Chapter 57

53 16 0
                                    

A promise

" Start!" Nagpito na ang couch namin saka hampas ko ng raketa sa kabilang panig.

" Go, Matthew!" Nakita ko ang mga kaklase ko na todo sa pagwagayway ng banner sa bleacher.

Tapos na kasi ang labanan ng ibang manlalaro. Volleyball na ang sunod. Pangalawa nga kami sa huli eh,

Nakakailang points na ako pero hindi parin humahabol ang opponent ko. Wala yatang balak humabol sa pagtalo sa akin. Muli na namang pumito ang couch namin. At alam ko ay bantay yun sa laro. Pero yung trainor namin sa badminton ay nagpipito din.

58 points ang nakuha ko. Bale, double points each win. Woah, ang saya! Napakasaya! Palagi akong panalo. Kahit na may mas magaling pa sa akin ay natatalo ko parin sila. Ewan ko, baka sanay lang talaga ako maglaro ng badminton.

" Matthew, ang galing mo!" Sabay apir ni Cielo sa akin. Tagaktak ako sa pawis dahil kakatapos ko lang maglaro ng badminton

" Matthew, iaanounce na ang winner sa Linggo. Kailangan nandito ka para maiabot sa'yo ang trophy mo. Congrats!" Nakipagtoss ako kay couch.

Pumunta ako sa locker ko at nagpalit ng damit. Inilagay ko naman ang mga gamit na hindi ko dadalhin. Sandali akong napatingin sa maliit na envelope at tinignan kong ano ang nasa loob.

12/01/1996

Kagagaling lang ni Yumiko galing sa Hongkong para sa isinasagawang aktibidad sa nalalapit na labanan ng grupo. Iba na ang payatot at malnourished na kinukutya ng kanyang kasamahan, isa na siya ngayong mala wrestler na gumigiba ng bakal. Ang laki ng nilaki ng katawan ni Yumiko.

Mayroon silang isang buo at masayang pamilya. Nang dahil sa pagkalulong ng kanyang ama sa droga naubos ang kanilang pera at iyon ang dahilan kung bakit nalugi ang pinatayo nilang casino.

Hindi makapagdischarge sa ospital ang kanyang ama dahil sa lubhang karamdaman na dinadala nito dulot ng pagkasobra sa sobrang paginom ng illegal na gamot. Sa ngayon ang kanilang ina ay patuloy pa ding hinahanap sapagkat nasira ang sinakyan niyang barko sa China. Kasalukuyang hinahanap pa din ng rescuer ang mga biktimang nawawala.

At ang kapatid niyang si Marina na kasama niya sa kahirapan. Nagapply itong kasambahay sa pamilyang Sanchez para makadagdag sa babayarang gastusin ng kanilang ama sa ospital. Tinulungan ni Matthew si Yumiko na magtagpo ang landas ng magkapatid. Ang inaasam niyang makita ang kuya niyong matagal na hindi nagpapakita.

Ano itong liham na ito? Anong hindi ko nalalaman? Sino ang tunay na magulang ni Yumiko at Rina?! Kailangan kong umuwi para alamin ang totoo.

Alam kong ngayon ang uwi ni Yumiko galing sa Hongkong. May business deal sila ng katoto niya sa Hongkong.

"Marina!" sigaw ko na may kasamang tuwa.

" Sir Matthew? Bakit po kayo nandito?" Gulantang niyang tanong.

" Susunduin ang kuya mo. Masama?" Pinagdilatan ko siya ng tingin.

"Kuya!" bigla siyang lumapit kay Yumiko at niyakap siyang mahigpit.

" Akala ko ako ang yayakapin mo, Rina!" Bulong ko

" Hey, sorry." Binaling niya ang tingin kay Yumiko. Tss, puro Yumiko.

"Pasensiya na ah kuya, kasi hindi ako nakapagbihis eh at sa sobrang excite ko. Walang halong pagaalinlangan akong sinalubong ka!" Hinawi ko ang kamay ni Yumiko kay Rina.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon