Chapter 39

56 19 0
                                    

Death of Shane

Alas dyes na ng gabi ako nakauwi. Maghapon kasi akong nagbantay sa operating room para sa panganganak ni Shane.

Doon ako sa condo unit ko. Nahiga ako sa kama ko at naiyak.

Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako nasasaktan ng sobra sobra. Kung bakit ako naiyak sa harapan ni Shane? Dati-rati naman ay kahit mangiyak siya sa harapan ko, magalit siya o anupaman na emosyon ang nararamdaman niya. Wala akong pakialam kasi ganon ako kamanhid pagdating sa kanya. Ngayon, napagtanto ko na hindi na siya kailanman gigising.

"Shane, Bakit ganoon? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nahihirapan ka na pala? Gising na! Hindi ba, gusto mo pang makita ang anak niyo ni Stewart? Siguradong matutuwa ka kapag nakita mong bitbit nila ang napakaganda mong anak na wala namang ibang pinagmanahan kundi ikaw. Gising na."

"Hindi ba nangako ka sa amin na magiging matapang ka? Ilalabas mo si baby ng safe? Marami pa tayo plano na gustong tuparin. Please, huwag ka naman agad sumuko oh?! Kahit na noon eh, pinagtatabuyan kita. Nandon padin ang feelings ko. Matagal kitang hinangaan kaya hindi basta basta mawawala kaagad iyon. Masamang tao na ba ako sayo non? Shane naman. Pinagsisisihan ko na iyon. Tama nga ang sinabi nila. Ang lahat ng pagsisisi ay laging nasa huli."

Nagpaflashback sa akin ang huling message na sinabi ko sa kanya.

"Hanggang sa huli na lang ang pagiyak ko. Hanggang sa huli na lang ang pagkikita at pagyakap ko sayo. Hanggang sa huli na lang ang final glance mo sa baby mo. Lahat ng iyan ay puro nasa huli na lang."

"Shane, salamat sa lahat ng masasayang alaala. Salamat dahil ligtas mong ipinanganak si baby. Salamat dahil binigyan mo siya ng time para mabuhay sa mundong ito. Salamat dahil naging part ka ng buhay ko. Wala mang forever atleast dadalhin ko yun sa mga ala-ala ko.

Kahit isang malamig na bangkay na si Shane, hindi ako nagdalawang isip para lapitan at dramahan siya. Niyakap ko siya kahit amoy bangkay pa siya. Wala akong pakialam kung mabaho na siya. Ganoon ko siya kamahal. Kahit nagbreak na kami noon.. may ipagmamalaki naman ako. Ayun ay naging matagal ang relasyon namin na umabot ng four years. May pinagsamahan, parehong kinilig, may palaging away sa pagitan naming dalawa pero nagkakabati naman kami agad.

I thought na si Shane na ang the best ex-girfriend and best mother of our family pero hindi pala, isa lang pala itong malaking akala. Pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa kong kasalanan sayo Shane. Hindi ko kasi maipapangako sayo at sa mga magulang mo na magiging mabuti akong kaibigan sayo. Hindi ko kasi kayang tumayo bilang tatay-tatayan ng anak mo habang ikaw ay namamahinga na.

Ang totoo kasi, hindi ko kayang alagaan si baby ng wala ka. Kailangan kita Shane. Oo, aminin kong napakasalbahe kong lalaki pero sa ngayon, binababa ko ang pride ko dahil sa kailangan.

Phone Ringing

Kinuha ko yon at sinagot.

"Kasalanan mo ito Matthew! Isang pakiusap lang naman ang hinihingi namin. Ayaw mo pang pagbigyan. Simpleng pakiusap. Ngayon, nagsisisi ka dahil wala na ang babaeng dapat kasama mong magaalaga kay baby. Lahat iyon ay napako nang dahil sayo Matthew!" lumapit sa akin si Mrs. Jhanna ang mommy ni Shane. Hinayaan ko lang siya na saktan ko. All i ever need is acceptance. Wala na akong magagawa.

"Oo, gago ako dahil sa mga babaeng manloloko. Bakit? kasalanan ko bang maging gwapo? Hindi naman kasi lahat ng lalaki sa mundo ay manloloko. Sometimes, nauuto ka lang sa pagibig nilang mapam-uto. Hindi din naman ako paasa! Sadyang lapitin lang ako ng mga babae dahil mabilis sila maturn-on sa kagwapuhan ko."

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon