Chapter 58

78 18 0
                                    

Complete family

" Matthew? " tawag ni Brian sa akin.

" Oh? Bakit?" Kunot kong tanong sa kanya.

" Ang dami mo nang dinalang kaibigan na babae pero ni isa sa kanila ay wala ka man lang pinakilala sa amin." Sambit niya habang tinatanaw ang kabuuan ng room ko.

" Eh. Wala pa akong panahon sa pagibig. Pagibig sa pamilya, sa Diyos at sa kaibigan, mayron." sabay baling ko sa nilalaro kong PSP.

" Atsaka, wala siya rito. Nasa malayong lugar. Feeling ko nga ay long distant relationship kami. Kapag naman niligawan at naging kami ay may posibilidad na magbreak kami dahil sa hindi n'yo sa matatanggap."

Natahimik siya sa mga sinabi ko. Baka sa isip niya ay gulong-gulo siya para alamin iyon. Totoo naman, kapag naging kami ni Marina ay matatanggap ba siya ng pamilya ko? Iyon ang kahinaan ko! Hindi ko siya kayang ipaglaban. Mahirap sila at mayaman kami. Not was totally in rich but ito ang maididescribe ko sa kung anong estado ang mayroon kami.

Naging masaya at masagana ang buhay ko kahit walang pagdiriwang. Hindi ako nagkamali na dadating din sa buhay natin ang kaswertehan. Matuto kasi tayong lumaban sa kahit ano pang pagsubok na dumaan. As of now, nakapagtapos na ako first school year. 2nd year na ako sa college kaya ginugol ko na ang panahon para lang antayin ang inaasam na makapagtapos ng pagaaral.

Ang parents ko ay proud na proud sa 'kin kasi ang inakala nila hindi ako 'yung taong walang pursige sa pagaaral. Doon sila nagkakamali. Inspirasyon ko si Baby Sapphire isang munting sanggol na hindi naman malaki pero kaya kong maipagmalaki. Madalas ang tingin ng ibang tao sa mga maagang nagiging parents eh, malalantong at walang hiya. At hindi ako affected sa mga sinasabi nila cause im not the real father of Sapphire.

Proud akong natapos ko na ang mga problema ko. Sa ngayon ay nasa pangangalaga namin si Sapphire. Pinagtatakpan ko pa ang pagkakamali ng pinsan kong si Yohjin. Takot maging batang ama. Siguro kapag ready na siyang panindigan ang pagiging batang ama niya ay kukuhanin niya na sa'min si Sapphire.

Iniwan ko muna ang barkada simula nang nakapagbago ako ng ugali. Pinayagan naman ako ng mga kaibigan ko na iwanan sila pansamantala. Mas unahin ko daw ang family ko kaysa sa kanila. Alam kasi nila na may anak na ako. Si Cielo Kang na ang bagong assistant ni James. Assistant na lang siya ngayon dahil nabreakdown daw siya dahil sa war. Nasa ospital si Cielo at kasalukuyang nagpapaggaling. Sinuportahan ko naman ang bestfriend ko sa kagustuhan niya kahit bugok niyon.

Pero mamimiss ko talaga ang moments na yun at ang pagsali nila sa banda kasi sila ang nagbigay sa 'kin ng lakas ng loob para maging isang palaban na tao. Iyong hindi ako tinatapak-tapakan ng kahit na sinumang tao sa paligid ko. Dahil sa kanila natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Dahil sa kanila, natutunan ko kung paano tumanggap ng pagkakamali at maging isang palakaibigan na tao. Sila ang nagdala sa 'kin sa kasamaan ngunit dinala naman nila ako sa maayos na kalagayan. Mamiss ko talaga ang bandang iyon. Hinihiling ko na sana maging matatag ang kanilang samahan at hindi sila magwatak watak.

Si Jillian na matalik kong kaibigan simula noon hanggang ngayon magkaibigan pa din kami. Sa kabila ng alitan namin humantong naman sa maayos na pagbabati. To be honest, ayokong mafall sa kanya. May kasunduan kami ni Yohjin at ayokong masira ang tiwala niya sa 'kin. Ayokong mahulog ang kalooban ko nang dahil inlove ako sa kanya. Pinigilan ko iyon sapagkat hindi ko nais na ibigin ang kaibigan ko. Mahal ko siya as my friend at alam ko naman na ma-frfriendzone lang ako.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon