Chapter 41

47 17 0
                                    

She is mine

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko nung isang gabi na nasa dyaryo. Isang balita na gumambala sa puso ko. Parang pinisil ang puso ko sa sobrang sakit. Daddy pa talaga ni Jillian ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng trauma at nagka-amnesia. Bakit? Ano ba ang nagawa ko para ganituhin nila ako?

Tinarantando ako ng ex-girlfriend ko na si Shane tapos ginago naman akong ex-girlbestfriend ko. Ah ano pa?! Lahat sila puro past na sa buhay ko. Naging parte ng buhay ko subalit hindi sila nagtagal sa buhay ko. Halos lahat sila iniwan ako. Iniwan, iniwan!

I need to go in their house. Kailangan kong makausap ang babae na iyon. Oo, ngayon babae na lang ang tawag ko sa kanya at ayokong tawagin siya sa pangalan niya. Too shameless of herself.

"Knock, knock" dire-diretso lang ako sa may gate nila at padabog na kumatok. Wala na akong pakialam kung may magalit man sa akin. Ayoko sa lahat ang pinaghihintay ako.

"Hoy hijo, kung makakatok ka naman sa pintuan namin wagas! At bakit? Ano bang kailangan mo? At kung may problema ka man samin aba'y sabihin mo na ngayon!" bumungad naman sakin ang pangit na aura ng mommy ni Jillian.

"Syempre may kailangan ako. Pumunta ako dito para sabihin sainyo na ang kapal ng pagmumukha niyo! Huh, Hindi mo ba alam o sadyang tanga ka lang talaga?!" binara ko ang mga salitang iyon sa mommy ni Jillian.

"Aba hijo! Konting respeto naman sakin. Hindi mo alam kung sino binabangga mo!" nakapamewang na nagrereklamo sa akin ang mommy ni Jillian.

"Sa mukha niyo palang kasi, hindi na kagalang-kagalang. Respeto ba kamo? Bakit?! Ni kutiting na respeto ba ay binigyan niyo ako, huh? Tapos kayo, irerespeto ko! Wow, magaling. Magaling talaga ang pamilyang Montefalco!" Tinabig ko ang balikat niya at biglang pumasok sa loob ng bahay nila.

"Hmp, Ang bango ng kabuuan ng bahay ngunit mababaho naman ang ugali ng mga naninirahan!" Hinihila ako ng mommy ni Jillian palabas ng bahay.

"Hoy hijo! kapag ikaw hindi umalis sa bahay namin. Tatawag ako ng pulis at kakasuhan ka ng tresspasing" humagalpak ako ng tawa sa sahig.

"Ano? Kakasuhan mo ako? Edi ipablutter mo ako. Susunod naman ng kukunin ang asawa niyo. Hayan nga ang hinihintay ko. Sige, tumawag ka ng pulis at ipadampot mo ako. Alam mo ba Mrs Montefalco, mas nauna na ako. Kinasuhan ko na rin kayo sa salang hit and run! Inakasuhan ko kayong hit and run.

"Ano bang pinagsasabi mo?" napahawak siya sa may baba niya at pakunwari'y nagtago ng ngiti.

"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong asawa? Malaki ang naitulong ko sa pamilyang ito lalong-lalo na sa anak niyong Jillian! Pinagamot namin siya sa ibang bansa para mabilis ang paggaling niya at makauwi sa Pilipinas ng ligtas. Ayaw niya kayong magaalala at ayaw niya din kayo magbayad ng malaking halaga sa hospital. Tapos ano? Ang dahilan ng pagkatrauma at muntikan ng pagkamatay ko ay walang iba kundi ang daddy niya din! How dare him is! Nasa bingit ako ng kamatayan! Muntikan na akong mamatay! Huwag mong sabihin na hindi mo iyon sinasadya?

"Ngayon, sasabihin ko na kung ano ang dahilan ko kung bakit ako narito! Kakausapin ko lang si Jillian at malaya na akong makakaalis." Halatang gulat na gulat si Mrs, Montefalco dahil narin sa mga binitawan kong salita laban sa kanya.

"Matthew, Tara nga dito." hinila ako ni Jillian palabas ng bahay nila.

"Alam ko na iyon. Sana naman nagiwan ka man lang ng message sakin sa messenger o di kaya-"

"Fuck!" Ginulo ko ang buhok ko." Alam mo ang ugali ko Jillian. Kapag nagalit ako walang sinuman ang dapat humarang sa dadaanan ko. Jillian, My god! Ang laki ng naitulong namin sayo tapos isa sa miyembro pa ng pamilya mo ang gumawa sa akin ng ganoon. Bakit!? Ano bang dahilan ng daddy mo at bakit niya nagawang patayin ako? Naiingit ba siya?" tinigil ko na ang sasabihin ni Jillian

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon