Chapter 35

51 21 0
                                    

Dad's anger at me

"Hindi ba sinabi ko sayo Matthew. Huwag na huwag kang magpapadala sa akit ng babaeng iyon. Ayun daw si Shane, sobrang taas ng lagnat. Dinala nila sa private hospital para masuri ang lagay niya. Ano bang pumasok dyan sa kokute mo at napadala ka sa kakatihan ng ano mo!" pumunta ako sa may opisina ni Dad dahil may nakarating na balita kay Dad about kay Shane na matindi ang kanyang nararamdaman.

" Dad! Walang may gustong mangyari ang bagay na yun. Teka Brian, Bakit nagagalit kayo ngayon sa akin? Diba nung isang araw lang, you help me to move on. Tapos ngayon para kang lion kong magalit"

"Bastos!" Sinampal ako ni Dad ng malakas.

"Iyan ang dapat sayo Matthew. Sinampal kita para matauhan ka sa sarili mo. Alam mo ba sa tuwing gumagawa ka ng katarantaduhan ako ang unang naapektuhan. Sa akin, unang bumabagsak ang kahihiyan! Alam mo ba yun! Ha!" hinagis niya ang mga papel sa harapan ko.

"Hindi mo pwedeng iwanan si Shane. Panagutan mo ang bata. Panindigan mo ang responsibilidad mong bilang asawa at ama sa magiging pamilya mo. Nangyari na eh. Hindi naman natin maibabalik sa dati ang nakaraan. Umalis ka muna sa harapan ko Matthew! Get out to my office right now!" Sinuntok niya ang dibdib ko at kinaladkad palabas ng opisina niya

"Bakit ganoon!? Parehas silang magulang ko ay pinagtatabuyan ako. Imbes na damayan nila ako sa dinadala kong problema. Mas priyoridad pa nila ang kapakanan ni Shane at nung baby. Ano ba itong pinasok kong gulo. How many times should i tell them that baby doesnt mine! Kung sa akin man yan, matagal na akong tumakas sa pamilya nila.

Pati si Jillian, nilalayuan ako kasi nandidiri siya sa akin. Ako na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo!

Argh! Ayokong gampanan ang papel ko bilang ama ng batang iyon at asawa ni Shane! Nasisiraan ba ng bait si Brian?! Bakit kailangan humantong sa ganito!? Bakit!?

"Jusko! Matthew. Huwag kang magwala dito. Wala ka sa bahay para magakto na bata." hinawakan ni Mom ang magkabilang pisngi ko

"Mom, Kakampi ba kita o kaaway!? Lahat na ng tao na nagmamahal sa akin ay unti unti nang lumalayo sa piling ko. Wala na bang taong kayang umunawa sakin kundi ang sarili ko!? Galit ako sa sarili ko. Galit na galit!?" humagulgol ako ng iyak

" Shh, Tahan na! Kaya nasa bad mood ang Daddy mo kasi ayaw niya ang ginawa mo. Walang magulang na gustuhing nasa peligro  ang kanilang anak. Gusto lang namin na mapaayos ka. Kaya ka pinagalitan ng Daddy mo ay dahil gusto niyang iwasto ang pagkakamali mo. Forgive us if we was inadequate in tending to your needs. Andito ako para damayan ka sa bigat ng iyong problema. Trust me!" Niyakap niya ako at hinahaplos ang aking likod.

"Yeah your right mom. Salamat dahil nandito ka para damayan at samahan ako upang ayusin ang problema ko. Sa lahat ng mistaken na ginawa mo kay Daddy, galit na galit ako ngayon tapos ikaw pa ang kusang lumapit para tulungan ako"

"Walang ina ang kayang tiisin ang anak. Kapag nasasaktan ka, mas double ang bigat na nararamdaman ko. Ayokong mailagay ka sa peligro, Matthew. Tama na itong kadramahan. Umuwi na tayo hah."

Umakbay ako kay Mommy. Hindi ko lubos akalain na siya ang tagapagtanggol ko sa mga taong inaayawan ako. Atleast, kahit isa mayroon paring nagmamahal sa akin. Hindi mo kailangan halungkatin ang nakaraan ng isang tao, ang importante ay ang kabutihan na pinapamalas niya ngayon.

" Sana mommy hindi na magalit sa akin si Brian. Ayokong may tampuhan kami. Kahit hindi ko siya totoong ama ay binigay niya naman ang mga pangangailangan ko. " tulala kong sinabi ang hinanakit ko kay Brian habang ngumunguya ng chips

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon