chapter 26

34 1 0
                                    

Several years later…

Nasa bahay ngayon si Sab ng bff niyang si Avery. Dalawang taon na silang graduate nito. Pero sa tagal na panahong iyon ang isang lokang bff nila na si Kim ay ‘di pa rin nagpaparamdam sa kanila. Nagkaayos na rin sila ng kuya niya. At ikinasal na rin ito sa sister-in-law niyang si ate Cannandra. May isang anak na rin ang mga ito. nagkaayos sila ng kuya niya dahil humingi ito ng tawad sa kanya. Hindi naman siya ma-pride na tao kaya pinatawad niya na ito. sinabi rin nito sa kanyang hindi totoong anak ng taong sumira sa kanilang pamilya si John. Stepfather lamang ito ni John. And speaking of John… medyo nakapagmove-on na siya kay John. ‘medyo’ ibig sabihin hindi pa totally recovered ang puso niya sa kasawian. But okay naman na siya hindi na siya umiiyak kung naaalala niya ito. nanghihinayang lang. pero wala na nga ito sa kanya. Wala na siyang magagawa.

“Hoy! Tinatanong kita… ano ba?”-pukaw nito sa pag-iisip niya.

“Ah, ha? Ano ba tanong mo?”-tanong niya rito. Abala ito sa pagtitipa sa laptop nito. She is a writer. Noong magti-third year na kasi sila ay nagshift ito ng kursong Journalism. Kumuha rin siya ng Journalism.

“Loka ka talaga ‘te ‘no? kanina pa ako nagsasalita rito habang ikaw nakapangalumbaba ka dyan na parang timang. Hay ewan ko sa’yo. ‘di ka pa talaga nakaget-over kay John.”-sabi nito sa kanya.

“tsshh! ‘wag na nga natin siyang pag-usapan. Ano nga ‘yung tinatanong mo?”

“Tinatanong ko kung pwede kong gawan ng happy ending ang story niyo ni John?”-seryosong sabi nito. Tiningnan niya ang laptop nito.

Tsshh! Nagoonline shop lang pala. Akala ko kung ano na sinusulat.

“You mean gagawan mo kami ng storya ni John? As in ‘yong story talaga namin?”     

“Oo nga. Simula nung first meeting niyo and until nung naghiwalay kayo. Ako na bahala kung paano kayo magkakaroon ng happy ending.”

‘di niya alam kung bigla itong naisipang magsulat. Wala pa naman silang trabaho ni Avery. Wala rin silang plano na maghanap ng trabaho. Pero siya kailangan niya iyon ngayon. Kahit anong trabaho. Para kasi may maidahilan siya sa kuya niya kung bakit siya nananatili pa sa pilipinas. Nakatira kasi ito ngayon sa Korea kasama ang mag-ina nito.

“Okay. Ikaw bahala. Pero Avery, tulungan mo naman akong maghanap ng trabaho, oh? Kahit anong makita mong trabaho. Marami naman dyan sa internet.”

“Bakit ka pa maghahanap ng trabaho?”

“Basta… hanapan mo na ‘ko, please!”

Kinulit niya talaga ito.

“Oo na sandali…”-sabi naman nito at nag-open ng isang site.

JD’s POV

==================

“I need a new secretary as soon as possible…”utos niya sa isa sa mga empleyado niya na gumagawa ng mga interviews para rin sa mga bagong  ipapasok na employees sa kompanya niya.

He sighed. Naiinis siya dahil nagresign ang kapapasok lang din na secretary niya. Dahil umuwi ito ng probinsya at ikakasal na. Sumasakit ang ulo niya kapag nakikita niya ang mga paper works na nasa mesa niya. Kung may secretarya lamang siya ay ipinagkatiwala na sana niya ito doon. Pero wala. Wala rin siyang masasama papuntang Singapore para sa business meeting niya sa ibang mga kliyente next week.

He did not want to manage the SWAIN IMAGE PRODUCTS. Lalo na’t sa Pilipinas ito. He never wanted to come back again. Sayang-saya na siya sa Korea. Dahil nakakalimot na siya. Pero wala siyang magagawa dahil ipinamana na sa kanya ng daddy niya ang kompanya.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon