Chapter 21

56 30 0
                                    

Truth hurts

[Patugtugin niyo po ang Fight Song by Rachel Platten habang binabasa niyo]

" Hello. Jillian! " Isang lalaking may dalang rosas ang biglang dumalaw sa akin.

" Alam kong may pagkakamali din ako dito. Nagpanggap akong Matthew Sanchez Trinidad. Hindi ko magaya kung anong mayron siya. " palapit pa lang siya sa higaan ko. Sinampal ko siya ng maraming beses. Gusto kong lamugin ang pagmumukha niya!

" Oo. Malaki ang pagkakamali mo. Hindi mo ako madadala sa pa-rosas at tsokolate mo. Ayaw kita dito. Umalis ka sa harapan ko Stewart. Umalis kana!" Winarak ko ang rosas ng dala dala niya. Tumayo ako as much as i can.

Dinala sa pinakasikat at pinakayaman na ospital si Jillian upang maipagamot. Ang pangalan ng ospital na kanyang pinaggamutan ay Saint Mary Medical Hospital. Mga madre ang nangangalaga ng ospital na iyon. Tumutulong sila sa mga pasyenteng nangangailangan ng mabisang gamutan.

Dahil mayaman naman ang pamilya ni Matthew na silang tumulong sa pagpapaggaling ni Jillian ay walang problema ito dahil si Jillian naman ang daan para magkita si Mattew at si Sir Brian.

Lahat ng kagamitan na nakakabit kay Jillian ay mamahalin. Ang mga gamot na kanyang iinumin ay mabisa din para sa sucessfull nitong paggaling. Ang mga pagkain at inumin na kanyang ini-intake ay mga natural imported foods.

Kumpleto na lahat. Malaki ang naitulong ni Sir Brian at ni Maam Sally kay Jillian kaya't simulan na natin ang susunod na kabanata..

Jillian:

"Pep pep pep pep pep" Tunog ng isang heart beat system na nakakabit sa aking katawan.

" Sana dumating ang panahong magkapatawaran na tayo - Stewart "

Mabuti nalang at umalis na siya sa lugar na ito. Imaginin mo iyon, patatawarin ko ang isang ito ng basta-basta? Ays, sht! Bakit pala ako nandito?

Unti unti kong binuka ang labi ko. Inangat ko ang kaliwang braso ko. Napansin kong sobrang dami naman ang nakakabit. Ay! Letche! Akala ko patay na ako yun pala nabuhay pa ako. Teka? Nasaan ako? Sa State?

" State ba talaga?!"

Napasigaw ako nang malakas at tinakpan ko naman ito ng aking kamay.

Huh?

Ito na ba yung tinatawag na tulong? Ano?! Tinulungan nila ako?! Bullshit! Hindi kailangan, hindi!!

Wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang nandyan na. Wala eh, tinulungan na ako ng pamilya ni Matthew. Tapos itong si Stewart, hindi padin ako tinatantanan! Ang kailangan kong alamin kung sino ang orihinal na Matthew.

Ako lang yata ang nagiisang tao dito ha. Hmm... Dapat may kasama ako dito kahit man lang isang pasyente. Hindi kaya, nasa private akong kwarto? At wala akong kaagaw dito maliban nalang sa mga lamok na lumilipad sa mukha ko. Tanong ko sa aking sarili na may kasamang pagaalala

" Ah hija kanina ka pa ba gising? Kailangan mo ng kumain. Ito, ang masusustansiyang pagkain para maging malakas ang iyong pangangatawan"Isang matandang madre ang kumausap sa akin

"Sige po, pero busog pa po ako. Pwedeng maya maya na po muna" malumanay kong tugon sa madre habang hinahaplos ko ang tiyan ko

"Basta hija! Kumain ka sa naayon na oras ah. Bawal paghintayin ang grasya! "sagot ng isang madre at saka nginitian ako

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon