Chapter 49

50 16 0
                                    

Crying out loud

" Ano ba, Shiro? Hindi pa nga kami naguusap ni Matthew." Pumiglas ako sa pagkakahila sa akin ni Shiro.

" Ate, alam mong malaki ang naging kasalanan natin sa pamilya nila. Do you think they forgive us? Magisip ka naman ate, hindi ka na bata para itrato si Matthew na parang iba sa kakaiba. Sa madaling salita, huwag munang gustusin pa si Matthew. Hindi ka niya mahal at iyon ang masakit na katotohanan. Itinuring ka nga lang niya ng bestfriend." Naluha ako sa hindi malamang dahilan. Siguro nga naapektuhan lang ako sa sinabi ni Shiro dahil totoo ang mga iyon.

" Bakit ganon ang pakikitungo niya sa akin? Bakit niya ako sinasagip sa tuwing nasa nadidisgrasya ako? Bakit siya nagpanggap na ibang tao sa paningin ng dating nakakakilala sa kanya? Bakit hanggang bestfriend lang? Bakit--"

" Dahil lahat ay may dahilan, ate! Ayaw ka niyang mapahamak kaya ka niya nililigtas. Nagpanggap siyang iba sa paningin natin kasi ayaw niya ng balikan kung ano man ang nakaraan sa inyo. Dahil bestfriend ka niya. Bestfriend ka lang!" Dinuro-duro niya ako sa noo at inirapan ako bago dumako sa kotse ko

" So, despite of all my thoughts it's just an expectation only. Yun ang masakit don, yung inakala ko ang lahat ay magiging maganda ang bunga pero ano? Napunta at nauwi sa wala. Ang sakit, Shiro! Don't you ever feel what's on my heart?! Sobrang sakit, Shiro! Naging bestfriend lang ako. Bestfriend!" Hibang na yata ako kasi kung ano-ano ng sinasabi ko kay Shiro

" Magseatbelt ka! " bulyaw niyang utos sa akin

Dumadagsa ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na mapigilang maiyak. Gusto kong gayahin ang batang umiiyak ng malakas. Gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

" Sabing, magseatbelt ka." Hininto niya saglit ang kotse niya at sinakbit sa balikat ko ang seatbelt.

" Dont cry. Masyado kang mapagaksaya ng luha. Igugol mo ang oras mo sa studies mo. Magpakasaya ka habang may natitira pang kasiyahan sa buhay mo." Tapos tinuloy niya ulit ang pagmamaneho niya. Si Shiro. Si Shuyler Roderick Montefalco ang pinakagusto at favorite one ni Daddy. Paano naman hindi magiging paborito eh, saksakan ng pagkasipsip kay Daddy! Lahat yata ng babae nahooked niya na! At isa pa, secret admirer ni Monica itong si Shiro!

Marami naring pinaasang babae sa Japan si Shiro. Mukha ngang hindi Japanese itong kapatid ko na ito. Simple lang kung i-dedescribe si Shiro. Gwapo, matangos ang ilong, manipis ang labi, matingkad ang buhok, color brown ang kilay at sobrang puti ng balat. Kahit sa Pinas ay maraming nagpapapicture sa kanyang kababaihan maging mga bading ay ganon sa kanya.

Parang artista kung pumorma ang katropa niya. Kung ihahalintulad mo siya sa isang perfect guy marahil ay kasama na siya don. Base lang iyon sa nakikita ko sa kanya. Daig pa ang babae kung makapaglinis ng sariling katawan.

" Hoy! Baba!" Tumunog ang kotse niya at bumaba na sa kotse niya.

" Oo na!" Mariin kong tugon.

" Anak, saan ba kayo nanggaling?" Alalang tanong ni Mommy sa amin.

" Nanood kami ni ate sa sinehan. Tapos natraffic sa kalsada kaya late na po kaming nakauwi." Tumitig sa akin si Shiro at umakyat na sa taas.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon