Chapter 15

80 35 0
                                    

The Gangster Life

Mahirap palang sumali sa fraternity/Sorority. Buhay ang kapalit upang makaligtas. Lubhang mapanganib ang kanilang buhay dito. Tanging lakas at tiwala sa sarili ang susi para mabuhay ka. At dito rin magiging miserable ang buhay ni Cielo na dating kay sagana na papalitan ng magulo at malungkot na karanasan. Siya pa naman ang itinanghal na lider ng mga kasamahan niya. Magiging mahirap na goal sa buhay niya siguro ito dahil unang beses niya itong sinubukan sa buong buhay niya.

Ilang minuto na akong naghihintay sa dalawang iyon. At sandali kong nasulyupan si Cielo na naglalakad kasama ang mga kasamahan nito sa fraternity. Ang laki ng pinagbago ni Cielo ngayon. Dating weird na ngayon ay bad boy na daw.


" Sino bang tinutukoy ni Yaya Rina na kagalitan ng ano niya? Umm, sino nga ba ulit yun?!"

" Sir Sanchez!" Napatalon ako sa gulat nang kinatok ni Althea ang bintana.

" Sandali lang kayo diyan ah." Bumaba ako sa may kotse at hinabol sila Cielo na hindi pa masyadong nakakalayo.

" Puta! Napagod ako sa kakahabol sa'yo." Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.

" Haha. Okay lang. Ikaw na ngayon ang naghahabol."

Lumukot ang mukha ko.

" Tara na mga pare.." inaya niya na ang mga bago niyang kaibigan.

" Bwiset ang araw na ito! " padabog akong sumakay sa kotse at seryosong nagmaneho.

" Sir? Ano po bang problema niyo?" Tinignan ko siya ng masama " Wala kana don!" Bumalik ang atensyon ko sa pagmamaneho.

" Wala kana po bang mga kaibigan ngayon?" Sabi ni Althea sa likod.

Hindi ako umimik. May punto si Althea. Unti-unti ng nawawala ang mga kaibigan ko. Bakit ako maapektuhan e hindi naman na sila importante sa akin? Makita ko lang na masaya si Jillian at si Shane ay masaya nadin ako.

" Ikaw? Rina?! Magkwento ka naman ng tungkol sa buhay mo. "

" Ummm. Maaga pong namatay ang Mama ko dahil pinapatay siya ng sarili kong ama. Ang sabi ni kuya Yumiko, nagpapanggap lang daw na may sakit si Papa pero hindi ako naniniwala. Kahit may galit kami kay Papa, naging mabait pa kami sa kanya. Ayokong dumihan ang pagkatao niya. Sir? Hindi niyo po maaring malaman ang tungkol sa buhay ko. Sapat na ang kinuwento ko sainyo."

Matagal na rin nangungulila sa pamilya si Yaya Rina. Nalaman ko rin na may malalang karamdaman ang kanyang ama. Naawa tuloy ako sa Papa ni Yaya Rina. Pakiramdam ko si Papa yun. Sana buhay pa siya ngayon.

Sabi nga ni Yaya Rina mabuhay daw sa pansarili lamang kasi ang mga mga tao ngayon, masyadong mapagpanggap. Wala na silang alam kundi ang magyabang at maging palalo. Kapag naman nanalo ako sa badminton ay isang malaking karangalan na yun sa aming paaralan. At ang mga kalaban namin sa kompitisyon ay gagawa ng paraan para makaganti if ever man na matalo sila sa laro. Nope, Hindi ako papayag don! Ano yun? Talunan? Pfft.. mga bad ass talaga!

Sila James siguro ay may kinalaman sa buhay ni Yumiko. Eh, sabi ni Yumiko, sumali din siya sa Fraternity.

Nauna na akong bumaba sa kotse ko at tumakbo papunta sa kwarto ni Yaya Rina'p.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon