoo ba talaga ‘yun?
“Ginawa mo talaga ‘yun?”
“Oo naman! So, will you be my girl?”
“If I say ‘yes’, what will you promise me?.”
“I promise you will be my only one. Hindi ako titingin sa iba. And kung makakaya ko ‘di kita paiiyakin, ‘di kita sasaktan. I’ll be a good boyfriend. Hindi ako magtatago ng sikreto ko sa’yo. I’ll take good care of you. Pero sana ganu’n ka rin sa’kin.”-madamdaming sabi nito.
Natouch siya sa sinabi nito. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. There was a glow in his eyes.
“Kung ganun. Sinsasagot na kita. Basta ‘wag mo kakalimutan ang promise mo sa’kin, ah! At gagawin ko rin ang promise ko.”-sabi niya.
“Really?! Yes!”-ang saya-saya nito. Napapasuntok pa ito sa ere. Ang OA.
Bigla itong tumigil at tumingin sa kanya at lumapit sa kanyang mukha at akmang hahalikan siya. pero pinigilan niya ito.
“Oy, oy, oy. Kakasagot ko pa lang sa’yo. Kiss na agad sa lips? No way. Baka umabuso ka.”-sabi niya. Halos maduling na siya sa lapit ng distansya ng mukha ni John sa mukha niya.
He just smiled. And kiss her on her forehead.
“I love you Sab. Do you love me too?”-malambing na sabi nito sa kanya.
“tinatanong pa ba ‘yan? Sinagot na nga kita ‘di ba, kaya ibig sabihin nu’n “MAHAL KITA”.”-sagot naman niya.
“Thank you, Sab. Mahal na mahal kita. Walang iwanan, ha?”-sabi ni John sa kanya. At niyakap siya. na-touch naman siya sa sinabi nito.
Niyakap din niya ito.
“I love you, John. Walang iwanan.”-sabi niya na parang maluluha na siya.
BINABASA MO ANG
A Heart-Shaped Love Story
Teen FictionJohn was Sab's first boyfriend. They love each other so much. even though minsan naiinis siya sa pananamit nito. few months... their relationship was perfect. pero paano kung may malaman siyang isang katotohanan na makapagpapayanig ng mundo niya. th...
