Chapter 3

213 50 0
                                    

Danger

Binuklat ko aking mga mata at ako'y nabigla dahil nasa ospital ako. Una kong itanong sa sarili ko. Bakit ako nandito at ano ang nangyari?

Napakamot ako sa aking ulo. Hindi ko maaring tanggalin ang nakalagay na oxygen sa aking ilong pati na rin ang dextrose sa kamay ko.

Nakahiga lang ako at pilit na inisip ang mga nangyari kahapon ngunit nabigo ako para alalahanin yun.

Biglang bumukas ang pintuan. Isang nurse ang nakita ko na may dalang pagkain.

"Ma'am here is your breakfast" isang nurse ang nag-anyaya sakin ng munting almusal

"Why i 'am here? At sino naman nagdala sa akin sa ospital na ito?" tanong ko sa isang nurse,

"Ah Ma'am. Dinala po kayo nung lalaking naka-dekotse sa kadahilanang nahihirapan kayong huminga. Binayaran niya naman po lahat ng ginastos niyo dito. Subalit hindi ko po nakilala ang lalaking nagdala sainyo rito, bigla po kasi siyang umalis. Kung malasin ka nga naman, ngayon pa po eh Mam!" Napakamot siya ng ulo.

" At saka nga po pala, heto na ang bag niyo. Siya po ang nagdala niyan."pahabol niyang sambit.

"Ahhh ganoon ba? Pakisabi salamat kamo sapagkat sinalba niya ang buhay ko. Ahh. Hindi pala natin siya kilala. Sorry. Thank you sa hangin! " Shungang nurse yun ah! Hindi niya man lang inalam kung sino ang lalaking nagligtas sakin? At ang tanga ko din 'no? Bakit ko pakikisuyuan ang nurse na 'yun eh, hindi daw niya kilala.

Inaabot sa'kin ng nurse ang breakfast ko. Umalis na rin siya kaagad sa piling ko. Ayoko ng tao ngayon bukod sa akin.

Inilapag ko ito sa ibabaw ng table ko kasi wala akong ganang kumain ng almusal. Ano ba kasi ang iniisip ko? Kainis! Hindi na tuloy ma-process sa utak ko ang nangyari! Buti na lang hindi ako narape ng lalaking 'yun kundi baka maaga ako naging ina.

" Kamusta na ang kalagayan mo? Jusko kang bata ka! Sabi ni Kikay, natagpuan ka daw niyang nakahandusay sa damuhan at pilit na na naghahabol ng hininga. Yung totoo? "Nagulat ako dahil biglang sumugod si Kuya Mateo. Mateo kasi idol niya si Kim Soo Hyun na gumanap sa My love from the stars. Pero ang totoo niyang pangalan ay Robert. I just call him on his own name.

" Ano? Ang sabi kasi ng nurse may lalaki daw na naghatid sa akin sa emergency room. Nakadekotse pa nga raw. " I rolled my eyes because of the false information of my cousin.

" Hays. Oo! Ako yun. Nakita mong nakadekotse ako. At hinatid ko na si Kikay sa kanila. Your problem is you dont know how to approach peoples around you. Try to mingle with your friends! Palagi kang nagiisa. Kaurat ka!" Sinapok niya ang noo ko.

" Hays. Opo. My gorgeous cousin." Pilyo kong sagot.

" Tigil-tigilan mo nga ako. Masasampal kita ng wala sa oras. O siya. Alis na ako. May night duty pa ako sa office. Goodbye." Bineso niya ako at nagmadali siyang lumabas.

........

Narrator

Tanging yung kwintas lang ang makakapagpatunay na naging magkaibigan sina Matthew at si Jiillian. Dahil bago paman din umalis si Matthew papuntang U.S ay may iniwan siya kay Jillian. Patunay na pang habambuhay ang kanila pagkakaibigan.

Jillian:

Binuksan ko yung aking korean bag. May nakita akong isang maikling note, hindi ko tiyak kung anong ibig sabihin nito pero may pahiwatig ang tadhana na kami ay pagtatagpuin ng isang 'to.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon