TWO
This story is not for publishing.
"Sige subukan mong lumapit! Sasapakin na talaga kita!" Banta ko sa kanya dahil bigla na naman siyang sumulpot sa harap ko at lapit nang lapit sa akin. Kung hindi ko lang talaga kilala ang gagong 'to, pinagkamalan ko na 'tong manyakis at gusto akong pagsamantalahan!
"Ayaw mo na ba akong makita? Hindi mo ba namiss ang boyfriend mo?" Nakangiti niyang sabi. Umirap naman ako sa ere dahil sa sinabi niya.
"Mr. Montemayor, how many times did I warned you na hindi kita boyfriend at lalong hindi mo ako girlfriend? Gusto mo bang sipain ko yang a-ano mo, y-yan." Sabay nguso sa pagkalalaki niya. Tinignan niya naman ito at parang batang amuse na amuse sa sinabi ko. I was shocked when he sudddenly grabbed his crotch na nagpalaki ng mga mata ko. Tinignan niya ako habang hawak iyon.
"This? Paano tayo makakagawa ng baby kung sasaktan mo si Jr.? Balak ko pa naman na magkaanak tayo ng mga walo." He said. Ako magkaanak sa kanya? Maisip ko pa nga lang ang ideyang maging boyfriend siya nanlulumo na ako eh at buti binitiwan na niya iyon dahil sisipain ko na talaga siya!
"Manyak ka 'no?! Lumayas ka nga sa harap ko!"
"Ang pakipot mo naman Freen, ako na nga ang lapit nang lapit sa'yo at baka hindi mo alam na alam ko na pinagnanasaan mo rin naman ako. Tipong may malaki akong hubad na larawan sa kwarto mo." He said. Ang kapal, ang kapal kapal! Binilisan ko pa ang paglalakad ko pero may apat atang paa ang lalaking ito at nasasabayan pa rin ako.
Bigla siyang umakbay sa akin, yung tipong nakaakbay talaga nang sobra to the point na magdikit na ang mga katawan namin.
"Alam mo kasi Freen, bakit hindi mo pa aminin na gusto mo rin ako? Ako nga halos ipagkalandakan ko sa buong campus na tayo na eh, tapos ikaw todo tanggi pa. Nakakasakit kaya iyon ng feelings." Sabi niya sabay lagay ng kamay niya sa may dibdib niya, tipong effects ng pag-iinarte niya.
"Bakit mo ba kasi ako nagustuhan? Ang dami-daming babae diyan na bagay sa'yo eh!" Singhal ko sa kanya. Ang daming babae ang nagkakandarapa sa kanya tapos siya itong baliw na baliw sa akin. Ang ganda ko ha!
"No choice ako eh-OUCH!" Bigla ko siyang siniko sa tiyan niya. Itong lalaking 'to mapapatay ko na!
"Ewan, basta gusto na lang kita makasama. Gusto ko sa'yo lang ako magkakaanak, bubuo tayo ng one big happy family!" Abot ang tenga na sabi niya sa akin.
"At talagang big? Saan naman nanggaling yung big na yun aber?!" Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante. Sino ba naman hindi titingin sa amin kung ang isang Montemayor ay nakaakbay sa'yo?
"Oo nga, I imagined my self with you and with our children."
"Children? Plural? Adik ka?"
"Sa'yo ako adik. So ano? Mag-approve ka na ba sa plano ko, para masimulan na natin ang paggawa ng bata?" He winked. Kaya siniko ko ulit siya pero parang wala namang talab dahil ang tigas tigas ng katawan niya. Madalas din kasi ang gagong 'to sa gym at minsan na rin niya akong sinama. Gusto raw niyang ipagmalaki na girlfriend niya ako.
"Paano mo itutuloy yung plano mo kung wala ka namang ginagawa para matupad 'yon? Eh halos kaliwa't kanan nga ang pambababae mo." Inismiran ko siya. Akala niya naman hindi ko alam ang mga babae niya! Naku talaga, kukurutin ko talaga ang lalaking 'to gamit ang nail cutter!
"Selos ka naman? Pinagseselos nga kasi kita." Nagulat ako ng bigla kaming lumiko.
"Hoy doon ang klase ko!"
BINABASA MO ANG
My Husband's Kisses
RomancePast is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1