chapter 11

102 2 2
                                    

JD’s POV

===================================

Nakahiga siya ngayon sa kama niya.  Wala siyang planong matulog. Iniisip niya ang nangyari kanina.

Ano kaya ang pakiramdam ko kung maging kami?

Imposible ‘yun,  ang duwag-duwag mo nga,eh! At saka hindi ka naman niya siguro tayp.

Pero sinabi niya sa’kin kanina na ang gwapo ‘ko.

Sa picture lang ‘yun ! bobo!  Ibang-aba ka sa picture at sa personal.

Kinakausap niya ang sarili nang may nagtext sa kanya. Tinatamad na kinuha niya iyon sa tokador habang nakahiga pa rin.

Tiningnan niya ang cellphone niya kung sino ang nagtext.

Nagulat siya ng makita ang nakaregister sa cellphone niya.

Sab.

Napabalikwas siya bigla at kinakabahang in-open niya ang message nito.

|John ? Have u eaten?|

My goodness! Para siyang lumilipad sa langit. Nag-aalala ito sa kanya.

‘di niya alam kung oo o hindi ang ite-text niya. Matagal bago siya naka-reply sa message nito.

|hindi pa,eh.| reply niya.

Kinakabahan siya at ‘di makapaghintay sa reply nito.

May nagtext ulit.

From: Sab

|Y? kumain ka na. malilipasan ka niyan|

Abot tainga ang ngiti niya habang binabasa ang message nito. Concern din pala ito sa kanya.

|ok lng. Di pa nmn ako gngutom.| reply niya.

|ganun? Ang tibay siguro ng tyan mo ‘no?| si Sab.

|talaga!| reply niya.

Halos maghapon silang nagte-text ni Sab.

Pakiramdam niya ay mas lalong lumalalim ang pagsasama nila.

Sab’s POV

=====================================

Kinikilig pa rin siya habang paulit-ulit na binabasa ang mga text ni John.

Bakit kaya? Hindi halata ‘no?

Nakahiga pa rin siya sa kanyang kama. Tiningnan niya ang wall clock.

5:50pm na pala.

Nagdesisyon siyang bumaba na at magluto ng hapunan. Baka kasi umuwi ng maaga ang kuya niya.

Inspired siyang nagluto. Pakanta-kanta pa siya habang naggigisa ng mga rekados. Hindi niya alam kung bakit ganun siya kasaya. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Hindi niya namamalayang napapangiti na siya.

“Ang saya mo ‘ata ngayon, ah.”-nagulat siya ng biglang may nagsalita. Ang kuya niyang nakasandal sa pintuan ng kusina.

“Kuya?!  Kanina ka pa ba ‘dyan?!”-sabi niya ng makabawi na sa pagkagulat.

^O_O^

“oh, bakit parang gulat na gulat ka diyan? Kadarating ko lang.”-sabi nito at umupo sa silya.

“Kuya. Magbihis ka muna. Hindi pa naman luto ‘tong hapunan natin.”-sabi niya. Habang nagpapatuloy sa pagluluto.

Kakainis!!  Panira talaga ‘tong si kuya, oh!!! Hay!!!

“Okay. Balik agad ako.”-sabi nito at umakyat na sa kwarto nito.

Ilang minuto lang ay naluto na ang kanilang hapunan at kumain na sila. Magkatapat silang kumain ng kuya niya.

Habang kumakain sila ay nagtanong ito sa lovelife niya.

“May boyfriend ka na ba Sabrine?”- kuya niya.

“Hah??! !Ah, naku, kuya wala pa ‘no. Hahaha.”-sagot niya. Hindi makatingin ng diretso sa kuya niya.

Pero bakit nga ba?

“Are you sure? Ba’t wala pa? Ang ganda-ganda ng kapatid ko, walang lumiligaw? Imposible.”-kuya niya.

“Ang ibig mong sabihin kuya, pwede na akong magka-boyfriend?!”-tuwang-tuwang sabi niya.

“Kanina ka pa, ha. Ang lakas ng boses mo magkatapat lang tayo.”-kuya niya.

“Ayy. Sorry, kuya.”-sabi na lang niya.

“But, of course. Why not? Seventeen ka na.  Pero dapat magsubmit sila sa’kin ng bio-data o resume.”-biro nito.

“Kuya naman, eh.”

“Hahaha. Sa tono mo parang may manliligaw ka, ah. At saka, ‘eto tandaan mo, ah. Bago mo sagutin ang manliligaw mo, dapat ipakilala mo muna siya sa’kin. Para makilala at makilatis ko nang makasigurado akong nasa mabuti kang kamay.”-sabi nito. Alam niyang seryoso ito sa mga sinasabi. Simula pa kasi noon ay talagang napaka-overprotective ng kuya niya sa kanya.

“Kuya. Thank you, ha. Simula nung bata pa tayo ikaw na tumayong mama at papa natin. At saka di mo ko pinapabayaan.”- tumabi siya dito at niyakap ang kuya niya. “At malulungkot ako sobra ‘pag iniwan mo na ako. Kuya ‘wag ka muna mag-asawa. Please----”-sinabi niya sa gitna ng hikbi niya. Sa susunod na dalawang buwan kasi ay ikakasal na ito.

“Ano ka ba? Kahit na mag-asawa na ‘ko, dito pa rin ako titira. At saka hindi kita iiwan hangga’t ‘di ka pa settled.”-sabi nito sa kanya habang hinahagod ang likod niya. “kaya ‘wag ka ng umiyak, okay? Ang OA mo. Tapusin mo na yung hapunan mo. Nagda-drama ka na naman.”

“Hehe. Papasa na akong artista kuya?”-biro niya.

“Papasa. Malalamangan mo pa si Seo Woo.”-sakay nito sa biro niya. Ang tinutukoy nito ay isang Korean Actress.

Maya-maya lang ay natapos na silang kumain. Nagprisinta ang kuya niyang maghugas ng pinggan. Siya naman ay nagpatiuna na sa kanyang kwarto.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon