Chapter 44

57 16 1
                                    

Selos with matching hurt

"Bessy! Tara, sumama ka doon. May kaguluhan kasi sa bandang doon, makipagchismisan tayo bess." hinila ako ni Monica papunta sa nagkakaguluhang tao roon.

Nang makita namin ang nasa paligid parang may kung anong kumurot sa puso ko. Ang sakit lang kasi yung taong gusto mo napunta na sa iba. Ibang tao din ang nagpapasaya sa kanya. Dapat umamin na lang ako nung una, para kahit papaano nasabi ko kay Joe ang totoo kung nararamdaman sa kanya.

Wala na, huli na ang lahat. Wala na akong pwedeng gawin kundi ang suportahan siya sa kanyang kagustuhan. Ang sakit, sobrang sakit. Kung pwede lang sana burahin ang feelings matagal ko nang ginawa. Ang hirap kalimutan. Bakit Joe ang hirap mong kalimutan? Bakit ikaw pa ang napili kong magugustuhan sa bawat pagkakataon?

Gusto kong umalis sa lugar na iyon. Kung saan kabadong nagsasalita sa ibabaw ng stage si Joe tapos sinopresa yung babae na abot tainga ang ngiti. Iyong nilagyan pa ni Joe ng sobra-sobrang effort. Ganoon na ba niya gusto yung babae? Ganoon niya na ba kamahal yung babae? Mabuti pa siya binibigyan ni Joe ng pagmamahal samantalang pagdating sakin ay wala ng kwenta ang masking kapiranggot na pagmamahal!

Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin ang salitang "Mahal kita" pero hindi na pwede kasi huling-huli na ang lahat. Dapat hindi ko na lang siya pinagtabuyan. Dapat hindi ko siya pinagdirian. Lahat ng ito ay pinagsisihan ko.

Tuloy lang sa pagtulo ang luha ko na bumabagsak sa sahig. Walang hinto sa pagluha ang aking mga mata. Sobrang sakit, parang hinataw ng malaking pagkadismaya ang puso ko. Hindi ko maipasok ang sarili ko sa reyalidad na wala ng Joe na malambing, madaldal, papansin, protective, kalog at lalong-lalo na ultimate crush ko siya.

Hindi ko rin matanggap na ayaw na sakin ni Matthew. Gusto ko lang na umiyak. Ang huling iyak na magpapagaan ng pakiramdam ko. Gusto kong kausapin si Matthew para ikuwento ang tungkol dito. Gusto kong sabihin ang lahat ng nararamdaman ko ngayon at wala naman nga pala akong karapatan pa! May sama siya ng loob sa akin. Paano ko sasabihin ang kwento kong mas madrama pa sa MMK? Paano naman iyong nararamdaman ko? Hindi niya ba ako maiintindihan?

Nang matapos na silang magligawan sa harapan ko. Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan si Matthew. Hinatak ko siya papuntang bakanteng room. Iyong kaming dalawa lang ang tao sa loob.

"Baliw ka na ba? O sadyang tanga ka lang?" binitawan niya ako sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Oo, baliw na ako Matthew. Nababaliw na ako kasi ayokong mawala ka pa sakin. Natatakot akong iwanan mo ako kagaya noon" tumulo nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na! Wala akong mapagkwentuhan nitong nararamdaman ko!

"Ngayon, titigan mo ako ng maigi sa aking maamong mata! Gusto kong malaman na mayroon ko pang pagtingin sakin kahit konti." hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan siya ng seryoso.

"Pwede ba? Kahit makipagtitigan ka sakin ng buong magdamag. Hinding-hindi na babalik ang pagmamahal ko sayo bilang kaibigan!" tinanggal niya ang kamay ko sa mukha niya.

"Hindi na kasi ikaw ang taong muling magpapasaya sa likod ng kalungkutan ko. Hindi na ikaw ang pakpak ko para muling makalipad at makaahon sa kahirapan. Hindi na ikaw ang dahilan ng bawat pagngiti ko." ramdam ko sa mga mata pa lang niya na hindi na talaga niya ako mahal. At ang nakakalungkot lang, kasi hindi na raw ako ang dahilan ng pagtawa niya kundi ibang babae na mas worth pa sakin.

"Matthew, Please? Huwag mo akong iwanan na magisa. Samahan mo ako. Ayoko! Bawiin mo lahat ng sinabi mo. Hindi totoo iyan. Hindi ba, hindi? Nagsisinungaling ka lang? Tignan mo yung dalawang nagmamahal doon? Hindi ba, pare-parehas nilang pinaparanas sa akin yung sakit? Hindi ba?" Pahabol kong hinawakan ang dalawa niyang kamay.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon