chapter 13

49 1 0
                                    

Sab’s POV

==================================================

Lunes at magkikita na naman ulit sila ni John. ‘di niya alam kung ano ang magiging reksyon niya kung magkakaharap sila. Nakakainis din nitong mga nakaraang araw ‘di siya makatulog ng maayos kakaisip kay John. Kung paano niya ito sasagutin. At kung kalian.

Andito na siya ngayon sa room nila. Andoon na rin si John sa upuan nito. Ngumiti ito sa kanya at ngumiti rin siya ng kay tamis-tamis dito.

Good Morning!”-bati nito sa kanya.

Good Morning din!”-bati din niya. ‘di niya mapigilan ang sariling ngumiti. Kinikilig siya. Pero parang naiinis din siya dahil parang okay lang ito. Walang pagbabago. What I mean is parang wala man lang nangyayaring ligawan.

Ganito ba siya manligaw ?

Bahala na muna. Itatanong ko na lang sa kanya mamaya. Ipapakita niya dito ang sulat.

*****

Sa Kiosk.

Magkatapat sila ni John ngayon. Seryosong-seryoso itong nagbabasa, habang siya ay hindi mapalagay sa kinauupuan niya. Humahanap siya ng tamang tiempo, kaklaruhin niya talaga kung nanliligaw ito sa kanya.

My Gosh! Kinakabahan ako!

Ahheeem !!!”-tumikhim siya. umangat naman ang mukha nito at tumingin sa kanya. Tumaas ang kilay nito na para bagang nagtatanong.

John? Ano, kwan, kasi ano…”-di niya alam kung paano niya sisimulan.

Ano ba naman ‘to! Parang ako ang nanliligaw. ‘di ko keri ‘to ‘te!

Icheer niyo naman ako. Aja! Fighting! Go girl! Have a happy period! HAHA.

Ano bang gusto mong sabihin, Sab?”-tanong nito sa kanya.

Ahmm. Nanlilgaw kabskin?”-mabilis na tanong niya na ‘di na maintindihan.

Ha? Pakiulit nung tanong mo. Lag ka, eh.”-sabi nito sa kanya. Naguluhan talaga sa sinabi niya.

Ay! Ano ba naman ‘to ‘di agad magets!

Ahem. Nan-li-li-gaw-ka-ba-sa-kin?”-sabi niya at dinahan-dahanan ang pagsasalita.

Tumingin siya kay John. Mukhang nagulat ito sa tanong niya.

Mukhang nanliligaw nga siya. Natulala, eh.

ano na?”-nakangiting sabi niya.

Ako? Nanliligaw sa’yo? Paano mo naman nasabi iyon?”-sabi nito na nakapawi sa ngiti niya. Pakiramdam niya ay maiiyak siya. galit na galit siya lalo na sa sarili niya.

Bakit mo pa kasi tinanong. Tingnan mo, nasaktan ka lang. You expect too much.

Pero para saan ‘yung sulat? Niloloko lang ba niya ‘ko.

Ouch! It really hurts.

Kung ganun niloloko mo lang pala ko? ganun ba ‘yun? John akala ko iba ka. I trusted you!!”-kinuha niya ang sulat sa bag niya. “Ayan!! Isaksak mo ‘yan sa bunganga mo!! B*TCH!!”- galit na sabi niya dito.

‘di siya makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Gusto niyang umiyak pero ‘di niya alam kung bakit walang lumalabas na luha sa mga mata niya. Nagdesisyon siyang umakyat sa rooftop ng eskwelahan.

A Heart-Shaped Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon