Chapter 40

56 17 0
                                    

Daddy's Mistaken

Pinatawag ako ng isang mamang pulis upang imbestigahan ang nangyaring aksidente sa United States noong March 17,1998. Dahil mayroon daw isa sa miyembro ng pamilya namin ang nakakaalam at nandoon siya mismo nung nangyari ang insidente. At sino naman sa pamilya namin ang makakaalam non? Eh, wala nga kaming kinalaman sa isyu na iyan. Hmp, Bahala na.., sagutin ko na lang ng tapat ang lahat ng itatanong sakin ng mamang pulis na kasalukuyang nakaupo sa kanyang office chair.

"Hija, Kaya kita pinapunta rito dahil may nais lang akong itanong sayo. Ito ay about sa incident na nangyari sa pamilyang Sanchez. I wish i got an insensible answer from you."  Kalmado siyang nakatingin sa mukha ko at kinuha ang mga larawan sa kanyang mesa at isa-isa niya pinaexamine sa mga mata ko iyon.

"Kilala mo ba ang taong ito?" Tinuro niya ang litrato na hawak ko.

Hindi ako makakibo. Hindi ko rin magawang titigan ng maayos ang picture na yun. Gusto kong umalis sa kinauupuan ko subalit hindi ko pa nasasagot ang katanungan ng mamang pulis.

"Hija, Ayos ka lang ba? Kilala mo ba iyang tao na nasa larawan na hawak mo?" Paspas akong umiling at nilingon yung mamang pulis.

"O-opo, Si-siya k-kasi ang Daddy ko." Kinutingting ko yung mga daliri ko at nanlalamig ang tumatagaktak kong pawis. Hindi ko kayang magsalita sa pulis na kaharap ko ngayon. Naguguluhan na ako masyado.

"Alam mo bang siya ang pinaghihinalaan namin na suspek sa paghit-and-run kay Mr Matthew Sanchez? Malakas ang kutob namin na siya ang may kagagawan niyan sa likod ng trahedyang naganap. Dapat nga eh, tinulungan pa ng daddy mo ang victim. Hindi yung, binunggo pa niya ang biktima. Nagfile kasi ng case ang biktima sa amin. Kahapon lang ito. Dahil nasa Pilipinas ang suspek, magbigay alam ka lang sa amin kung nasan ang address niya."

"At ayon sa salaysay niya at base rin doon sa footage ng Cctv. Walang pinagkaiba. Parehong-pareho ang sinalaysay na reklamo samin ni Mr.Sanchez pati narin nong pinangangahawakan namin na ebidensiya laban sa kaniya. Huwag kayong magalala. Kakausapin lang namin ng harapan ang Daddy mo. If ever man na may time kang sabihin sa kaniya. Pakisabihan mo na iniimbitahan namin siya sa prisinto."

Tumango na lamang ako at nanginginig na tumayo sa monoblock chair. I can't act a normal. Sobrang kinakabahan na ako.

Pinilit kong intindihin ang lahat ng nangyari kanina. Nakahawak ako sa baba ko nang muling isipin ang nangyari. Meaning to say, malaki ang naging kasalanan ng pamilya ko sa pamilya ni Matthew?! Hindi maari ito! After what all happened. Ganon, ganoon na lang ba yun? Pagkatapos nila akong tulungan, magwaldas ng malaking halaga ng pera. Ganoon na lang ba ang magiging kabayaran non? Hindi ko matanggap! Kahit sarili kong kadugo si Papa. Galit na galit ako sa kanya! I need to talk to Dad right now!

Hindi pwede sakin niyon. Bakit ako? Ilang beses ko na siyang pinagpasensiyahan sa ganyan niyang ugali. Ni minsan nga hindi niya ako tinanong kong ayos lang ba kalagayan ko o kaya naman sabihin niya sa akin ng harapan ang salitang 'mahal' Ang sakit lang kasi, hindi na nga niya masabi sakin na mahal niya ako tapos hindi padin niya kayang gawin ng kusang loob. Para sakin ah, hindi siya deserving na Daddy. He is the most hatred Daddy that I have now!

Lahat ng hinanakit ko sa kanya hindi ko yun kayang isumbat dahil wala akong karapatan. Ano lang ba niya ako, isa lang naman akong hamak na anak. Sa paningin niya, isang basurang hindi na kayang irecycle. Ayokong pagsalitaan si daddy ng masasakit na salita kasi mas sobra pa sa sobra ang pagmamahal ko sa kanya.

Kahit hindi ako manghingi ng kahit anupamang bagay. Ang mahalaga kasama ko siya. Buo ang pamilya namin. Bakit ganoon? Ang layo-layo ng loob niya sakin? Sa tuwing nakikita niya ako, ang init-init ng dugo niya sakin. Para tuloy akong ampon lang. Ayokong isipin niyon dahil alam kong wala naman akong motibo para patunayan niyon.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon