Chapter 13

74 36 0
                                    

Seems like it's harder than difficult

" Pre? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala. Ano? May nakita ka bang tae sa c.r? " kinalabit ako ni Joshua at pinakopya niya ako ng sagot niya.

" Wala pre. Salamat sa pinahiram mong sagot." Kinuha ko ang ballpen ko sa bulsa at minadaling sinagutan ang mga sagot ni Joshua.

" Dismissal na ng klase. See you tommorow night." Niligpit ni Mrs Lim ang mga gamit niya at nagsipagtayuan na kami para sa paguwi.

Uwian na namin. Woah! Kay bilis ng oras parang ayoko nang matapos yung araw na ito.

" Brad. Mauna na ako ahh. May pasok pa kasi ako eh. Alam muna, working student."

Takte. Ayoko muna palang umuwi. Ayoko din naman pumunta kala Jillian. Maiistorbo ko siya, dapat nga nandon ako para alagaan siya. Dapat hindi ko siya hinahayaan magkasakit. Ako ang nahihirapan eh. Ayokong pumunta sa kanila. I know her Dad is very strickted baka mapagalitan pa siya nito. Bakit ang laki ng galit sa akin ni Tito? Ano bang kasalanan ko? Hindi dapat ako nagaalala nang husto kay Jillian. She's not my girlfriend! Walang kami

Sa mahabang pagjojogging. Natanaw ko yung memorial park. Ang daming bumisita sa mga napayapang tao do'n. Bigla namang lumukot ang mukha ko sa sabrang lungkot.

Ayokong pagmasdan ako ni Dad na malungkot. Dapat strong ako sa mga pinagdadaanan ko lalo na kay Dad. Pumunta ako sa puntod ni Dad at binigyan ito ng palumpon ng bulaklak.

Jonathan Primo Trinidad
Born: December 1, 1988
Died:January 24, 1999
You may now rest in peace. We love you

Hinaplos ko ang puntod ni Dad. Dad, sorry sa lahat ng ginawa ko. I know this is all my fault. Hindi ko naman ginusto ang nangyari eh! Dad mahal na mahal ka namin ni Alexine. Lagi kitang naalala Dad. Sana hindi ka nalang nagkasakit. Because of malignant cancer your died. Kung pwede lang sana ibalik yung nakaraan gagawin ko ang lahat para ibalik o iligtas ka Dad pero hindi na mangyayari yun!" matinding pighati ang naramdaman ko mula nong makita ko ang tatay ko na nasa puntod at isa ng bangkay na 'di na muling mabubuhay.

Lalong napalakas yung iyak ko. Ito ba yung sinasabing lider-lideran ng SSG? Iyakin? Im not the real leader. Si Cielo ang nirecruit nila upang makasama sa patiran. Si James ang pinakaboss, i've forgot. May pusong mamon naman ako huh. Isa lang talaga ang kahinaan ko ay si Dad. Si Dad na always caring at deserving Dad all over the world.

" Hoy Matthew! Hinto na nga hays!"sinuntok ko ang dibdib ko para naman mawala ang kapirangot na aking dinaramdam. Dito lang ako sa puntod na ito.

Cielo's text messages

"Pre. wala tayong pasok buong linggo dahil daw may seminar mga teacher wow. Yes! "

Hindi ko nireplayan yung text sa akin ni Cielo at bakit pa nga ba? Para san pa? Hays! Buti nalang at walang pasok para makapagpahinga si Jillian. Syempre may sakit eh. Eh bakit pala ako concern do'n? Sapat na ang nakilala ko ang ex-bestfriend ko.

Nandoon lang ako sa puntod ni Dad. Maghapon akong nagstay. I won't let him go. Sa sobrang emosyonal ko nakaramdam ako ng gutom kaya naglibot nalang ako sa memorial na ito upang makalanghap ng malamig na simoy ng hangin.

Tinatamad din akong pumunta sa restaurant kasi ayokong maiwanan si Dad nang magisa. Nangako ako sa kanya na lagi ko siyang dadalawin. Sandali akong huminto sa may nitso ng isang babae.

" Hijo? " may tumawag na isang lalaki na hindi ko naman kilala kaya napulunok ako nang madiin.

Luh? Lalaki ako pero bakit natatakot ako? Feeling ko malalaglag ang puso ko sa sobrang kaba.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon