Chapter 25

73 28 0
                                    

Spg

First Meeting

" Nandito na tayo. Nakakatawa ka pala kapag nangiinis. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa'yo Jillian. Asset mo pala ang mangakit. " nakabusangos lang ako. Kahit anong gawin kong pangtataboy at pabibigay ng malulutong na mura sa kanya ay nags-stay padin siya sa ugali kong ganito.

" Hindi ako bababa! " nginiwian ko siya.

" Hindi din ako bababa! " Ginagaya niya ba ako?

" Hangga't di ka bumababa, hindi din ako bababa. " Tskk! Hays! Ginulo ko ang buhok kong maghapon ng sabog.

" Sabi nila, kapag mahal mo daw ang isang tao. Handa mong sabayan ang trip niya. I know your just hungry. Tara kain nalang natin yan. " tatanggalin niya sana ang seatbelt ko kasi kaso tinabig ko ang kamay niya " Ako na. "

" Paano mo nahulaang gutom ako? " utas kong sambit.

" Sa pagiging bad mood mo. " ngumisi na naman siyang nakakaloka.

" Tsk! " bi-nack hug niya ako

" Bitawan mo nga ako! Bwiset naman! Ayokong niyayakap ako. Nandidiri ako sa'yo! Ew. "

Kahit ano pang pandidiri ang gawin mo. Mamahalin kita kahit ano ka pa.

" Mga linyahan niyong mga lalaki! Patunayan mo bago mo sabihin. Tsk! Hindi kita gusto. Ayoko sa'yo Stewart. Ayoko! " Tinulak ko siya sa kalsada

" Gusto kita eh. Pinapatunayan ko naman sa'yong mahal kita eh. " naging malungkot ang mukha niya na kanina ay masaya.

2 months ago

Hays. Sa wakas at nakaraos din ako sa chemotherapy na 'yun at syempre lubos akong nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa'kin lalo na kay Sir Brian! Kapag may nagkaroon na ako ng magandang trabaho ay papangako ko na babayaran ko din siya sa tamang panahon.

Kamusta na kaya si Matthew? Ay lintek! Sinabi ng parents niya na kalimutan ko na raw siya kabayaran sa mga naitulong sa akin ng magasawang Sanchez. Sa ngayon wala pa akong maibabayad kaya susundin ko na lang sila.

I'm really sorry Matthew. Bigla namang tumulo ang luha ko sa di inaasahang pangyayari.

Hays! Matthew naman eh! Pinapaiyak mo ako eh! Pagkatapos mo akong tulungan sa mga nangaapi sa akin at ito lamang ang igaganti ko. Ikaw lang naman ang taong tumulong sa akin nung mga nagdaang araw. At ikaw lang ang the one and last bestfriend ko! Kumuha ako ng tissue sa aking bag at dahan-dahan ko itong pinunasan.

Nadala ako ng emosyon ah. Ay takte! Saan na nga ba ako pupunta? Ay, Naalala ko na! Sa may departure area ng airport.

Isang itim na kotse ang pumarada sa may gilid ng kalsada. Hindi ko ito pinansin bagkus lumayo pa ako. Nag-abang ako ng taxi sa may bungad. Jusko! Ang tagal naman yata. Hays! Nakakabadtrip! Kalaunan ay pinapadyak ko na ang dalawa kong paa sa sobrang yamot.

" HAHAHA! Buti nga sayo! Napakamalas mo naman Miss! Have a bad luck day! HAHAHA!" atsaka pinaandar na nung driver ang kotse nang matulin.

Hoy! Bwiset kang driver ka! Ano raw?! Malas ako? Hindi kaya! Ang lakas ng tama non ah. Kaya ba siya huminto sa may harapan ko para mangyamot tsk! Akala ko kaya siya huminto at pumarada sa may gilid para isakay ako. Ang hirap kaya mag abang ng taxi dito kasi taglamig na.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon