Chapter 60

81 6 0
                                    

Dapat siya nalang

Bumuhos ang napakalakas na ulan. Nasira ang gown ko nang dahil sa panduduro ng mga fans ni Matthew. Sobra akong nadisappointed! Dapat pala hindi na lang ako pumunta ng night party na yun gayong alam kong mapapahiya lang ako ng husto.

Grabe ha, music festival iyun. Why they would act like a famous? Why they would gain more fans? Music festival lang yun bakit naging banda na? Huwag mong sabihin na hinikayat sila ng mga teachers nila para gawin iyon! Sobra na yata ang standard ng kayabangan ni Matthew.

Humikbi akong naglalakad sa may gilid ng kalsada. Patuloy parin ang pagbuhos ng ulan. Walang katila-tila. Naupo ako sa gilid at ipinatong sa braso ang ulo ko. Hindi ko maisip na bakit biglang nagbago ang pagtingin sa akin ni Matthew? Bawal na bang umibig sa kaibigan? Kahit naman sa teleserye ang matanda at dalaga ay nagpakasal. Bakit yung magkapatid ay magsyota na? Kahit bawal ipagpipilitin kong maging pwede. Kahit ayaw, pipilitin kong mapapayag.

Sobrang sama ng tadhana. Napakasama! Bakit, ayaw niya akong maging syota? Dahil ba sa kagagaling ko lang sa leukemia? Ganon ba yun?! Napakadesperada ko naman yata! Nagpapakabaliw ako sa taong matino! Matthew, kung pinagtakpan mo lang ako sa gitna ng kahihiyan malamang napatawad pa kita. Ano bang mayron kay Shane? Bakit iyon ang first crush and first love niya?

Ako ang tumutulong sa kanya sa kabila ng paghihirap niya sa babaeng iyon. Ginusto niya, ginusto ba siya? Oo, gwapo siya pero napakagago!
Bakit? Ilang beses ko nang itinanong sa sarili ko kung bakit ayaw niya sa akin? Ano bang nagawa ko?

" Jillian! Fuck!" Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kotse niya at pinayungan ako.

" Bakit ka nandito? Hindi ba dapat nasa apartment ka at nagpapahinga?" Umusog ako ng bahagya at lumingon sa tagiliran ko

" Ayokong nakikita kang nahihirapan at umiiyak tapos sasabayan pa ng pagbuhos ng ulan. Ayokong sinasaktan ka ni Matthew! Gusto ko kapag nasaktan ka, masasaktan din ako! Dapat palaging patas ang mundo. Ang unfair mo, Jillian! Dapat pinagbigyan mo ako noon. Kung ako sana ang minahal mo, hindi ka na nahihirapan pa." Tinignan ko siya at humikbi-hikbi

" What should i do, Yohjin?! Magkadarapa sa'yo? Mahalin ka higit sa lahat? Ikaw lang ang mundo ko at sa'yo lang iikot? Yohjin, kung gusto mo ng malapelikulang storya, bakit hindi ka magartista? Huwag mong ituon ang sarili mo sa akin dahil hindi kita gusto at mas lalong mahal." Mariin kong iyon na sinabi at tumakbo palayo sa kanya.

" Jillian! Huwag kang ganyan. Jillian, bumalik ka dito. Huwag kang tumakbo malapit dyan. " nabibingi ako sa sinasabi niya. Hindi ko malaman kong epekto ba ito ng kahibangan ko o ang katotohanang masakit tanggapin.

" Jillian! " takbo lang ako ng takbo. Hahayaan ko siyang maghabol sa akin. Palagi na lang ako naghahabol tapos mapapagod ako. Pinapagod ko lamang ang sarili ko

" Here's the umbrella." Nabunggo ko ang isang lalaking nakacup. Nasa ilalim ako ng payong. Nakayuko ako kaya hindi ko siya gaanong makita atsaka madilim sa kalsada ngayon

" No, thanks." Paalis na sana ako kasi bigla niyang hinila ang braso ko pabalik

" Don't make me crazy, Jillian. Hindi ka ba napapagod? Ilang beses ba? Andyan si Yohjin, pinsan ko iyan at mahal na mahal ka. Oo, sinadya kong ipahiya ka. Ayoko kasi sa'yo! Sapat na ang magkaibigan tayo. Magkaibigan lang." Mas lalong kumirot ang puso ko dahil sa mga sinabi niya

" So, ganon, ganon nalang ba yun? Hindi mo ako pagbibigyan sa gusto ko! Mali nga itong ginagawa ko pero sa paningin ko, tama ito, Matthew! Tama! Handa kong ipaglaban ang pagibig ko sa'yo. Mahal na nga kasi kita." Narinig ko ang pagwala ng hininga niya sa ilong. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit napakahard niya. Ang hirap niyang kuhanin. Ang tindi magbiro ng tadhana. He wants to play with me.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon